Delta: The Past

126 17 21
                                    

Copenhagen, Denmark

NAKARAMDAM ng pananakit sa kamay ang batang Stone. Marahan niyang dinilat ang mga mata at inosenteng sinuri ang paligid. Puro puti, ika niya sa isip. Napatingin siya sa kamay at doon na niya nakita ang nakatusok na dextrose.

"Nasa ospital ako?" bulong niya. "Bakit ako narito?"

Bigla ay may pumasok na babaeng nars at nagulat siya nang yumuko ito sa kaniya. "Princess Stone, don't move. You still need to rest."

"W-What happened?" wala siyang choice kundi magsalita ng ingles. "W-Why am I here?"

"Someone rushed you to the hospital", nakayuko pa ring aniya. "You got poisoned."

"Nalason ako?" hindi makapaniwalang aniya.

Nangunot ang noo ng babaeng nars dahil hindi niya naintindihan ang sinabi ng bata na ngayon ay nanlalaki ang mga mata sa napagtanto. Yinugyog niya ang braso ng nars.

"W-Where's my mama?"

"Mama?"

"Mom", mabilis niyang wika. "W-Where's my mom?"

Napaiwas ng tingin ang nars. "I-I'm sorry, princess Stone."

"W-Why?!" Agad na may namuong luha sa kaniyang mga mata. "W-What happened to her?!" Nang hindi makasagot ang nars ay muli niya itong yinugyog. "T-Tell me what happened to my mama!"

"I-I'm sorry, princess Stone." Lumuhod ang nars. "She was died."

Natigilan ang batang Stone kasabay nang pagbuhos ng masaganang luha mula sa kaniyang mga mata. Napahawak din siya sa dibdib nang kumirot iyon.

"H-Hindi..." iling niya. "Hindi 'yan totoo!"

Mas lalong yumuko ang nars. "I-I'm sorry."

"B-Buhay pa si mama!" humihikbing aniya. "Bawiin m-mo ang sinabi mo! Buhay pa siya!"

Nagulat ang nars nang tanggalin ng batang Stone ang dextrose at kumaripas nang takbo palabas ng silid. Agad siyang pinagtinginan ng mga tao sa hallway ngunit hindi naman siya sinita. Hinanap niya ang labasan ng gusali ngunit bago pa man siya makatuntong sa labas ay dumating na ang kaniyang papa Simon. Walang emosyon ang mukha nitong naglakad palapit sa kaniya habang pinalilibutan ng black men nito.

"P-Papa..." lumuluhang ani ng batang Stone. "Nasaan po si mama?"

Gumuhit ang sakit sa mga mata ni Simon at mabilis na umiwas ng tingin. "Get her."

Maliksi namang kumilos ang black men. Binuhat nila si Stone at sinakay sa kotse. Agad na sumunod si Simon ngunit dumiretso siya sa limousine at hindi sinamahan ang anak.

"S-Saan niyo po ako dadalhin?" tanong ng batang Stone. "I mean, where are we going?"

"King Simon ordered us to bring you home, princess Stone."

"H-Home?" kunot-noo niyang tanong. "Is mama there?"

Natameme ang black men at pinili na lang ding hindi na magsalita pa.

Pagkarating sa kanilang palasyo ay mabilis na hinanap ng batang Stone ang kaniyang mama. Lahat ng silid ay tinungo niya ngunit wala siyang nakita. Wala ang mama niya. Maging si Sean na kaniyang nakatatandang kapatid ay wala. Nakaramdam ng lungkot ang batang Stone dahilan para mapaiyak muli siya. Natigil lamang siya nang makita ang kaniyang papa Simon.

Black Spades vs. DeltaWhere stories live. Discover now