Prologue

786 6 6
                                    

Playful Love

 

Prologue

 

Isang umiiyak na batang babae ang tumatakbo sa pinakalib-lib na lugar ng isang malawak na sementeryo.  Nang mapagod sa pagtakbo ay naupo siya sa isang malaking puno ng acacia.  Patuloy siya sa paghikbi at kung minsan ay napapalakas ang kaniyang pag-iyak.  Sa likod naman niya ay mayroong batang lalaki na nakasandal din sa malaking punong acaciang iyon.  Narinig ng batang lalaki na abala sa paglalaro ng kaniyang PSP.  Madalas dito ang batang lalaking iyon, kaya naman tila sumama ang kaniyang loob nang makarinig nang iyak na malapit lang sa kaniya. 

Sino ba ang istorbong iyon?  May nakaalam na ng sikretong taguan ko’ sabi ng kaniyang isip.  Nang hindi siya makatiis dahil masakit din sa tenga ang iyak na iyon.  Tumayo na siya at inilagay sa kaniyang bag ang PSP na hawak.  Nang makita ang umiiyak ay nakatungo ito at nakayakap sa sariling tuhod.  ‘Isang batang babae pala ang umiiyak’ sabi niya muli sa isip.  Sa tansiya niya ay halos magsing-edad lang sila kung hindi naman ay mas matanda siya ng kaonti rito. 

“Baby, bakit ka umiiyak?”  pag-aalo ng batang lalaki sa batang babae.  Umupo siya upang magka-level ang taas nila.  Patuloy sa pag-iyak ang batang babae “Sino ka?”  humihikbing sabi ng batang babae.

“Uhm.  Ako si Steven, ikaw ano pangalan mo, baby?”  patuloy siya sa pagbanggit sa ‘Baby’ dahil naisip niya na baka epektibo ito upang mapatahan ang batang babae.  Ganoon kasi siya tratuhin ng mga magulang niya.  Kahit anim na taon na ay ‘Baby’ parin kung siya ay tawagin.  “Ako si Sebrina.”  Itinaas ng batang babae ang kaniyang ulo.  Kaya naman lalo lang siyang nahabag ng makitang puro luha ang mukha ng batang babae.

“Bakit ka umiiyak?  May umaway ba sa iyo?”  muling tanong ng batang lalaki sa batang babae.  Kinuha niya ang panyo sa kaniyang bulsa at siya na mismo ang nagpunas ng luha ng batang babae.  “Kasi.  Kasi may babae na dumating sa bahay namin at inaaway ang mga magulang ko.  May kasama pa silang mga pulis at mga taong nakaitim at may mga hawak na bag na itim na parihaba ang sukat.”  Nagulat ang batang lalaki sa sinabi ng batang babae.  Napaisip siya na baka mga attorney ang tinutukoy ng batang babae madalas kasi niyang makita sa bahay nila ang mga attorney ng pamilya nila na ganoon kung manamit at ganoon ang laging dala- dala.  “Bakit naman sila pupuntahan ng mga puilis?  Bad ba ang mga magulang mo?”  bigla nalang lumabas sa bibig niya ang mga salitang iyon. 

“Hindi!”  sumigaw ang batang babae kung kaya’t napaatras ang batang lalaki.  “Hindi sila bad.  Ganyan din ang mga sinasabi ng mga taong iyon.  Pero hindi iyon totoo.  Mababait ang mga magulang ko.  Isa ka siguro sa kanila, kayo ang bad!”  sigaw ng batang babae sa kaniya at lalo namang umiyak ng malakas ang batang babae.  Kinabahan siya at hindi na malaman ang gagawin.  “Uhm. Baby, huwag ka naman umiyak.  Sige, oo hindi bad ang mga magulang mo. Hindi ako isa sa mga taong iyon.  Mabait ako promise.” Nagkakandabulol bulol niyang sinabi sa batang babae.  Hindi naman natinag sa pag-iyak ang batang babae.  “Sabihin mo nga, ano ang ginawa ng mga pulis sa mga magulang mo?”

 

“Kinuha nila sila mama at papa.  Wala doon si Lolo para ipagtanggol sila.  Sinisigawan ng babae ang papa ko nagagalit siya sa papa ko”

Playful LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon