Chapter 2

153 2 0
                                    

Chapter 2

– Can I?

  

Sebrina Maica Gonzalvo

Linggo. Nandito ako sa bahay, nakakatamad ngayon saan kaya ako pupunta? Sa bukid? Kila Kai o kila Zai? Himala ata at hindi sila nag-aaya gumala ngayon ha.. Ay oo nga pala may exam na bukas, pero maya na ako magrereview. Bigla ko naman naalala yung mga barkada ni Rex lalo na si Chris madalang na nga magsalita ang lakas naman makabanat tawagin daw ba kaming Mai-Kai-Zai? Ayos ah bago sa pandinig ko iyon, kapag may bago akong narinig at nakakatawa hindi ko mapigilang tumawa. Bigla naman tumunog ang cellphone ko.

Besie Zai calling….

Ayos may lakad siguro kami sabi ko na eh hindi makakatiis mga ito na hindi gumala. Nang sinagot ko yung tawag nya nagulat ako sa ingay nila.

“Besie Mai, nandito kami sa labas ng bahay nyo”

“ha? Sinu-sino kayo bakit ba ang ingay dyan?”

“Nandito kami kompleto barkada.”

“oh? Di nga? Wait lalabas ako.”

Lumabas nga ako at totoo nga kumpleto sila.  Hindi naman maipinta mukha ni Bes Kai alam kong ayaw nya ng maingay wala naman syang magagawa magsama nalang sila ni Chris pareho silang tahimik. Si Mac naman tingin ng tingin sa paligid siguro naghahanap na naman ito ng chicks ng mapatingin naman ako kay Rex gwapo ha, mas gwapo pala sya kapag hindi nakauniform. Pinapasok ko na sila. Sabi nila doon daw kami sa tree house. Namangha pa si Mac meron daw ba kami noon.. Ang kulit talaga!

Buti naman at may dala na silang pagkain ang layo pa ng bilihan dito eh. Ang dami nila talagang binili magpipicnic daw kami . Pero ang sabi nila magrereview daw talaga kami kaya sila napunta dito ayos mas gusto ko kasi may kasabay magreview ginaganahan kasi ako kapag may kasama ako.

“Tara na kumain na muna tayo” sabi ko gutom na kasi ako kanina pa kami nagrereview. Himala nga at ang tahimik nila focus na focus talaga sa pagrereview. Grade conscious?

“Oh sige tara gutom na din ako” sagot naman ni Mac na napahawak pa sa tiyan niya.

Kumain na nga kami habang kumakain kami nagkukwentuhan sila napakadadaldal talaga ng mga ito.  Ako hindi nakikisali tinatamad akong magsalita, wala ako sa mood.

“Ahm Rex paabot naman ng juice” utos ni Zai kukuhanin na sana ni Rex pero mas malapit si Mac..

 

“Oh eto”

“Ikaw ba si Rex tss!!” sabi ni Zai na halatang nainis?

“e mas malapit sa akin eh papatayuin mo pa yung tao tsk!” sagot naman si Mac. Oy baka magkadevelopan kayo ha!

Playful LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon