Chapter 2:Harrieta's Secret

127 22 7
                                    

Bloomy's POV

The alarm clock woke me up at exactly six in the morning the next day. I went to my bathroom to take a shower and put my uniform after. Habang nasa hagdan, dinig ko na ang boses ni Gelo na masiglang binibida ang mga matataas niyang marka kina Mom and Dad.

Humalik muna ako sa mga pisngi nila bago umupo sa pwesto ko. I take bacon and fried rice today. As a daily routine, Dad will ask me about school. Making sure that I'm doing great. So that I can manage properly our company in the future. Being a heir  equates great responsiblity.

Tuwing umaga, sabay kami ni Gelo na hinahatid ni Tata Ben. Nauunang bumaba si Gelo at huli ako. Sa uwian naman, 5:00 pm sinusundo si Gelo at ako depende pwedeng 5:00 pm o kaya naman 7:00 pm.

I arrived at school around 8:30 am. Our class starts at 9:00 am. Happens to be my hated subject, History. The horrible subject finished like an eternity. But for the 2nd subject 'Marketing', it went very well. We gained an A+ for our group report. Thanks to Harrieta's leadership skills!

Dahil sa pangako ni Harrieta, nandito kami ngayong tanghalian sa kantina ng eskwelahan. Hinihintay ang mga inorder niya. She said, it's her treat for our success earlier. Tuwang-tuwa naman mga kasama namin.

Habang naka-upo nagsalita siya, "Guys! Salamat sa inyong lahat! Salamat din dahil pumayag kayo sa libre ko. Gusto ko pa kasi kayong makilala."

"Wala iyon! Sa'yo kami dapat magpasalamat kasi ang galing mong lider!" guy groupmate 1.

"Bakit kasi ang ilap mo masyado? Pwede muna naman kaming maging kaibigan. Hindi ka naman mahiyain kapag may proyekto tayong kailangang kausapin ang mga kagrupo. Katulad ngayon parang barkada  ang turing mo sa amin." girl groupmate 2.

Hindi ko napigilang sumingit. "I think Harrieta has trust issue. Maybe because of his cheating father? We don't know. Pero ang sigurado ko, baka despidida na rin niya itong libre niya sa atin dahil maaring pumunta na sila sa ibang bansa. Malay rin natin mag-stay na sila roon for good, am I right?"

"Paano mo naman nalaman?" tanong ng kaklase namin na may lihim na pagtingin kay Harrieta.

I just know!

Mga simpleng sulyap niya kay Harrieta tuwing may klase, namumula at nauutal ito kapag magka-usap sila. Lastly, his the secret admirer who daily sends a sunflower on her locker. Toffer Damian's family owns a well known sunflower garden in the metro.

"We accidentally bumped with each other this morning. Actually I was also shocked, seing scattered with her things was a passport. Kaya kung ako sayo Mr. Damian kakausapin ko na siya bago pa mahuli ang lahat!" Ngiti ko sa kanya na natulala.

Wala naman maintindihan ang mga kasama namin sa mesa sa kung bakit pinayuhan ko si Toffer.

Binalingan ko naman si Harrieta na naguguluhan. "Alam kong may alinlangan ka pa. Marahil iyong sinabi mo sa aming biglaang pangagailangan sa 'yo ng nanay mo noon ay tungkol doon. But I remember that time I saw a glimpse of worry in your face. Just an advice our great leader, abroad has many things to offer for you. Malay mo rin, ang bestfriend pala talaga ng nanay mo ang destiny niya. Hahadlang ka ba?"

Hindi ito nakasagot at tahimik pa rin ang mga kasama namin. Saktong dating naman ng mga inorder niya. Masyadong marami!

"Ano naman dapat sabihin ni Toffer kay Harrieta?" tanong ni girl groupmate 3.

I just shrugged.

Bahala na si Toffer. Kung maglalakas loob na nga ba siyang sabihin kay Harrieta ang nararamdaman niya. Natapos ang kainan namin na nauwi sa pangungulit nila kay Toffer. Tikom naman ang bibig ng torpe. Pero mukhang may ideya naman itong si Harrieta na si Toffer ang lihim niyang manliligaw. Nahuli ko kasi itong sumulyap sa gawi ni Toffer at namula ang pisngi noong paalis kami sa kantina. Gwapo, matalino at mabait. Pwedi naman sila.

