Bloomy's POV
"I missed you so much, Ate Blossom!" Pambungad ni Bunso pagka-accept ko ng video call niya.
"May ipapagawa ako sa'yo." Sabi ko kaagad.
"Grabe talaga! Wala man lang 'I missed you too!'. Nakaka-hurt!" Nagkunwari pa itong nasaktan habang sapo ang dibdib.
"Mahalaga ito. Kailangan nating malaman kung ano ang sakit ni Eight De Jesus. May hinala ako na may kinalaman ang post ni Michelle sa motibo ni Governor Uno sa pagdukot."
"Kinalaman? Hindi ba nga nawawala rin si Eight? Bakit kasi pinagpipilitan niyo na si Governor Uno ang salarin?"
"Naaalala mo ba iyong binanggit na text ni Marcelo?"
"Of course! The red heart."
"Hindi literal na puso iyon. Ang hinala ko ang tinutukoy ni Michelle ay ang lugar kung saan sila dinala. Naisip ko lang nitong nakaraang linggo na baka laboratory ang tinutukoy niya. Nakita ko kasi noon iyong dala ni Ate Eris. Saktong medical certificate niya iyon. Nabanggit niya ang laboratory kaya iyon ang agad na naisip ko. Baka nasa isang laboratory ang mga nadukot."
"Wait! Speaking of Ate Eris, nag-resign na daw siya?"
"Yeah! Model na ngayon ang ate natin."
"What! For real?" Gulat na gulat niyang tanong.
Natawa ako sa laki ng mga mata niya. "Oo. Nagulat nga rin ako. Himala nga at naisipan niyang pasukin ang trabahong iyon. Pagsali nga sa sagala umaayaw. Ewan ko! Baka nahipan ng magandang hangin." Natawang sabi ko.
"Wow! I can't wait to see her! Especially when her billboard is already hanging along EDSA. Yay! So excited!" Halata nga dahil sa sayang rumehistro sa mukha niya.
"Okay, back to our previous topic. Kailangan mong alamin ang sakit ni Eight."
"Unlimited? I get it, okay? Chill! Just leave it to me," mayabang na sabi niya.
"Sigurado ka? Mukha kasing ayaw ipaalam ng pamilya De Jesus ang kalagayan niya."
"Maliit na bagay!"
"Oo na! Oo na!"
"Wait!"
"Bakit?"
"Iyong hoodie jacket ko?" Ngumuso pa ito.
Natawa ako. "Akala ko nakalimutan mo na. Dumating na iyong delivery nung nakaraang linggo. Hindi ko naman maibigay sa'yo dahil alam mo naman. Busy akong tao."
"Kumusta ang On-The-Job Traning mo?"
"Walang araw na hindi ako inaalipin ng magaling kong pinsan."
"Really? Kakalbuhin ko talaga siya kapag nagkita kami," nanggigil na pahayag niya. "Don't worry. Hahanapan ko siya ng butas para panlaban mo sa susunod."
Natawa ako sa kanya at tinapos ko na rin ang aming usapan. Nakapuslit lang daw siya ng phone kaya siya nakapag-video call sa akin.
.......
Sabado ng gabi, niyaya kami ni Mom na pumunta sa burol ng kanyang kaibigan. Ang namatay ay si Tita Ivy ang kasama sa dorm ni Mom noong nasa kolehiyo pa siya. Namatay siya dahil atake sa puso.
"Ate, alis na raw tayo!" Sabi ni Gelo sa akin habang nagsusuot ako ng rubber shoes sa aking kwarto.
"Sige. Suot ko lang ito. Susunod na ako." Sagot ko.
Sumunod na rin ako pagkatapos. Nandoon na silang lahat sa sasakyan. Si Dad ang driver. Katabi niya si Mom sa passenger seat. Sa back seat kaming dalawa ni Gelo.
BINABASA MO ANG
#Aríya
Misteri / ThrillerA girl named, Bloomy Asbon, finally pursued her hidden dream-to become a detective. When she heard the news about the five people went missing on a certain province, she immediately took action. The transferee she met recently -an adventurer named B...