Blommy's POV
Days flies fast, it's already Saturday. I'm still lying in my comfy bed wondering what productive things I should do this weekend. After a minute of pondering, my room was filled by my non-stop laughter. I just remember the epic confession of Toffer at the gym last Thursday.
Flashback:
Nagsisimula na ang ikatlong kwárter nang makarating kami. Natagalan kasi si Harrieta sa mga papeles na kinuha niya sa taas. Kaya sa huli, nakatayo na lamang kaming tatlo sa likod ng pinto. Kita pa naman iyong laro sa pwesto namin, kaso nakakangalay nga lang.
Natambakan na ang grupo nina Toffer sa mga oras na iyon. Lamang ang kalaban, 32-61 ang kanilang mga puntos. But you will not believe it! We won! The final scores are 107-84 and Toffer Damian became the MVP! Thanks to that amazing whistle like thing of Bubbles the inventor. A megaphone disguised as a small whistle.
Sukat ba naman niyang ipagsigawan ang "Go Toffer! Galingan mo! Nanonood sayo si Harrieta!"
Natahimik ang mga nasisigawang mga tao at namula naman si Harrieta. Nagkasalubong kasi kami noong umaga sa bungad ng eskwelahan, nagkayayaan na ring manood. Iyong tungkol kay Toffer at Harrieta naman naikwento ko lang. Nainip kasi kakahintay kay Harrieta kaya kung anu-anong tinanong.
Since Toffer became the MVP, he was interviewed. On the last part of his interview, our campus reporter asked him about his inspiration. Of course, he gives thanks to God, family, friends, fans and for her. Continuing with...
"Matagal na akong nakatago sa dilim, dinadaan sa pagbibigay sayo ng sunflower...
Toffer paused, he roam around his eyes to look for someone. The moment their eyes met he said:
"Now, I'm asking you Harrieta Kole. Can I have a chance to know you more? Perhaps a date tonight?" Nag-uumapaw ang pag-asang tanong nito kasabay ng pagkislap ng kanyang mga mata.
Ngunit nagulat kaming lahat dahil hindi sumagot si Harrieta. Bagkus tinalikuran niya si Toffer at patakbong lumabas. Lungkot ang agad na namutawi sa mukha ng binata. Bagsak ang balikat na napayuko. Isa-isang tinapik siya sa balikat ng kanya mga kasamahan. Isang nakakabinging katahimikan ang namayani. Marahil alay nila sa namatay na puso ni Toffer?
End of Flashback
Hapong-hapo akong napatigil sa kakatawa. Hindi ko talaga makakalimutan ang mukha ni Toffer noong mga oras na iyon. Epic! Natuloy pa rin naman ang kwentong pag-ibig nila. Paalis na sana kami ni Bubbles nang makatanggap ako ng mensahe galing kay Harrieta. Asking me to tell Toffer to meet her at Room 1-PD. Nabuhayan naman si Toffer nang sabihin ko ang magandang balita.
Kahapon ng 9:00 am siguro iyon. Natuloy na nga ang pag-alis nina Harrieta. Hindi nga pumasok si Toffer, maybe he sent them to the airport to bid goodbye.
Ginawa ko na ang nakasanayan ko tuwing umaga. Minabuti ko na lang lumangoy dahil maalinsangan ang panahon. After I ate my breakfast, I headed to our pool area.
"Good morning!"
Binalingan ako ng tingin ni Gelo nang batiin ko sila. Abala kasi sa kung anuman sa cellphone niya. Kasama pa nga niya si Nana Salome na parehong abala sa kanya-kanya nilang cellphone. Kahit may edad na iyang si Nana Salome, marunong iyang gumamit ng mga makabagong gamit!
"Ate, maagang umalis sina Mom at Dad. May business conference raw sila sa Singapore. Sa Lunes na raw sila makakauwi," sabi ni Gelo sa akin.
"Okay." Maikling sagot ko at tumalon na.
I started to swim in freestyle. Going to the other side through butterfly stroke. Huminto saglit at lumangoy ulit papalapit naman sa direksyon nina Gelo.
"Nana Salome, totoo po ba iyong Friday the 13th?" Napahinto ako sa paggalaw nang marinig ko ang tanong ni Gelo.
"Bakit mo naman naitanong? Hindi ko alam. Wala naman sigurong mawawala kung paniniwalain natin," dinig kong sagot naman ni Nana Salome.
Sumandal ako sa gilid upang mapakinggang mabuti ang kanilang usapan. Pero makalipas ng ilang segundo wala naman nang nagsalita sa kanilang dalawa. Akmang lalangoy ulit ako ng magtanong si Gelo. Nagsalubong ang mga kilay ko sa tanong niya.
"Ariya? Ano iyon, Nana Salome?" tanong ng kapatid ko.
Napalingon ako sa direksyon ni Nana Salome. Kahit ako hindi ko alam kung ano iyon. Napaisip si Nana Salome at pagkaraan ng ilang sandali nagliwanag ang mukha niya.
"Oo, narinig ko na nga iyan! Aríya ang tamang pagbigkas, Hijo, hindi Ariya. Kapampangan si Ben, tama? Narinig ko sa kanya iyan noong nauwi kami sa probinsya nila. Matagal na nga pala ang panahon noong nauwi kami doon. Oo nga pala! Ang Aríya ay salitang kapampangan na tinatawag namang pamahiin sa tagalog. Bakit mo naman naitanong, Hijo?" nagtatakang tanong ni Nana Salome sa kanya.
Ako rin naguguluhan na sa mga tinatanong ng kapatid ko. First, Friday the 13th and then Aríya?
"Kasi po Nana Salome may nagpost na 5 teenager sa kani-kanilang social media kahapon. Their post says: It's Friday the 13th! #Aríya. Sa Pampanga raw nakatira iyong lima at kahapon pa raw sila nawawala. Look!" Balita ni Gelo at binigay niya kay Nana Salome ang cellphone niya.
Napaahon naman ako. Curiosity hits my system. Kinuha ko ang tuwalya sa upuan malapit sa pwesto nila. Binalot ko muna ito sa katawan ko at sinilip ang kung anumang tinitingnan ni Nana Salome sa cellphone ni Gelo.
A facebook post with screen shots of what those five teenagers posted in their facebook wall. It almost had 13,000+ shares.
Woah! Coincidence? Friday the 13th? 13,000+ shares? I decided to take my shower and see that post after.
BINABASA MO ANG
#Aríya
Misteri / ThrillerA girl named, Bloomy Asbon, finally pursued her hidden dream-to become a detective. When she heard the news about the five people went missing on a certain province, she immediately took action. The transferee she met recently -an adventurer named B...