Chapter 7
– Who’s that Girl?
Sebrina Maica Gonzalvo
From: 09120000000
Very much happy huh?
Magpakasaya ka na girl!
dahil malapit ko na sya kunin muli!
From: My Yam <3
Yam sa Monday papakilala kita kay mommy ha.. gusto ka nya makilala. :)
After ko mabasa mga text na yun hindi na ako mapakali dumaan ang linggo wala ako ginawa kung hindi mag-isip kung sino ba ang nagtext na iyon, unknown number kasi natatakot ako hindi ko alam kung bakit.. wrong send lang kaya iyon? Oo siguro wrong send lang wala naman sigurong sisira ng relasyon namin ni Rex diba? Nagsisimula palang kami..
nagsisimula na klase pero lutang pa din ako hindi ako makapagfocus, aaahh!! Ano ba pwede ba umalis ka muna sa isip ko! Napasabunot nalang ako sa ulo ko.. masakit na din kasi ulo ko kakaisip.. buti nalang walang nakapansin sa akin.. kanina para akong timang tinawag ako ng teacher namin pero wala akong nasagot sa tanong nya.. bwisit kasi na text yun ASAR!!! Hindi ko alam bakit ganito na lang ako magreact OA na ata pero malakas kasi kutob ko na may hindi magandang mangyayari eh.. Sana hindi naman mangyari kutob ko na ito..
Pinilit ko maging normal noong lunch pinilit ko maging alive at hindi ko sinabi sa kanila yung nagtext sakin na iyon wala lang naman siguro iyon, pwede naman wrong send lang tsaka wala naman nababanggit si Rex na may Ex sya eh.. wala iyon!! Sige Maica paniwalain mo sarili mo. Nandito kami sa may garden kanya kanya kami ng ginagawa si Kailee nagbabasa sila Mac at Chris naglalaro ng Candy Crush, mga bata! Si Zaira nakahiga lang at nakikinig ng music.. katabi ko si Rex nakasandal kami sa puno nakapaikot kaming anim dito sa puno, presko kasi dito.. Hay! Sarap matulog.. kung pwede lang haha..
“ahm Yam, punta tayo maya sa bahay ha..” saad ni Rex nakangiti pa habang nagsasalita..
“huh bakit?” magmama-ang ma-angan muna ako haha..
“papakilala kita kay mommy, hindi mo ba nareceived text ko?” may pagtataka naman sa mukha nya..
“bakit biglaan naman?” gusto ko lang siya kulitin, saka kinakabahan din kasi ako..
“excited na syang makilala ka..” totoo? Bakit? Paano kung hindi niya ako magustuhan? Mayaman sila baka katulad sa mga palabas sa TV kapag mayaman ayaw nila sa mahihirap. Unang beses ko ito kakaharap sa magulang ni Rex.. hindi ko alam gagawin ko
“kinakabahan ako”
“don’t be.. please” nagpacute pa..
“oo na.. oo na wag ka na magpacute haha, di bagay!”

BINABASA MO ANG
Playful Love
Teen FictionSebrina Maica Gonzalvo, simpleng babae may dalawang best friend, katulad lang din siya ng mga babae magkakacrush at magkakaboy friend at iyon ay si Rex Bernardino pero sino mag-aakala na sa halos akalain na ng lahat na para sila sa isa't isa na kahi...