(Fria's Pov)
"taena?ikaw ba yan Jess?!."Sigaw ko sa kaniya with talsik laway pa.Para damang dama.
"Shhhh....Wag ka ngang maingay diyan."pagpapatahimik niya sakin.
By the way,meet Jess Malindog My bestfriend and he's a gay.
Hindi ko nga alam kong bat andito tong baklang toh?
"Anong ginagawa mo ditong bakla ka?."kunot noong tanong ko.
"Sorry besh,kailangan ko lang talagang ikidnap ka."
Nagulantang naman ako don,Siya pala yung kumidnap sakin?
"Anong trip mong bakla ka at pinakidnap mo ko?."tanong ko.
"Inutusan lang ako ng pinsan ko bes naipakidnap ka,nong una hindi ko alam kung sino yung kikidnapin pero nong pinakita na niya yung picture mo nagulat ako tapos tumangi ako sa utos niya kaya lang,kinuha niya yung anak ko kaya kailangan kong sundin yung utos niya,Sorry talaga dear."Pagpapaliwanag niya.
"Ahhhh....Pero teka?Anak?may anak ka?kailan ka pa nagkaroon ng matris?."Gulantang na sabi ko.
"Gaga!hindi ako ang nabuntis."
"Sino?."
"Malamang yung mama ng anak ko,duh?."Maarteng sabi niya.
"Gusto mong maupakan bakla?."Saad ko.
"Ito naman masyadong highblood,chill ka nga lang."
"Paano ka magchichill kong ang sakit na ng kamay ko at nakakadena pa ko dito."
"Ay!Nakalimutan kong iunlock ang kadena hehehe..."Sabi niya sabay labas ng Susi.
"Taena,inuna mo pa ang pagchichika sakin kesa pakawalan ako,hanep ka talagang bakla ka."pairap na sabi ko.
"Dami mo kasing satsat kaya nakalimutan kong pakawalan ka."sabi niya.
"Sa wakas,Im free!."masayang sabi ko ng mapakawalan niya nako sabay inat inat.
Sumakit ang katawan ko kakaupo.
"Kamay mo lang yung malaya,hindi buhay mo."epal na sabi niya.
"Epal mo talaga,Tara na nga at ng tuluyan na akong makalaya dito."Sabi ko sabay hila sa kaniya.
Pero hindi pa kami nakakadalawang hakbang ng bumukas bigla ang pinto ng kwartong pinaglalagyan ko.
Nakalimutan kong sabihin na,Nilipat pala nila ako sa kwarto pero nasa silya pa rin ako.Gets niyo?kung hindi maggoogle kayo at tinatamad ako.
Pagtungin ko sa pumasok,pareho kaming nagulat.
Ako sa kapangitan niya,sya naman sa kagandahan ko.
"PANO KA NAKATAKAS--JESS?WAG MONG SABIHIN NA IKAW ANG NAGPATAKAS NITO?!."Sigaw niya sabay turo sakin.
Eksaherada naman tong Panget nato,makasigaw nasa kabilang baryo ba kami?
"Edi hindi sasabihin."Maarteng sabi ng katabi ko sabay ikot ng eyeballs.
"ABA'T KAILAN KA PA NAGING BAKLA!?."Sigaw ulit niya.
"Inborn na akong bakla Ghurl."
"PAANONG NAGING BAKLA KA?KANINA NGA LANG LALAKING LALAKI KA!."
Ako'y naririndi na sa bisugong toh ah.Makasabat nga.
"Hey you bisugo,ano bang sinisigaw mo diyan?Incase you forgot na mga 4 na dipa lang ang pagitan natin."
"PAKI MO BA KONG SUMISIGAW AKO!?INGGIT KA?!EDI SUMIGAW KA RIN!."
"Ahh..sigawan gusto mo ha,Teka lang."sabi ko sabay lapit sa kaniya.
BINABASA MO ANG
My badass maid
RomanceFria Mae Madrigal ay isang brutal na pulis na pinili ng kanilang boss na mag investigate para sa human trafficking na hindi malutas lutas ng kanilang departemento. Naisipan ng kaniyang boss na magpanggap siya bilang maid ni Gray Liezer Leihrte na ti...