Black Spades: The Past

533 26 32
                                    

"HAPPY 10th BIRTHDAY, Ran," tipid ang ngiting bati ni Storm sa kaniyang bestfriend. "Pasensya na, wala akong regalo."

"Ano ka ba? Ayos lang 'yon!"masayang aniya. "Ang mahalaga magkasama tayo. Bestfriends forever?"

Tumango siya. "Bestfriends forever."

"Tara! Do'n tayo!" turo ni Ran sa kumpol ng mga bata. "Mukhang masaya ro'n!"

Nasa isang amusement park sila at doon naisipang ipagdiwang ang kaarawan ni Ran. Hawak-kamay silang tumungo roon habang sumunod sa kanila ang mga bodyguard. Umentrada ang mga clown kaya lalong natuwa ang mga bata. Ngunit may isang natatanging nakasuot ng puting maskara at gloves.

Nasa kalagitnaan sila ng kasiyahan nang bigla na lang naglabas ng baril ang clown na may puting maskara at pinatamaan ang mga naroon. Nagkagulo na sa buong amusement park at halo-halong sigawan ng mga tao. Umiiyak na si Ran pero si Storm ay hinatak siya paalis doon. Nasilayan din nila ang mga kasamang bodyguards na wala nang buhay. Maging ang mga magulang ni Ran ay hindi nila makita.

Kumaripas sila ng takbo subalit gano'n na lamang ang gulat nang may humablot sa kanila. Sabay silang sumigaw at nagpumiglas ngunit sa murang edad ay wala silang naging laban. Tinangay sila ng mga lalaki at sinakay sa van.

Doon na rin nila nakita ang apat pang mga bata na dinukot. Dalawang babae at dalawang lalaki. Takot na takot sila habang nakayakap sa isa't isa. Ang tumatak sa isip nina Ran at Storm noon ay ang lalaki na may puting maskara, kasama ang ibang tauhan na may itim na maskara.

Nang dalhin sila sa abandonadong lugar ay lalo pa silang nakaramdam ng takot at pangamba. Ang impit na palahaw ng kanilang iyak ang maririnig sa buong silid hanggang makatulugan na nila 'yon.

Nagising ang lahat sa malakas na pagbukas ng pinto. Pumasok ang lalaking naka-maskarang puti at nginitian ang mga bata. Humigpit ang kapit ni Ran kay Storm. Umupo ito sa isang silya na nakalagay sa gitna at  isa-isa silang pinagmasdan.

"Sino sa inyo ang tagapagmana ng Hawthorn Clan?" Walang sumagot sa amin kaya laking gulat nila nang sumigaw ito. "Sagot!"

Nagsimula na namang mamuo ang luha sa mga mata ni Ran. Umiiyak na muli ang ibang batang kasama nila roon. Napasigaw si Ran nang hablutin ng lalaki si Storm at walang awang sinampal. Napakalakas niyon, dinig na dinig sa buong kwarto. Namumula ang kaliwang bahagi ng pisngi ni Storm pero wala man lang siyang reaksyon.

"S-Storm..." lumuluhang bulong ni Ran. Awang-awa sa sinapit ng kaniyang bestfriend.

"Ano?! Wala bang sasagot?!"

"Kung sino man sa inyo ang hinahanap ng pangit na 'to," malamig na sambit ni Storm. "Huwag kang magpapakilala."

Mukhang nainis ang lalaki sa sinabi nito kaya dalawang malalakas na suntok ang ginawad sa kaniya.

"Storm!" Napahagulgol si Ran. "Storm!" Napaupo ito sa sahig habang iniinda ang natamo. Sa sobrang inis niya ay sinugod nito ang lalaki. "You piece of sh*t! 'Wag mong sasaktan ang bestfriend ko!" Sinuntok niya ang lalaki pero parang wala lang iyon sa kaniya. Walang epekto ang pag-eensayo niya, maging ang pagsali sa mga underground fights.

Ngumisi ang lalaki at dinakma ang leeg ni Ran. Nanlaki ang mata niya at pilit sumagap ng hangin. Marahas tumayo si Storm at isang batang lalaki. Sabay nilang sinipa ang lalaki sa pribadong parte nito kaya napabitaw ito kay Ran. Habol-habol niya ang hininga. Hinatak siya ni Storm palayo roon at itinabi sa tatlo pang bata. Hinarap ng naka-maskarang lalaki ang batang lalaking. Nagsapakan sila ngunit sa huli ay naibalibag lamang ng lalaki ang bata.

Black Spades vs. DeltaWhere stories live. Discover now