Chapter 14
– Pay Back Time
Sebrina Maica Gonzalvo
Friday na! Last day na ng pasok at SEMBREAK na! Excited na ako sa darating na Sembreak dahil magkakaroon kami ng outing together with the barkadas.
All set na! Mula sa resort na pupuntahan namin courtesy of Kailee dahil may mga resort sila. Madalas naman kami pumunta sa iba't - ibang resort nila Bes Kailee e. Pero yung ngayon ay hindi pa namin napupuntahan kahit daw si Charles.
Oh Shit! Speaking of Charles buwisit na iyon hindi ako nakatulog ng ayos dahil parang binangungot ako dahil sa paulit- ulit na nagre-replay sa utak ko ang sinabi niya " I told you magbabayad ka. Be ready Maica" Bwisit na iyon akala ko talaga ayos na kami e, Hindi pa ata!
Napailing ako ng ulo dahil ayoko muna isipin kung ano bang gagawin ni Charles para makabayad ako sa kanya. Nasa kotse na kami ni Yam busy ako sa pagmumuni-muni dito siya naman ay busy sa pagdodrawing activity daw nila iyon sa Filipino at dahil El Fili kami ay naisipan ng Teacher nila na iguhit ang isa sa mga kaganapan sa susunod na Kabanata. At hindi lang iyon dapat ay maipakita sa drawing kung ano ang nangayari doon kahit isang eksena lamang.
Gosh! Mabuti nalang at hindi namin guro iyon kung hindi ay malamang bagsak na ako sa subject na yon. Hindi talaga ako fun ng pagdo-drawing e. Kung tao nga lang ang idrawing ko ay stick man lang. Psh! Nakakahanga talaga itong boyfriend ko biro mo may talent pala siya sa pagdrawing.
Nang tingnan ko nga ang drawing niya kanina, ay grabe! Pwede nang idisplay sa isang art gallery. Minsan nga ay siya pagawain ko ng activity ko kapag drawing kami sa TLE kasi namin madalas ganoon e. Sumilip ulit ako sa ginagawa niya. Tapos na pala siya sinusulat nalang niya ang kanyang pangalan sa likod ng cartolina. Rex Steven Bernardino.
“Steven?!” sabi ko na may pagkabiglang tono pagkabasa ko sa sinulat niya. Napatingin naman siya sa akin. “Oo. Rex Steven ang full name ko, hindi mo ba alam Yam?” tanong niya ng may halong pagtataka. Dahil siguro ngayon ko lang nalaman na may second name pala siya. “Uhm. He-he oo ngayon ko lang kasi nalaman. Akala ko kasi Rex lang, sorry.” Sabi ko naman sa kanya. Ngumiti siya ang sinabing ayos lang daw.
Pumasok ako sa room ng nakatahimik lang at magulo ang isip. Possible bang siya iyon? Kung siya nga bakit hindi niya sinabi? May parte sa akin na masaya dahil natupad ang pangako niya pero may parteng hindi ako makapaniwala na iisa sila. Ano ba ang totoo ang Steven bang kababata ko at si Rex ay iisa?
Vacant time namin dahil wala ang English teacher namin. Nagdesisyon kaming tatlo na lumabas muna ng room at pumunta sa canteen. Habang naglalakad kami madadaanan namin ang room nila Rex. Nasa dulong pinto palang kami na nakasarado ay maririnig na mayroong nagsasalita. Napasilip ako sa bukas na bintana na katabi ng pinto at nakita ko si Rex na nagsasalita sa harap. Napangiti ako ng makita ang iginuhit niya kanina sa kotse niya. Nagpapaliwanag siya kung ano ang nagaganap sa drawing. Sa pagsasalita niya ay talagang nahanga-hanga dahil kabisadong kabisado niya ang sasabihin. Sa lahat ng drawing na nakapaskil sa pisara ay ang kanya ang pinakamaganda. Ang galing talaga niya.
BINABASA MO ANG
Playful Love
Teen FictionSebrina Maica Gonzalvo, simpleng babae may dalawang best friend, katulad lang din siya ng mga babae magkakacrush at magkakaboy friend at iyon ay si Rex Bernardino pero sino mag-aakala na sa halos akalain na ng lahat na para sila sa isa't isa na kahi...