Bloomy's POV
Dalawang buwan na ang nakalipas matapos ang nangyaring pagdakip kina Bunso sa Pampanga. Maraming nangyari pagkatapos ng araw na iyon.
"Bloomy! Bloomy! Grabe na talaga! Hula ko! Hanggang diyan sa bahay niyo lutang ka pa rin," rinig kong reklamo ni Caela na nagpabalik sa akin sa kasalukuyan.
Napakamot ako sa ulo. "Ano bang sinasabi mo?"
"Alam mo na ba ang balita? Nag-resign na daw si Ate Eris kahapon. Pinadala niya lang daw kay Dean iyong resignation letter via email. Kaya pala nung pumunta ako sa library kanina ibang mukha ang nadatnan ko doon."
"Ano? Bakit naman kaya?"
"Hindi ko rin alam. Tawagan mo mamaya."
"Oo. Sige." Sabi ko kay Caela at tinapos na ang aming tawagan.
Malaki ang pasasalamat ko dahil hindi naman pala totoo ang mga nangyari kay Ate Eris noon. Nagkunwari lamang siya upang sila ay makatakas. Ngunit hindi rin sila nagtagumpay kahit na sinuportahan siya ng kanyang mga supporting actress. Sa huli, na detain pa rin silang tatlo sa loob ng limang araw. Kaya nalaman na rin ng mga pamilya nila ang aming pinaggagawa. Tatlo na kami ngayon na grounded sa kanya-kanyang bahay.
Dinial ko na ang numero ni Ate Eris. Ngunit naka-ilang tawag na ako wala pa ring sumasagot. Sinubukan ko ang numero ni Ate Ara.
"Bloomy? Napatawag ka?" Bungad niya kaagad sa akin.
"Kumusta na kayo Ate Ara?" Tanong ko rin.
"Maayos naman kami dito. Kayo?"
"Hindi pa rin ako nakakalabas ng bahay na mag-isa. Pati sina Bunso at Caela ganoon din po."
"Caela? Sino iyon?"
"Ay! Nakalimutan ko. Hindi pa pala kayo nagkita. Bago po namin siyang kaibigan."
"Ganoon ba?" Ilang segundo itong natahimik. "Marahil napatawag ka dahil sa biglaang pag-resign ni Eris?"
"Aalamin ko sana Ate Ara kung bakit?"
"Huwag na kayong mag-aalala sa kanya. Matanda na si Eris. Alam niya ang ginagawa niya," sabi nitong natawa.
Natawa na rin ako. "Sige! Sige, Ate! Pasabi kay Princess miss na namin siya."
"Naku! Lagi nga niyang tinatanong kung kailan kayo babalik dito. Naririndi na nga sa kanya si Manolo," natatawa niyang kwento.
Nagpaalam na rin siya at nahiga na ako sa kama upang matulog. Bukas na magsisimula ang On-Job-Training ko sa kumpanya nina Eunice.
........
Alas-siyete pa lang ng umaga nasa harapan na ako ng KINE Shoe Central Building. Sinalubong ako ng guwardiya at ginaya upang maupo muna.
Mag-iisang oras na yata akong nakaupo. Pansin kong marami-rami na rin ang mga pumapasok na empleyado. Hindi ko na rin mabilang kung ilang buntong hininga ang nagawa ko dito sa waiting area. Hindi naman sa ninerbyos. Hindi ko lang kasi talaga matanggap, dito pa rin pala ako babagsak.
"Miss, please follow me," says the woman who approached me.
Sumunod naman ako sa kanya. Siya pala ang sekretarya ng pinsan ko. Pinaupo niya ako sa tapat ng isang lumang kompyuter. Napataas tuloy kilay ko.
Pinakita niya sa akin ang mga nagawa na niyang minutes of the meeting. Matapos kong makuha ang format ay binigay niya sa akin ang kanyang notes. Pinagawan niya ko ng minutes of the meeting nila kahapon. Iprint ko na raw kapag natapos ko at pirmahan. Ilagay ko rin daw ito sa mesa ni Eunice para sa final approval.
BINABASA MO ANG
#Aríya
Gizem / GerilimA girl named, Bloomy Asbon, finally pursued her hidden dream-to become a detective. When she heard the news about the five people went missing on a certain province, she immediately took action. The transferee she met recently -an adventurer named B...