Chapter 5
– Congrats!
Sebrina Maica Gonzalvo
Friday na!
Bumangon na ako at gumayak nadin ako, matapos mga ginagawa ko.. bumaba na ako, at nakita ko si mama nasa kusina..
“ma, good morning.. may pagkain na po?” tanong ko kay mama, saka lumapit ako sa kanya at humalik sa pisngi nya..
“ganda ng gising ng bunso ko ha..” natatawa pa nyang sabi..
“hindi naman ma haha” nahiya naman ako kay mama..
“asus, kung hindi pa kita kilala, alam ko naman dahil yun sa kagabi eh..” kiniliti pa ako sa tagiliran, si mama talaga hahaha.. sabagay tama naman si mama, maganda nga gising ko..
Kumain na ako ng breakfast.. pagkatapos nagpaalam na ako kay mama baka malate pa ako.. pagkalabas ko syempre nakita ko na naman si Rex.. nakasandal pa sa kotse.. bakit ba ang gwapo nya kahit anong angle parang model lang eh.
“Oh Rex, aga ah.. kanina ka pa jan?”
“its YAM”
Hala nagalit.. sorry naman nakalimutan ko
“sorry Yam.. bakit kasi hindi ka pumapasok..”
“wala lang para surprise haha..” sus puro talaga pauso itong si Rex
“ganon ok..”
“hindi, kanina pumasok na ako, nagmano ako kay mama” ngumiti pa sya ng malapad..
“mama?”
“haha oo sabi nya eh” sus si mama talaga oh.. daming alam hahaha..
“tara na Yam, baka malate tayo” malate eh maaga pa nga excited pumasok? Haha
“sige tara na”
Pumasok na kami sa kotse, syempre pareho kami sa likod ng driver nya.. habang nasa byahe nagkukwentuhan lang kami.. naalala ko na naman yung kagabi.. kinikilig padin ako kapag naaalala ko
“ano iniisip mo Yam?”
“ah.. w-wala” napatingin naman ako sa kanya sabay iwas din naman ng tingin, kakahiya parang namumula ata ako
“pwede ba un, nakatulala ka..”
“oo,”
“sana lang AKO yung iniisip mo”
Hala sumeryoso naman yung mukha.. makadiin naman sa salitang AKO..eh sya naman talaga
Pero kapag tulala dapat tao iniisip pwede namang bagay o pag-aaral ha, hahaha.. hindi nalang ako nagsalita baka lumaki ulo eh.. nakarating na kami sa school.. sabay naman kami bumaba at naglakad na papunta sa kanya kanya naming room.. habang naglalakad kami sa hallway..
“sila na ba?” sabi ng mga estudyanteng nakasalubong namin, yung iba naman nakatingin lang..
“oo ata.. bagay naman sila eh, kakilig nilang tingnan” with matching giggle pa yung babae.. hala ano ba yan kakahiya, eh paano naman kasi nakahawak pa sa kamay ko si Rex para naman mawawala ako dito.. pero mga ganito nyang gesture kinikilig ako hehe
“pero sayang taken na si Rex” ay nalungkot teh?
“woah! Kailangan talaga laging hinahatid?” biglang banat naman ni Janine nagulat naman ako sa kanya haha
“sige, sige kayo na magsyota tss!!” sabi naman ni Mary Joy..
Ganda ng bati nila sakin ha.. sige good morning din sa inyo haha..
“kaw, Maica ha lumalablyf kana hehehehe.. kaw na.. ganda mo eh.”
“ha?”
“sus para naman hindi namin alam.. kayo na ni Rex, haba ng hair teh!!”
“paano nyo naman nalaman?” kagabi lang yon ha.. nandoon din ba sila bakit hindi ko nakita..
“sa fb.. updated kami no hahahah.. pero infairness kakilig ha..”
“fb?”
“oo.. pinost ni Kailee..” tumingin naman ako kay Bes.. ngumiti pa at nagpaece sign..
“ikaw talaga bes hmp!..bakit mo ginawa iyon?”
“sorry. kinikilig kasi ako..” wow uso na sayo kiligin ngayon.. haha sige ok na improving ka naman na hahaha.. umiiling iling nalang ako.. nakita ko naman si Zaira nakangiti lang.. napakaingay nila puro sila congrats ng congrats.. naupo na ako sa upuan ko, malapit nadin magsimula ang klase..
Nang magsimula ang klase naging maayos naman, buti naman at tahimik mga classmate ko ayoko ng mabalitaan pa ng mga teachers noh.. nakakahiya na lunch break na at nagtext si Rex na nasa canteen na daw sila, kaya lumabas na kami ng room.. habang naglalakad kami ang daming tao sa hallway.. syempre naman Maica lunch break nga eh hahaha..
