Chapter 32:Go! Go! Move!

35 8 0
                                    

Bloomy's POV

Pagsapit ng Sabado, tuloy ang aming balak upang tapusin ang aming nasimulan.

Wala kaming problema kay Caela dahil laya na siya sa kanyang sintensya. Pinayagan na siyang lumabas nung isang araw ng kanyang lolo at lola.

Si Bunso naman walang alinlangang tumakas. Nagkataon kasi na may gaganaping kumpetisyon na sayawan ang aming eskwelahan. Iyon ang ginamit niyang rason sa mga magulang niya upang makalabas ng bahay. Hindi ko na inusisa pa kung ano iyon. Wala rin naman akong magagawa dahil may pasok ako sa kumpanya nina Eunice.

Kaya tinaggap ko na rin ang alok niya. Hahayaan ko na si Eunice mismo ang magsabi sa kanyang magulang tungkol sa kanyang mag-ama. Kapalit ay pagtatakpan niya ako ngayong araw at pahihiramin ng kotse.

Bago kami bumiyahe ay dumaan muna kami sa St. Peter Parish ng Quezon City. Niyaya kami ni Ate Eris na magdasal muna bago ang lahat.

Matapos ang kalahating oras ay lumabas na rin kami. Si Ate Eris lang talaga ang dahilan kaya kami nagtagal sa loob.

"Tutal dalawa naman ang sasakyan natin. Maghiwalay tayo. Kaming dalawa ni Ate Eris ang pupunta sa Guagua at Sasmuan. Kayong dalawa naman sa Macabebe, Minalin at Candaba. Nabanggit ko na sa inyo kung anong mga laboratoryo ang mga iyon. Kailangan nating malaman kung ano ang mga tinatago nila. Kailangan nating mailigtas ang mga nawawala sa lalong madaling panahon," sabi ko na punong-puno ng pag-asa.

"No! Ako na lang isama mo, Ate Bloomy. Silang dalawa na lang ni Ate Eris ang magsama." Mabilis na lumapit sa akin si Bunso at yumakap sa kanang braso ko.

Napansin kung tumaas ang kilay ni Caela. Iiling-iling namang nakangiti si Ate Eris sa isang tabi.

"Bunso naman. Huwag ka nang mag-inarte. Matuto ka rin sanang magtiwala sa iba. Katulad ko. Nagawa kong magtiwala, magpatawad at bigyan ng pagkakataon si Eunice upang patunayan ang sarili niya. Hindi na iba sa atin si Caela," paliwanag ko.

"My final answer is no!" Niyakap pa niya ng mahigpit ang braso ko.

Inalis ko ang pagkakayakap niya sa akin at binalingan ko si Caela. "Tayo na lang dalawa sa kotse mo. Silang dalawa ni Ate Eris doon sa kotseng pinahiram ng pinsan ko."

Wala nang nagawa si Bunso. Sumakay siya ng kotse na bumubulong. Hindi nagtagal ay umalis na kami sa simbahan. Tinahak na namin ang daan patungo sa kanya-kanya naming destinasyon.

We used the prosthetic mask created by the friend of Caela's older sister. Astig sila! Grabe! Ang gwapo naming apat. Lalo na si Caela. Nakasuot din kaming apat ng uniporme katulad ng mga sundalo. Saktong magpapadala ng karagdagang mga sundalo ang presidente sa probinsya upang inspeksyunin ang mga establesimiento sa lugar. Kaya wala kaming magiging problema ngayon. Hindi kami mapagkakamalang may ibang balak gawin sa probinsya. May dala ring parang espiker si Bunso na umiilaw. Parang ito iyong gamit ng mga pulis na umaalingawngaw ang tunog. May bago ring ibento si Bunso na espesyal na kendi. Kaya nitong magpabago ng boses kapag nginuya. Basta pumili ka lang ng kulay. Mas matingkad na kulay mas malaking boses.

Hindi rin mawawala ang mga espesyal na gamit namin para sa komunikasyon. Hindi nila ito mapapansin dahil kakulay ito ng aming mga balat.

Lahat ng mga gamit namin ngayon ay bagong ibento ni Bunso. Mas maganda at mas pulido raw ang pagkakagawa niya ng mga ito ayon sa kanya.

Tingin niyo? Handa na ba kami? Tara na!

Unang pinuntahan namin ni Caela ang laboratoryo sa Guagua, Pampanga. Ito ang Sanchez Diagnostic Laboratory. Hinarang kami kaagad ng guwardiya pagkarating namin sa bungad ng laboratoryo.

#AríyaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon