Chapter 12
– The Reckless Driver
Sebrina Maica Gonzalvo
Naglalakad ako ngayon papunta sa mini grocery store. Naisipan ko kasing gumawa ng cake para kay Yam peace offering ko dahil hindi man ako may kasalanan ng nangyari may part padin na nasaktan ko siya ng hindi sinasadya. Gusto ko lang bumawi sa kanya. Sakto naman na sabi niya pupunta daw siya sa bahay para makapagbonding naman daw kami.
Maaga kasi kami pinauwi ngayon dahil hindi naman na nagturo iba naming teacher pero syempre natuloy yung performance nila Bes at Besie minove pa nga eh kasi last subject talaga naming iyon sa afternoon class namin dahil nga hindi naman nagturo yung iba naming teacher minove na ni Madam tapos nakapagperform nadin ang ibang mga group. 6 groups kasi kami lahat so supposed to be dapat one meeting - one group. So madami ngang oras na masasayang ginamit nalang ni Madam kaya bukas dalawa nalang ang magpeperform.
Habang naglalakad ako tinitingnan ko ang list ng bibilin ko baka kasi may kulang ako. Nagdadalawang isip pa ako sa anong flavor na cake gagawin ko. Tss hirap pala baka kasi hindi niya magustuhan kung chocolate, pero ang alam ko mahilig naman siya sa chocolate. waaaah hindi ko maisip!! Napuno ang isip ko ng kung ano bang flavor gagawin ko. Bigla naman ako napatingin sa dinaraanan ko at nakita kong may isang Van, isang tricycle sa kabilang lane ang nagkasabay dahil hindi naman ito highway so hindi malapad ang kalsada. At pagtingin ko sa lane kung saan ako lumakalad may isang motorcycle na kasalubong ko. Waaaaah katapat ko lang yung Van at tricycle ng kabilang lane ta-tapos yung motorcycle nagdere-deretcho ang ending nagkasabay-kasabay kami at biglang..
Peeeeeeep!! Scraaaaaatch!!!!
“aaaah!!” napa-upo nalang ako dahil sa nanginginig ang tuhod ko sabay takip ko ng dalawang palad ko sa mukha ko.. waaaah mu-muntik na ako mahagip ng naka-motorcycle na iyon. Ang lakas ng kabog ng dib-dib ko takot na takot ako sa nangyari. waaaaaah muntik na ako mamatay doon o tumilapon o lumipad nalang ako kung saan. Buti nalang!!! ah ewan hindi ko na alam nangyari naguluhan na ako waaaaaah..
Tinanggal ko na yung kamay ko sa mukha ko ng mapansin ko parang wala naman nangyari sa akin wala naman kasing masakit sa akin. Pero the eff!! Kaunti nalang talaga mahahagip na ako ng motor na iyon. Walanjo! Hindi ba niya nakitang walang space para sumingit siya! Kaskasero psh!!! Hindi ako makatayo nanghihina padin kasi ang tuhod ko at nanginginig pa!
“Nako! Nako sorry miss, sorry talaga!” napatingin naman ako sa lalaking nasa harap ko. Kelan pa siya rito hindi ko man lang namalayan dahil sa takot ko. Natataranta siyang tanggalin ang helmet niya. Hindi pa niya matanggal yung pagkaka-lock noon.
“Arrgghh!! Bakit ayaw matanggal” nainis na siya dahil hindi nga niya matanggal yung helmet. Tss tutulungan ba niya ako o ako ang tutulong sa kanya. Nang matanggal naman niya yung lock ay parang slow motion na inangat niya yung helmet para matanggal sa ulo niya.
Ok. So gwa-gwapo pala siya. maputi siya na makinis ang mukha, mapula mga labi, medyo malaki ang mata pero kaayusan lang at bagay naman sa mukha niya matngkad siya pero mas matangkad padin si Yam ng kaunti sa kanya. Para siyang artista!! WatdaEff!!! Reckless driver naman siya!!! Walanjo muntik na ako mamatay dahil sa kanya!! Tumayo na ako pinagpagan ko ang short ko dahil nagkadumi iyon..
BINABASA MO ANG
Playful Love
Teen FictionSebrina Maica Gonzalvo, simpleng babae may dalawang best friend, katulad lang din siya ng mga babae magkakacrush at magkakaboy friend at iyon ay si Rex Bernardino pero sino mag-aakala na sa halos akalain na ng lahat na para sila sa isa't isa na kahi...