“Hi ate Maica, Congrats po!” ano daw? Para saan naman yun?
“Hello Maica, Congrats..” sabay abot sakin ng isang pirasong blue rose, favorite flower ko ito.. bakit ba ganito ano nangyayari?
“hala besie ano ba nagyayari, weird ng mga tao ngayon.” pati si Besie Zai naguguluhan na..
“ate Maica congrats po.” ngumingiti na lang ako sa kanila grabe ha..
“congrats po.. heto po para sa inyo..” may binigay na naman blue rose, hanggang sa maging eleven blue roses na ang binigay sakin..
“hmmm.. mukhang alam ko na may pakulo nito,” sabi ni Bes Kai, nangingiti pa sya.. hanggang makapasok na kami ng canteen panay congrats ng mga tao..
“Hello Yam Congrats” pati ba naman si Rex? Congrats ba para saan? Nawiwirduhan na ako sa mga tao ha..
“ano bang meron?”
“hahaha, tanong mo dyan sa Yam mo lakas ng trip eh..” sagot naman ni Mac.. may inabot naman sakin si Rex na blue Rose din, at pang-12 na yun..
“naguluhan ka ba? Sorry Yam..”
“ikaw may gawa nito?” tumango-tango pa sya… Rex naman eh nakakahiya na!!! pero sobrang kilig.
“Im proud for being your boyfriend Yam.. and I want to express this feeling to doing this..”
“nako! Nang dahil sa kanya yung isang babae nakipagdeal pa kay Chris na makipagdate para lang iabot sayo yung rose ahahahahahaha..” grabe naman makatawa si Mac.. nakasimangot naman itong si Chris..
“So my guess is right?” ngumiti pa si Bes Kai..
“Yam naman eh.. nakakahiya naman kailangan talaga ganito?”
“ayaw mo” hala nalungkot pa..
“hindi naman, hindi lang ako sanay na ako center of attraction”
“besie ok lang yan, minsan lang naman, hahahaha” nagtawanan pa sila, siguro pulang pula na mukha ko sa kilig at hiya .
Rex bakit ka kasi ganyan? Hahahaha kaya LOVE kita eh.. you never failed to surprised me.. Matapos kami kumain, bumalik din naman agad kami sa kanya-kanya naming room.. pagpasok namin..
“Maica congrats!!
“ate Maica Congrats heto po para sa inyo” mga loko talaga mga classmate ko ginaya pa talaga yung scene kanina bago kami makapunta sa canteen…
“tse!! Magtigil nga kayo!!”
“HAHAHAHAHAHAHAHA” nagtawanan naman sila.. sige tawa lang tss.. nahihiya na nga ako eh naupo na ako, hindi ko tuloy alam kung maiinis ba ako kasi nakakahiya o matutuwa ako sa kilig..
“ok lang yan Mai.. kinikilig nga kami sa inyo weh.. effort kung effort si Rex ha”
sabagay proud naman akong boyfriend ko na sya eh.. hindi lang kasi ako sanay na napapansin ng ibang tao.. hindi naman talaga ako pansining tao lalo na dito sa school, simpleng studyante lamang ako.. natutuwa ako kay Rex kasi ginagawa nya ito.. nararamdaman ko na seryoso talaga sya at mahal niya ako.. natapos na ang klase uwian na, ayos naman ang klase ang hindi lang talaga okey yung mga tao sa paligid hanggang uwian may congrats padin ng congrats mga nababaliw na mga tao.. napakabig deal bang ngayon lang ako nagkabf?
“bes, mauna na kami umuwi, may kasabay ka na eh” paalam sakin ni Bes Kai..
“eh? E sige na nga ingat kayo.”
“ingat din besie” nagwave pa sila at nagsimula na sila maglakad.. katabi ko naman si Rex nandito kami sa tapat ng pinto ng room namin..
“akin na gamit mo Yam”
“ako na magaan naman Yam eh..” sagot ko naman sa kanya..
“ako na..” kaya binigay ko na baka magkagalit pa kami sa gamit ko lang hehe..
“tara na” at nagsimula na kami lumakad papunta sa parking lot..
“meryenda muna tayo.. saan mo gusto Yam?” sabi nya ng makasakay na kami..
“eh wag na”
“nahihiya padin Yam ko sakin?”
“hindi naman sa ganun Yam..” pero nahihiya nga ako.. syempre bago palang kami at madami na sya nagawa para sakin.. ayoko naman puro sya lang diba.. saka hindi pa ko sanay..
“girlfriend na kita Yam, kaya wag ka na mahiya, and as your boyfriend that’s one of my obligation, kaya masanay ka na..” ngumiti pa sya, obligation talaga?
