Chapter 6:Request

67 16 0
                                    

Bloomy's POV

Natapos ang huli naming pagsusulit para sa taong ito nang matiwasay. Sigurado naman ako sa mga naisagot ko. Nagsunog talaga ako ng kilay para mataas ang mga grado na makuha ko. I needed to prove that I'm doing great and trusthworty. I aim all my grades this semester not lower than 1.75. So if ever my parents gets satisfied, I could able to suggest to them my prefered company for my OJT.

Grades were posted this Monday afternoon in our campus website, March 23, 2045. We can view them by logging in our student information system or S.I.S. God heard my prayer! I got 1 (flat 1 grade), 2 (1.5 grade) and 4 (1.75 grade). It's a call for celebration!

Sa hapunan ko naisipang ibalita ito. Natuwa ang mga magulang ko sa pagtaas ng mga grado ko. Gusto ngang iregalo ni Dad ang bakasyon sa Boracay pero tumaggi ako. Hinayang na hinayang nga si Gelo sa pagtanggi ko. I'm sorry buddy, your sister has a plan.

Kaya heto ako ngayon sa tapat ng pintuan ng room nina Mom at Dad. Makikiusap.

Kumatok muna ako tatlong beses.

"Come in," sagot sa loob.

Binuksan ko ng dahan-dahan ang pinto at nakita si Dad na nagsusuklay ng buhok. Bagong hilamos na. Ngumiti ako rito at pumasok.

"Oh! Bloomy, bakit? May problema ba?" tanong niya.

Naririnig ko ang mga kaluskos sa banyo marahil nandoon si Mommy. Umupo ako sa gitna ng kama at ganoon na rin si Dad.

"May ipapakiusap lang po sana ako sa inyo ni Mommy," sabi ko agad.

"Hintayin na natin ang Mommy mo, patapos na iyan." Parinig niya sa isa.

"Actually, kanina pa iyan sa banyo." Mahina nitong sabi at pareho kaming natawa.

Kahit kailan talaga si Mommy. Banyo Queen as ever!

Natahimik lang kami ng biglang bumukas ang pinto ng banyo. Nagulat si Mommy nang makita ako sa una pero kalaunan ngiting-ngiti na ito. Hanggang ngayon marahil hindi pa rin ito makapaniwala sa ibinalita ko. Marahil himala iyon para sa kanya.

"Bloomy, why you're here?" tanong nito.

"Gusto ko po sana, kung pwede sa Koka-Kola Beverages Inc. na lang po ako mag-OJT?" I bite my lip as I crossed my fingers. Nervously anticipating their most awaited approval.

"Pero ayaw mo ba sa KINE Shoe Manufacturing? Sayang ang opportunity para maturuan ka ng pinsan mo," giit pa rin ni Mom.

"Mas may tiwala kami kay Eunice. Hindi natin alam ang ugali ng magiging trainor mo," sabi naman ni Dad.

Ako ang walang tiwala sa babaeng iyon.

"Ang Koka-kola po kasi parang katulad sa industriya natin. Cola ang produkto nila, ang atin po alak naman. Mas maganda po roon, kasi parang nasa kumpanya na po natin ako. Kesa sa isang pagawaan ng sapatos medyo malayo po sa industriya natin." I tried my best to sound convincing.

"Sabagay may point ka anak. Sige kung doon ang gusto mo payag ako. Ikaw, Mommy?" Baling ni Dad kay Mom.

Nakaupo na rin ito sa tabi ko. "Ayos lang din sa akin. Basta ipagpatuloy mo lang ginagawa mo anak. Masaya kami ng daddy mo sa improvement mo. Ako na kakausap kay Eunice kapag nameet ko siya." Sabi niyang nakangiti at hinaplos ang pisngi ko.

Yes! I made it!

"Thank you po! I love you Mom!" I kiss Mom's cheek.

"I love you Dad!" I did it also to Dad.

Natawa silang dalawa at pinaalis na ako dahil maaga pa raw alis nila bukas. Ngiting tagumpay naman akong lumisan sa kanilang kwarto.

The next day, I woke up early. We only have 2 days to complete our clearance card. I decided to finish it today.

#AríyaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon