Bloomy's POV
May kung anong tumutusok-tusok sa pisngi ko. Kinapa ko ito at umikot ng higa pakaliwa. Maya-maya lang ganoon pa rin ang naramdaman ko.
Kasabay ng pagkunot ng noo ko ang bungisngis kung saan. Kahit na inaantok pa pinilit kong imulat ang isa kong mata. Wala naman akong nakita. Kaya pinikit ko ulit ang mata ko at pinagpatuloy ang pagtulog. Ngunit pagkaraan lang ng ilang minuto. May bungisngis ulit akong narinig. This time, it comes in my right side.
Kaya't naupo na ako at bumaling sa kanang bahagi ng kama. Nandoon ang batang si Princess sinusundot-sundot ang pisngi ng tulog mantikang si Bubbles.
"Ayaw magising?"
Napapitlag ito ng marinig ang tanong ko kaya natawa ako. "Ayaw! Anong gagawin natin, Ate? Gutom na ako. Ang tagal niyong magising! Kanina ko pa kayo antay dito," reklamo niya.
"Halika! May ibubulong ako sayo." Lumapit namin ito at pinakinggan ako. Tumango ito at nagpunta sa dulo ng kama. Ginawa nito ang sinabi ko. Kiniliti niya ang paa ni Bubbles kaya napabalikwas ito ng bangon.
"Oh my! Oh my! What was that?" Takot na takot siyang tinatanggal ang kung anuman sa paa niya.
Kahit anong pigil ko sa pagtawa ay may kaunting tunog pa ring kumawala.
Natawa naman nang malakas ang bata habang ako pigil na pigil pa rin ang tawa. Tumigil lamang si Bubbles nang mapagtanto niyang kagagawan iyon ng pilyang bata.
"Good morning Princess!" bati niya sa bata.
"Ang tagal mo naman magising Ate Bubbles. Mabuti na lang tinuruan ako ni Ate Bloomy paano ka gisingin," laglag sa akin ng bata. Kaya tiningnan ako ng masama ni Bubbles. "Mga Ate tara na po! Tumayo na po kayo diyan! Kain na tayo! Excited na po ako sa laban natin ng paramihan makakain ng ebun. Yehey!"
Matapos naming gawin ang aming nakasanayan tuwing umaga ay kinaladkad na kami ni Princess sa kanilang hapag.
"Nasaan sina Ate Eris at Nanay mo?" tanong ko.
"Iih! Iniwan na po ako. Wala daw po kayong kasama dito. Nagsimba po sila ni Tatay. Si Ninang Ganda po baka nagsimba daw din po kasi maaga daw pong umalis sabi ni Nanay. Upo na kayo mga ate. Dali" Sabik na sabik ang bata sa gaganaping kompetisyon.
Napalunok na lang ako."Tsaraaan!" Pagtanggal niya ng takip ng ulam, tumambad sa harap namin ni Bubbles ang siyam na piraso ng itlog.
"Ano gagawin natin diyan?" Turo ni Bubbles sa mga itlog.
"Kakainin," sagot naman niya.
"Okay. Nasaan naman iyong kakainin natin para sa laban? Akala ko ba nagpaluto ka sa Nanay mo?" Naguguluhang tanong ni Bubbles sa batang napakamot sa ulo.
"Iyan! Mga ebun. Nilagang ebun. Itlog para maintindihan niyo mga ate," paliwanag niya.
"Ano?" Sabay naming bulaslas ni Bubbles sa pagkabigla.
"Sabi na! Akala niyo siguro kumakain ako ng bird. Kayo talaga mga ate! Gutom na ko! Game na! Ready ng mga ate?" Sabik na sabik nitong kiniskis ang palad.
"Game!"
After the difficult competition...
Grabe ang batang ito! Nakalimang itlog nga. Kami ni Bubbles tig-dalawa lang.
"Nye! Nye! Nye! Talo sila! Talo sila! Talo sila!" Bumelat ito sa amin at tumawa ng parang wala ng bukas.
Bigla na lamang sumabog ang masangsang na amoy.
Umasim ang mukha ko at napigil ang paghinga. Saan galing iyon?
"Hindi po ako iyon! Ligo na po ako mga ate!" Dali-dali nitong takbo papuntang banyo nila.
Hindi ko napigilan ang bibig ko. "Amoy kanal!" Sabay paypay ng kamay ko sa tapat ng ilong.
"Ambango kaya! Kaamoy nga nung tea na iniinom ni Mama na Chinese iyong brand. I forgot the name." Tuwang-tuwa pang singhot nito sa paligid.
"Ewan ko sayo!" Nagwalk-out na ako. Mamamatay ako sa suffocation!
Matapos maligo ni Princess, pinuntuhan nila akong dalawa ni Bubbles sa kwarto kung saan kami nanatili. Karga ni Bubbles ang bata na nakabalot ng tuwalya.
"Ate Bloomy ikaw magdamit sa akin. Please". Nagpuppy eyes pa ang chanak! Hmmp! "Para love na kita! Please! Si Ate Bubbles love ko kasi binigyan niya kong lollipop at dora. Sige na ate! Sige na! Sige na! Sige na!"
"Pagbigyan muna," sabi naman ng isa.
"Fine!" Labas ilong na sagot ko. Masayang kinaladkad ako ni Princess sa kwarto nila ni Ate Eris. Nakasunod naman si Bubbles na tatawa-tawa sa likod. Malinis at presko din sa kwarto nila. Hindi nawala ang mga na nagkalat sa bawat sulok ng kwarto.
Napasuot ko na sa kanya ang panty at short nito. Ipapasok ko na sana sa ulo niya ang sando niya kaso pinigilan ako nito.
"Ate, huwag!"
"Bakit? Ayaw mo ba nito? Sabi ko naman sayo ikaw na ang pumili ng damit mo." Nagpaliwanag pa ako hindi naman pala ito sa akin nakatingin.
"Ate Bubbles huwag niyo po hahawakan iyan! Magagalit po si Ninang Ganda. Pero ang cute po ano? Hiningi ko na nga minsan iyan kay Ninang kaso ayaw niyang ibigay. Gagawa na niya lang daw ako." Tukoy ni Princess sa kwintas na muntik ng hawakan ni Bubbles. Itim ang parang pinakasabitan nito. Ang disenyo nito ay ang nakasabit na isang puting angel na nakabukadkad ang pakpak.
Pinasuot ko na sa kanya ang sando niya baka sipunin pa ito. Pinabuksan muna niya ang telebisyon upang manood muna habang hinihintay kami ni Bubbles matapos sa pagligo.
Ang katabi nilang bahay ang may dalawa ding palapag. Napapalibutan ng rosas ang kanilang bakuran. Naki-usap sa amin ang bata na ikuha ito ng isang pirasong rosas. Ibinalot niya ito sa kanyang panyo matapos kong maiabot sa kanya.
"Bakit mo binalot at nilagay diyan sa likod?" tanong ko.
"Secret po mga Ate! Tara na! Nasa loob po si Apung Ruby." Patakbong kinaladkad ulit kami nito papasok kanilang kapitbahay.
BINABASA MO ANG
#Aríya
Tajemnica / ThrillerA girl named, Bloomy Asbon, finally pursued her hidden dream-to become a detective. When she heard the news about the five people went missing on a certain province, she immediately took action. The transferee she met recently -an adventurer named B...