Chapter 15
- Walk Out
Sebrina Maica Gonzalvo
Nasa harapan na ako ng pintuan namin at ready na sanang pihitin ito ng makita ko sa gilid ng aking mata ang isang bulto ng katawan. Napangiti ako nang si Rex pala iyon ngumiti ako at lumakad palapit sa kanya. ”Yam! Ano ginagawa mo diyan?” masiglang bati ko sa kanya. Nakaupo siya sa isa sa mga upuan namin sa garden na malapit sa metal swing.
“Saan ka nagpunta?” napawi ang ngiti ko sa pagkaseryoso niya. Nakatingin siya sa akin at bakas sa mata ang galit. “Ah.. nagpasama si Charles kanina..” Pinilit kong ngumiti sa kanya kahit natatakot ako at kinakabahan. Tumango-tango siya. “So.. Close na pala kayo?” sarkastiko niyang sinabi. Ano bang problema?
”Huh? Diba kaibigan natin siya.. Pinakilala siya sa atin kahapon diba?” Naguguluhan na ako kay Rex ngayon lang siya naging ganito. Tumingin siya sa akin na parang hindi makapaniwala sa mga sinabi ko sa kanya. Pumikit ang kanyang mga mata ng ilang segundo. “Oh God! Maica.. Exactly! kahapon lang natin siya nakilala tapos sumama ka na sa kanya? What are you thinking?!” Nasapo niya ang kanyang noo. Nakasigaw na siya at nahihirapan sa paghinga. Nagpipigil pa ata siya ng galit pero ganito palang siya ay nakakatakot na!
“Pero Rex mabait naman siya saka-“ Nahinto ako sa pagsasalita nang hinampas niya ang lamesa sa garden namin at tumayo. “Maica, hindi mo ba alam na pwedeng may mangyari sa iyong masama? Don’t trust that fast! Iniwan lang kita sandali pagtalikod ko sumama ka na sa Charles na iyon?! Ni hindi mo man lang ako tinext o tinawagan man lang! Pati ang sarili mong gamit ay hindi mo man lang naalala?!! Bumalik ako dahil naiwan mo sa kotse ang mga libro mo. Alam mo bang natuwa pa ako dahil nakalimutan mo? Na may rason ako para bumalik at makita kang muli?! God! Maica! Tapos makikita kitang nakasakay sa motor niya? Oh shit!! Maica ano mo ba ako, ha?!! ANO MO AKO?!! BOYFRIEND MO AKO PERO HINDI MO MAN LANG NAISIP KUNG ANO MARARAMDAMAN KO!!” napastep- back ako sa kabiglaan sa mga sinabi niya naninikip ang dibdib ko at hindi na ako makahinga. Nakakaramdam na ako ng pag-init ng gilid ng mga mata ko. Sa takot ko sa kanya ay halos wala na ako masabi nanunuyo ang lalamunan ko at ang bilis ng tibok ng puso ko na siyang nagpapahina sa buong katawan ko.
“A-Im s-sorry. Hindi ko alam.. Ano bang problema? Huwag ka naman magalit agad. Pwede naman natin pag-usapan eh.. Sorry” Nilakasan ko na ang loob ko para magsalita. Kahit kailan sa tagal ng aming relasyon hindi pa siya nagkakaganito. Nanginginig ang kanyang mga mata mapula na din ito.
“Argh!! You don’t know? Then THINK AGAIN!! Why I am acting like this!!“ Galit na galit na talaga siya. Hindi ko alam ang tamang gawin para mapakalma siya kaya mas minabuti ko nalang na yakapin siya. Ayoko siyang nakikitang ganito, mabigat sa aking dibdib. “Im Sorry.. Patawarin mo ako… Hindi ko alam na ganito ang mangyayari. Im sor—“ Nabigla ako sa pagkalas niya sa pagyakap ko at bahagyang itinulak ako. Kumabog ng malakas ang puso ko lalo itong sumakit, naguguluhan sa ano bang dapat gawin.
“Hey! Ano nangyayari dito?” Napatingin ako kay Kuya Maikel na nagsalita galit at may pag-aalala sa kanyang pagkakasabi. Nagpabalik- balik ang tingin ko sa kanya at kay Rex. Natakot ako na baka nakita at narinig niya ang mga nangyari. Napayuko si Rex at umiling – iling.
BINABASA MO ANG
Playful Love
Teen FictionSebrina Maica Gonzalvo, simpleng babae may dalawang best friend, katulad lang din siya ng mga babae magkakacrush at magkakaboy friend at iyon ay si Rex Bernardino pero sino mag-aakala na sa halos akalain na ng lahat na para sila sa isa't isa na kahi...