Afternoon classes went well smoothly. Hindi rin nagparamdam ang weirdong si Bubbles. Marahil hinihintay ako na unang lumapit sa kanya?

Nagpasalamat naman sa akin si Toffer. Mabuti nasabi ko raw iyong napag-usapan kanina. Kahit hindi namin nakumpirma kung aalis nga ba ng bansa sina Harrieta. Balak na raw niyang magtapat bukas dito. Iyon nga lang, humingi ito sakin ng pabor. Kung pwede daw bang yayain ko si Harrieta manood sa huling laban nila bukas? He's the point guard of our course basketball team. Pumayag naman ako, tiwala naman ako kay Toffer. A loyal type guy.

Kinagulat din ang simulang pakikihalubilo ni Harrieta sa iba naming kaklase. Good for her!

I decided to stay at the library since we don't have our last subject. Inabot ulit kami ni Ms. Eris ng 7:00 pm sa pagbabalik ng mga libro sa mga istante. Heading our way in the corridor, I never expected the revelation coming from her.

"Black belter ako," out the blue she share. "Wala ba sa itsura? Sabagay medyo matagal na nga iyon. 15? 16? Siguro ako noon." Masayang sabi niya habang naglalakad. Ms. Eris is already 28 years old. Still single.

"Naalala ko pa nga iyang si Caela. Kasama namin ang cute na batang iyan. Ang liit niya pa noon." Natawa nitong kwento nang daanan namin ang kinaroroonan sana nito. Ngunit wala doon si Caela, kundi ang mga kasamahan ni Toffer. Akala siguro ni Ms. Eris siya iyong nandoon.

"Talaga? Kaya pala ang lakas niyang pumalo ng bola. No wonder she became the Best Spiker ng school," konklusyon ko.

"Hindi ko alam kung natapos niya ang pagpasok doon. Magaling din ang batang iyon kahit na bulilit pa lang noon. 7? 8 years old? Ang lolo niya ang laging naghahatid sundo sa kanya. Siya siguro nagtulak sa bata. Pero pakiramdam ko naman masaya naman siya sa ginagawa niya noon. Ewan ko lang kung kilala pa ako. Hindi ko pa nakikita ang presensya niya sa silid-aklatan natin," mahabang paliwanag nito.

"Bloomy!"

Napatingin kami ni Ms. Eris sa tumawag sakin. Bakit nandito pa si Harrieta? 7:00 pm na! Kanina pang 4:00 pm natapos klase namin.

"Hindi mo naman sinabi Bloomy may naghihintay pala sayo. Sige mauna na ako. Salamat ulit at mag-iingat kayo sa pag-uwi," paalam sa akin ni Ms. Eris.

Nahihiyang lumapit sakin si Harrieta galing sa tapat ng guwardiya. Nakaupo ito kanina sa isang plastik na upuan, pinahiram siguro sa kanya.

"May problema ba?" Naguguluhan kong tanong. Ngayon lang kasi niya ako kinausap pagkatapos ng libre niya sa amin sa kanina.

"Wala. Magpapasalamat lang ako sayo kanina doon sa payo mo. I'll consider it. Kakausapin ko si Nanay mamayang pag-uwi." Nakangiti at determinadong sabi niya.

"Good! Pasensya na rin kung nasaktan man kita sa mga nasabi ko kanina. But I think it turn out good for you?" tanong ko.

"Yes! Tinama mo nga lahat!" Natawang komento niya. "Namangha nga ako paano mo na laman ang lahat ng iyon. Kaya hindi ako nakakibo agad. Baka huling araw ko na rin bukas. Biyernes na kasi kaagad iyong nakatakdang paglipad namin. Kaya kailangan ko na rin talagang magdesisyon."

Napansin ko ang hawak nitong isang sunflower. Si Toffer! "Huling laro na pala bukas ng pambato natin sa basketball. Manonood ka ba?" Tanong ko. Nanonood kaya ito ng basketball?

Namula?

Confirm! Their feelings were mutual! "Iyong totoo? Hindi pa ako nakanood ng laro simulang nang mag-aral ako rito. Wala naman akong kasama. Kilala mo naman siguro ako," sabi niya.

"Sa ngayon, hindi ka na katulad ng dati. Nagkikipag-usap ka na nga sa amin. Paano ba iyan, samahan mo ko bukas?" hopeful I asked.

"Sige," tipid nitong sagot.

#AríyaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon