Bloomy's POV
Halos isang linggo na rin ang nakalipas matapos ng tagpo namin ng aking mga magulang doon sa private room. Masayang-masaya ako ngayong araw dahil naibalik na ang aking mga gadgets. Kahit na parang preso pa rin nilang ituring, abot langit pa rin ang aking pasasalamat. Tuloy pa rin kasi ang batas nila para sa akin. Bahay at school lang tuloy ang peg ko. Minsan nga gusto ko ng mag-suggest na kumuha na lang sila ng bodyguard upang mapanatag ang mga loob nila.
Nasa hallway ako ngayon naglalakad kasabay ng ibang estudyante na patungo rin sa canteen. Kasama ang kani-kanilang mga kaibigan na may iba't-ibang topic na pinag-uusapan. Samantalang ako, poker face lang at mag-isa pa.
Ngayon ko narealized ang aking pinagbago. Sa pagpasok ni bunso sa buhay ko, natuto na rin akong magtiwala sa iba na naging tulay upang magkaroon ako ng kaibigan.
Diretso agad ako sa paboritong mesa namin ni bunso. Himalang may dala itong dalawang lunchbox.
"Nagtitipid ka yata?" Tanong ko matapos maka-upo sa tapat niya.
"Pinagluto ako ni mama. Ewan! Takang-taka nga ako kanina bago ako umalis. Inabot ba naman niya sa akin ng walang sabi-sabi. Take note! She also prepare something for you. Sa'yo ang isa."
Natawa ako. "Pakisabi kay tita maraming salamat." Kinuha ko na rin ang lunchbox na para sa akin at binuksan. Tumambad sa akin ang Bagoong Veggie Rice na paborito ni mommy. Napatingin ako sa ulam ng kasama kung magkapareho kami.
"Yes, we're the same. Masyado yatang natuwa sa akin si mama kagabi. Kumain na kasi ako ng luto niyang pinakbet sa unang pagkakataon. Hindi niya alam nasanay na ako sa mga lutong ulam ni Ate Ara."
"Nakakatuwa naman si tita. Speaking of Ate Ara, I really missed them."
"Me too!"
Nagsimula na kaming kumain. Masarap siya! Naalala ko tuloy si mommy. Napabuntong-hininga ako.
"Hey!" Agaw pansin sa akin ni bunso.
"Bakit?"
"Share mo na sa akin Ate Blossom. Please! Ang tagal na kitang kinukulit tungkol sa hinala mo! Nakakainis na!"
"Sabihin mo muna kasi ang plano mo."
"Aish! Fine!" Uminom muna siya ng tubig. "My invention finally work perfectly on the day Caela spread germs to your hands."
Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Ano bang nagawa ni Caela sa kanya? Bakit ayaw na ayaw niya doon sa isa? "Anong kinalaman ni Caela?"
"I don't know. I was startled that time when I was in the comfort room. The video became clear already in my special eye glass. Here! Wear it and press the small button on the center part." Inabot niya sa akin ang bago niyang eye glass.
Naguguluhan man ay kinuha ko ito at sinunod ang instruction niya. Pagsuot ko, napansin kong kakaiba ang lens para sa right eye. Pero si bunso pa rin naman ang nakikita ko. Kumunot ang noo ko. "Anong special dito?"
Natawa siya. "Can I borrow your earrings?"
Kumunot lalo ang noo ko. "Bakit?" Binigay niya sa akin ang mga ito nung unang araw ng pasukan.
"Basta. Akin na. Pahiram. Saglit lang naman."
Naguguluhan man ay tinanggal ko ang mga ito. Ngunit biglang nanlaki ang mga mata ko dahil nag-iba ang nakadisplay sa right lens ng salamin na suot ko. "Paanong?"
Natawa ulit siya. "Those earrings helped me keep an eye on you. Sorry, if I did not tell you about it's use. But believe me! Noong kinausap ka lang ni Caela doon pa lang iyan gumana. I don't know what happen. The device just works perfectly on it's own." Paliwanag niya.
BINABASA MO ANG
#Aríya
Mystère / ThrillerA girl named, Bloomy Asbon, finally pursued her hidden dream-to become a detective. When she heard the news about the five people went missing on a certain province, she immediately took action. The transferee she met recently -an adventurer named B...