“sorry”
“no.. it’s ok.. ice cream tayo?”
“ahm.. sige” umandar na nga sasakyan palabas ng school.. ilang minutes din naman at nandito na kami sa ice cream parlor..
“ano gusto mo Yam?”
“ahm.. rocky road flavor Yam..”
“ok..
1 half gallon of rocky road..” sabi nya sa cashier.. ang dami naman at mauubos ba naming yun?
Ng makuha nya yung ice cream..
“ahm miss pwede makahingi ng three diposable spoon?”
“yes sir.. here” kinuha nya iyon at umalis na kami sa counter..
“tara Yam, dun nalang natin kainin sa kotse..” kaya lumakad naman kami..
“ang dami naman nyan Yam..”
“ok lang yan.. hahaha uubusin natin toh..”
Binigay nya sakin yung spoon at kumain na kami.. syempre binigyan naming si Manong driver..
“say ah, Yam..”
“eh ako na,, kaya ko na..”
“sige na.. say ahh” kaya ginawa ko naman si Rex talaga oh.. daming alam ginawa ko din naman sa kanya yun, syempre kung sweet sya dapat ako din hahaha..
“ano yan?” sabi nya ginuhitan ko kasi ng mata at nakasmile na dalawang mukha..
“haha natutuwa kasi ako eh..” ngumiti din naman sya, saka gumuhit sa ice cream ng I (heart na symbol) U.. kaya sumulat din ako ng I (heart na symbol) U too.. matamis na nga yung ice cream kaya feeling ko tuloy nilalanggam na kami hahahaha… nang matapos kami kumain.. umuwi naman na kami..
“pasok ka muna sa loob Yam..” yaya ko sa kanya.. bumaba na kami ng kotse at pumasok na kami sa loob ng bahay namin..
“ma.. nandito na po ako” nagmano ako kay mama, pati din si Rex..
“oh Rex, nandito ka pala, god bless”
“hinatid ko lang po si Maica..”
“salamat ha, sa paghatid sa kanya..”
“ayos lang po, masaya po akong ginagawa sa kanya ito..” napakamot naman ng batok si Rex hahaha mahiyain talaga minsan toh eh..
“napakabait mo talagang bata..”
“hehe salamat po, sige po uuwi na po ako..”
“ingat hijo”
“ingat Yam”
“Yes Yam.. I Love you” nagulat naman ako dun
“I-I Love you too” kaharap pa namin si mama e.. TAMABAYUN??? Rex talaga oh hindi tuloy ako makatingin kay mama.. lumabas na si Rex at nakita ko naman sumakay na siya sa kotse.. paakyat na sana ako ng magsalita si mama..
“anak.. nahihiya ka no?”
“ah opo..” tumingin ako kay mama sabay iwas din naman..
“anak, ayos yung ganoon kasi hindi sya nahihiyang ipakita o sabihin na mahal ka nya.. na kahit kaharap nya kami ng papa mo o ng kuya mo nasasabi nya yun.. yun ang tunay na lalaki, walang tinatago pinatutunayan lang nya na hindi nya tinatago ang pagmamahal nya sayo..”
“ganoon po ba ma?”
“oo haha.. ganyan din ang papa mo noon”
parang naalala pa ni mama sa isip nya yung dati.. alam ko naman ganoon si Rex eh.. basta sinabi ni mama naniniwala ako doon.. siguro unti unti ko na dapat sanayin ang sarili ko sa mga gagawin pa ni Rex ng handa na ko. Iniwan ko na si mama sa baba mukhang nagdeday dream pa eh hahaha..
Hay natapos din ang araw na ito.. WORD for TODAY, CONGRATS puro yun narinig kong sinabi ng mga tao eh.. grabe talaga si Rex daming alam.. nilagay ko naman yung twelve blue roses ko sa flower vase ko sa table ko.. kelan kaya nya nalaman favorite ko ito, haha nageffort pa talaga sya.. hay na ko Rex sana ikaw na talaga para sa akin hanggang sa huli, hindi man kita hiniling pero binigay ka sakin.. at alam ko at nararamdaman ko na ikaw na talaga yung destiny ko..
♥ ~ ♥ ~ ♥ ~ ♥ ~ ♥
~Perky_Jelli ♥
BINABASA MO ANG
Playful Love
Teen FictionSebrina Maica Gonzalvo, simpleng babae may dalawang best friend, katulad lang din siya ng mga babae magkakacrush at magkakaboy friend at iyon ay si Rex Bernardino pero sino mag-aakala na sa halos akalain na ng lahat na para sila sa isa't isa na kahi...