Chapter 1
- Friendship
Sebrina Maica Gonzalvo
Nandito kami ngayon sa labas ng room at papunta na sa canteen para maglunch. Habang naglalakad kami at nagkukwentuhan, nagtatawanan ng dalawa kong best friend ay may lalaking sumalubong sa amin.
“Maica! pahingi nga ng dos!” seriously ng hihingi siya ng dos? Aba ni hindi ko nga siya kilala eh, ngayon ko palang siya nakita dito sa campus, o baka hindi ko lang talaga alam na nag-aaral pala siya dito.
“Ah eh wala akong barya e..” sabi ko na lang parang wala naman ata akong barya saka hello? Hindi ko naman siya kilala at hindi ako mayaman, mas mukha pa nga siyang may pera sa akin.
“Ganoon ba? sige salamat” tumalikod na siya saamin at pumasok na sa loob ng classroom nila nap ailing-iling ang ulo. Nagpatuloy nalang kami sa paglakad nang umalis na siya sa harapan namin, panay siko naman sakin nitong si Zaira simula pa kanina noong kausap ko ang lalaking iyon.
“Sino ba yun? Feeling close eh?” sabi ko sa dalawa ng pakalakad na kami.
“Aba malay ko hindi ko din siya kilala” matabang namang sabi ni Kailee. That’s Kailee wala siyang pakialam sa mga bagay na hindi niya interesado. Tahimik lang siyang tao kumbaga parang babaeng Michael yan ng they kiss again matalino na tahimik at palaging naka-straight face, pero kapag sa amin tatlo madaldal naman siya. Ewan ko ba kay Kailee kung bakit ganyan. Mahilig din siya sa music pangarap niyang maging isang vocalist o mapasama sa isang banda.
“Ano ba kayo, hindi nyo kilala iyon.. siya si Rex Bermundo sa gwapo niyang iyon hindi niyo siya kilala, ano ba naman kayong dalawa” malapad ang ngiti ng Zaira, napakunot nalang kami ni Kailee ng noo at nagkibit balikat nalang. Were sure isa yun sa crush o inaadmire ni Zaira. Yan si Zaira mahilig mag-admire sa mga gwapo na boys pero hindi pa siya nagkakaboy friend ha. Ganoon lang talaga siya. Sa aming tatlo si Zaira ang pinakafriendly masayahin, palabati sa mga tao. “tss whatever Zaira” hirit ni Kailee.
Pagkatapos namin kumain ay dumiretso lang kami sa room at nagsimula na ang klase. Medyo boring ang klase ah, pero parang araw-araw naman? Pauwi na kami at napagkasunduan naming tatlo na maglakad at tumambay muna sa tree house namin sa aming bukid. Nagpatayo kaming tatlo sa Papa ng ganoon para tambayan namin at gawaan ng mga project at kung ano-ano pa. Ganyan kami ka close pati pamilya namin close na close din. Malapit na kami sa gate ng may sumulpot na naman sa harapan namin.
“Hello Maica. I’m Rex Bermundo. Bye!” dali-dali siyang nagtatakbo pagkasabi nya non, parang baliw naman yun ano bang problema nun at ganoon yun, weird nya ha. Tsk! Ngayon lang ako nakakita ng ganoon. Grabe!
“Alam nyo kakaiba talagang ang taong yun, may sapi ata? Nakadrugs?” sabi ni Kailee na napapailing nalang sa ginawa ng Rex daw na iyon.
“Sweet nga eh, kaso bakit kay Maica lang siya nagpakilala? Ano tingin nya sa amin ni Kailee mga bato, statwa lang dito.. weird!” pailing-iling ding sinabi ni Zaira pati siya ay nawiwirduhan na sa lalaking iyon. Pero parang nakita ko na pala siya ngayon ko lang kasi napagmasdan mukha niya pero hindi ko alam kung saan ba.. “Nakakatakot naman si kuya parang may hindi magandang gagawin eh.” sabi ko at hinatak na sila palabas ng school.
BINABASA MO ANG
Playful Love
Teen FictionSebrina Maica Gonzalvo, simpleng babae may dalawang best friend, katulad lang din siya ng mga babae magkakacrush at magkakaboy friend at iyon ay si Rex Bernardino pero sino mag-aakala na sa halos akalain na ng lahat na para sila sa isa't isa na kahi...