Bloomy's POV
"Sayang wala si Ninang Ganda! Wala siyang groufie kasama natin."
Kaninang 9:00 am pa kami dito sa parke. Makulay ang parke nila. Mula sa bakod na may iba't-ibang kulay. Mga padulasan na parang bahag-hari ang mga pintura. Puting-puti naman ang mga seesaw. Ewan kung bakit puti, kaya medyo madumi.
"Mamayang pag-uwi groufie tayo sama natin siya. Sali din natin Nanay at Tatay mo. Tsaka si teddy bear at dora!" Pagkarinig sa teddy bear umiyak ang bata. Nataranta naman kami sa pagpapatahan.
Sa kalesa ang bagsak namin. Tumahan naman si Princess nung sabihin kong sasakay kami ng kalesa pauwi sa kanila. Kaya umuwi pa rin kaming masayang-masaya ang bata.
Nagulat kami ni Bubbles nang datnan namin sa sala sina Ate Ara at Kuya Buknoy na seryosong nag-uusap.
"O ayan na pala sila."
"Mga ate iyong secret natin ha? Mapapalo ako kay Tatay kapag nalaman niya." Tumango na lang kami ni Bubbles sa bulong ng bata. Nagpabili kasi ito ng dalawang cotton candy kanina sa parke. Pinagbabawalan siya ng mga magulang niyang kumain ng matatamis dahil nasisira daw ngipin niya.
"Behave ka ba anak kina Ate?"
"Opo Nay! Nagslide kami ng mga 14. 15. 16. 17. 18. 20. 20 nay na beses kaming nagslide! Nadapa pa nga si Ate Bubbles tinulak kasi ni Ate Bloomy sa taas ng slide. Tapos hindi na kami nagseesaw nay kasi madumi. Kaya kumain na lang po kami. Madami po silang nilibre sakin. Tingnan mo tiyan ko nay o! Laki ano? Sumakay pa kami ng kalesa Kuya Buknoy. Hinatid pa kami hanggang sa tapat ng gate." Namumungay ang mga matang napahikab ito. "Nay tulog na po ako. Kapagod!"
Dinala na ni Ate Ara ang bata sa kwarto upang patulugin. Naiwan kami ni Bubbles kasama si Kuya Buknoy sa sala.
"Naghalf day ako. Nagbago isip ko, kaya sasamahan ko na kayo sa pupuntahan niyo." Nahihiyang sabi niya.
Bigla namang sumulpot si Ate Ara bago pa ako makasagot. "Buknoy dito kana rin kumain. Bilin nga pala ni Eris, huwag na huwag mo daw papabayaan ang dalawang ito. Hindi ka na raw sisikatan ng araw sa oras na inuwi mo sila na may gasgas."
"Naku hindi Ate Ara sa amin na ako kakain. Makakaasa kayo! Buong-buo ko silang maibabalik dito. Pakisabi na din kay Sire magpagaling siya."
"Salamat nga daw pala doon sa mga dala mong prutas. Dapat hindi kana nga nag-abala. Sakit sa ulo lang iyon," sagot ni Ate Ara.
The concern and sincerity on Kuya Buknoy's action really prove his genuine intention to Ate Eris. I wonder why the latter can't return his feelings.
"Ah ... Eh ... Ano nga palang oras tayo aalis?"
Nagkatinginan kaming dalawa ni Bubbles. Hindi ko rin kasi alam. Mainit kung aalis kami pagkatapos ng tanghalian.
"4:00 pm na lang siguro Kuya. Masyadong mainit kung aalis tayo pagkatapos magtanghalian."
"Sabagay medyo okay na iyon para hindi tayo gabihin. Sige uwi na ako. Balikan ko kayo mamaya," sabi naman niya sa amin.
Sudden turned of events. Nervous but at the same time I'm excited for later's adventure.
Bandang alas-tres ng hapon, hinanda na ni Bubbles ang mga gamit niya. Just in case we meet trouble along the way.
"Where are we going first? To Hugo Lim's house or Julio Morales?"
"Hugo Lim. On #979-BM Balas, Mexico, Pampanga," sagot ko. Phone and wallet lang dinala ko.
"Mga Ate saan po punta niyo?"
Nagising na pala si Princess. Gusto man namin siyang isama pero mas makakabuti siguro dito na lang siya.
"May papuntahan lang sina Ate. Dadalhan na ka nalang namin ng pasalubong. What do you want?" tanong ng kasama ko. Napamahal na rin itong si Bubbles sa bata. Naalala ko kanina noong nasa parke kami. Nasabi niyang gusto raw niyang magkaroon ng kapatid na katulad ni Princess. Bubbles is an only child.
"Talaga po? Strawberry? Daan po kayo sa palengke o kaya sa mall mga Ate mayroon doon. Mukhang importante po ang pupuntahan niyo?" sabi ni bata.
"Paano mo nalaman?" Naguguluhan kong tanong sabay tingin kay Bubbles na mukhang namangha rin sa bata.
"Wala lang po. Gusto niyo po pray muna tayo bago kayo umalis? I'll lead the prayer! Turo po sakin ni Ninang Ganda kapag daw po may importanteng gagawin pray po dapat," bibong sagot nito.
Matalinong bata! Kaya sumang-ayon kaming dalawa ni Bubbles.
"Papa Jesus ingatan niyo po sina Ate Bubbles at Ate Bloomy sa pupuntahan nila. Sana po magawa nila ng maayos ang kanilang gagawin. Amen!"
Nakarinig ako ng mga katok.
Napatingin kaming tatlo sa kumatok. Kumaway si Kuya Buknoy ng makita namin. Nakatayo ito malapit sa pintuan.
"Tara na?" yaya niya.
"Balikan muna doon sa kwarto ang Ninang Ganda mo. Salamat Princess! Don't worry will buy strawberry for you," sabi ni Bunso sa bata. Sumunod ang bata pagkatapos kaming niyakap ni Bubbles.
"Ito po susi ng kotse Kuya Buknoy." Abot ko nito sa kanya.
Paglabas ng aming sasakyan doon binasag ni Kuya Buknoy ang katahimikan.
"Saan tayo?"
"#979-BM Balas, Mexico po kuya. Malayo po ba iyon kuya?" tanong ko. Magaling na driver si kuya, slowly but surely. Takot atang mapahamak kami dahil sa banta ni Ate Eris.
Sumulyap muna ito sa relo. "Mga isang oras."
Palubog na ang araw ng marating namin ang bahay ni Hugo Lim. Isang bahay kubo. Pinagbuksan kami ng pinto ng isang matandang lalake. "Kaluguran nako ba ning anak me? Ala keng pang balita nanung melyari kaya."
"Fidel! Ninu ring abe mu ken?"
"Ay! Wa pala, tiu kwartu ing asawa ku. Melagnat ya kasi. Buri yeng puntalan?" Sabi ng matandang lalake.
"Ano daw sabi kuya?" Baling ko kay Kuya Buknoy.
"Nasa kwarto daw iyong asawa niya. Gusto daw ba nating puntahan?" paliwanag para sa amin ni Kuya Buknoy.
Napatingin ako kay Bubbles na tumango sakin. "Sige po!"
Sa kwarto, nakahiga ang ginang sa isang papag. May bimpo ito sa noo at akmang babangon ng makita kami.
"Ali nako pu lulukluk." Pigil sa kanya ni Kuya Buknoy.
"Kaluguran nako ning anak me? Ngeni dakayu pa ikit."
Translation of Kuya Buknoy for us: "Kaibigan daw ba tayo ng anak nila? Ngayon lang daw nila tayo nakita."
"Tagalog la? Taga Maynila ba kayo mga ganda?" Nakakapagtaka na parang nawala ang sakit nito ng itanong niya sa amin iyan. Tinanggal niya kasi iyong bimpo sa noo niya at umupo sa kama. Mababakas ang tuwa sa kanyang mukha.
"Opo!" / "Yes!"
"Fidel aliwa kaya ila deng sasabyanang Apung Mamata?" Tanong nito sa asawang napaisip.
"Siguru?"
"Diyos ko! Dakal a salamat!" Bulaslas ng ginang na napatingin sa itaas. Nagsimula rin itong magdasal habang nakapikit at nakasalikop ang mga kamay.
"Yaku pala I Fidel tata ng Hugo. Ining asawa ku I Nida. Kaya masaya ya kasi megbakasakali kami kang Apung Mamata sinabi na kasi ating datang adwang dalagang iba't Menila."
"Ano raw? Anong nangyayari Kuya Buknoy?" Naguguluhang tanong ni Bubbles maski ako.
Nalilito rin kaming sinagot ni Kuya. "May tinanungan daw sila, iyong Apung Mamata? May darating daw na dalawang dalaga galing Maynila." Nagkibit-balikat pa si kuya pagkatapos magsalin para sa amin. Marahil nawirduhan na rin sa mag-asawa.
Matapos magdasal ni Aling Nida. Maaliwalas ang mukha nitong sinabihan ang asawa. "Fidel dala mula kang Apung Mamata. Pota ila na reng amanwan na."
"O sige sige! Lakwan daka pa. Tara puntalan taya ing bale ng Apung Mamata." Sinundan namin si Manong Fidel.
Marahil pupuntahan namin iyong Apung Mamata na sinasabi nila?
BINABASA MO ANG
#Aríya
Mystery / ThrillerA girl named, Bloomy Asbon, finally pursued her hidden dream-to become a detective. When she heard the news about the five people went missing on a certain province, she immediately took action. The transferee she met recently -an adventurer named B...