-AUSTIN'S POV-
Lumabas muna ako saglit ng bahay para maglaro sa court. Nakakainip kasi sa bahay. Hindi din naman kasi ako naghahanda eh.
Ibinaba ko ang gamit ko pag dating ko sa court at nagbanat muna ng buto bago maglaro.
"Austin!"
Paglingon ko, si Mich lang pala...
"Bakit?" tanong ko sa kanya.
"Pwede ba kitang makausap?" tanong naman niya.
Tumango lang ako at umupo na kami sa bench.
Pareho lang kaming tahimik.
Ano kayang kailangan niya?
"Kamusta na?" tanong niya habang nakatitig sakin.
"Ok lang naman. Ikaw ba?" sabi ko.
"Well, I'm really not ok. Kaya nga gusto ko kitang makausap." pagamin niya.
"Tungkol ba san ang gusto mong pagusapan?" tanong ko.
"Sa'kin. Sa'yo." sagot niya nang nakatungo.
"Anong meron?" pagtataka ko. Ano bang kelangan niya at ang dami pa niyang alibi.
"Austin, mahal kita." sabi niya.
"H-ha? Ano na namang kalokohan 'yan Mich?" sabi ko.
"Matagal na kitang mahal, Austin. Simula pa lang nung makilala kita gusto na kita. At sa tuwing kasama mo si Mae, nagseselos ako. Sobra!" sabi niya sabay tumayo at tumingin sakin.
"Wag mo akong niloloko, Mich. Nakita ko kayo ni Jake nung nagbreak kayo. Idadamay mo pa ako sa mga kalokohan mo." sabi ko.
Nakita ko sila ni Jake sa gym nung araw na nagkabanggaan kami. Nag-aaway sila nun at biglang nakipag break si Jake sa kanya.
"Yun na nga eh! Nakipag break siya sakin dahil nalaman niyang ikaw ang gusto ko. Na ikaw ang mahal ko, Austin." sabi niya.
Hindi ko alam kung maniniwala ako sa kanya. Sa mga pinagsasabi niya. Baka isa lang toh sa mga trip niya para lalong masaktan si Mae.
"Mahal kita, Austin Mahal na mahal." sabi niya tapos bigla niya akong......
BINABASA MO ANG
You and I Forever
Teen FictionWhen your life goes wrong don't waste your time lookin' back in what you've lost, for the road of life was never meant to be traveled backward. Just move on and say, "things always happen for REASON."