Chapter 3

132 4 2
                                    

Chapter 3

–  Friends Problem

 

 Sebrina Maica Gonzalvo

   

Three weeks na to be exact matapos yung tagpo sa may park.. at sinabi ni Rex na liligawan niya ako.  Lagi niya ako sinusundo sa bahay tuwing papasok, at ihahatid naman kapag uuwi na..  laging libre sa lunch, at may chocolates at bears pa tuwing weekends, sobrang sweet nga nya eh.. hindi pa sya pumapalya sa mga ginagawa niya sakin, pati nga pagaantay sa labas ng room kapag nauuna sila lumabas, normal naman lahat maliban lang kay Zaira..

Simula kasi noong nagtapat sakin si Rex, unti-unting lumayo samin si Zai maski upuan nya malayo na sa amin na dati naman katabi ko sya, lumipat sya sa kabilang column sya nasa right side kami naman sa left..  madalang nadin sya sumabay sa amin sa lunch at paguwi lagi nalang siyang wala, hindi ko na alam paano pang approach gagawin ko, hindi nya ako pinapansin pati si Bes Kai.. hindi namin alam kung bakit, sinubukan namin sya kausapin pero dedma lang siya..

Hindi ko kaya na ganito kami, hindi ko alam kong ako ba may mali o ano.. nahihirapan ako ng ganito sobra kong mahal si Zai kasi best friend ko sya.. Nandito kami sa room at heto nanaman groupings kami at kasama namin sya pero parang invisible kami para sa kanya.. Si bes Kailee leader namin dito..

“Bes, subukan mo naman sya kausapin oh” sabi ko kay Bes.

“Sige tatry ko bes.” Lumapit si Kailee kay Zaira..

“Zaira, ito nga pala yung part mo sa reporting natin.. if may maidadagdag ka dagdag mo nalang”

 

“Ok.” Yan lagi lang ok o sige sagot nya.. pagkatapos sya kausapin ni Kailee tumalikod na sya dito, at napaharap sa akin sinubukan ko naman sya ngitian, pero hindi sya ngumiti.. natapos ang klase sa subject na ito pero ganon padin walang nagbago.. mailap padin sya.. mamaya susubukan ko sya kausapin kapag uwian na.. ayoko na ng ganito..

“tss, naiinis na ko ha.. tatlong linggo na syang ganyan ano ba problema nya..” sabi ni Kailee

“Hindi ko nga din alam bes eh..” napabuntong hinga nalang kaming dalawa.. napatingin naman ako sa upuan ni Zaira at Masaya naman siya nakikipagkwentuhan sa mga katabi nya..  madami na nga din nagtatanong sa mga kaklase namin kung bakit kulang kami at umiiwas samin si Zaira.. ang lagi naman sagot,, hindi namin alam.. pinatanong na namin sa kaklase namin na palagi nya kasama pero wala naman daw sinagot sa kanya.. unang beses lang kami nagkaganito..

Hindi naman nagtagal ay uwian na.. nagaayos siya ng gamit ako naman tumayo na nasa bandang likuran kasi ako siya sa pangalawang row sa harapan.. naglakad na sya palabas kaya sinundan ko sya.. nakita ko pang palapit si Rex pero sinenyasan ko syang wait muna..

“teka Zaira” hinawakan ko naman siya sa braso akala ko iiwas nya pero hindi, medyo nakahinga naman ako ng maluwag.. humarap siya sakin pero hindi nagsalita..

“Besie, galit kaba sakin? Samin?”

Playful LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon