Chapter 22:Trending

44 13 7
                                    

Bloomy's POV

We're back in Manila! I already told my parents about my changed of mind. Which the real truth is I was just forced by Eunice! They got curious at first why, but when I fabricated a reason they both eventually agree.

Finally! Thank God! Ate Eris is already conscious. I received a text from Ate Ara this morning informing me about the good news. Nothing serious, she just collapsed due to the extreme heat.  

Nandito kami ni Gelo ngayon sa aming garden. Busy mode dahil na addict na yata ako sa paglalaro ng Candy Crush.

"Ate! Ate! Look! #Aríya is trending now on Twitter Philippines!"

Kumunot ang noo ko. Bakit naman kaya? Kinuha ko ang cellphone ni Gelo. Tumambad sa akin ang pwesto ng #Aríya sa trending list. Napatingin ako sa orasan ni Gelo sa kanyang cellphone na nasa upper right side. As of 9:36 am, #Aríya is already no. 2 on the trending list? With 50,002 tweets?

"Can I borrow your phone for a while? Here! Take my phone for the meantime," sabi ko.

"Bakit kasi hindi ka pa gumawa ng twitter account mo, Ate?" tanong niya.

"Wala akong time," sagot ko.

"Gawa kita, gusto mo?" mungkahi nito.

"Huwag na," kontra ko.

"Okay! Mag-download akong mobile legends dito, Ate ha?" Pakiusap niya.

"Sure! No problem."

Iniscan ko ang mga tweets na may nakalagay na #Aríya. Napukaw ng atensyon ko ang isang tweet na maraming retweets at comments. Binasa ko ang screenshot na naka-attached. Ang laman nito ay parang nobela. Matapos kong mabasa ang nakalagay sa screenshot ay napatakip ako ng bibig at nanlaki ang mga mata.

What? How?

"Ate may nagtext sa iyo."

"Gelo patingin din ng facebook account mo ha? May hahanapin din akong tao," sabi ko.

"Okay lang, Ate. Wala naman akong tinatago. Bakit kasi hindi ka pa gumawa na lang account mo?" sabi nito ulit.

Hindi ko na lang siya pinansin at nagsimula na akong mag-search ng mga pangalan. I couldn't believe what I just read earlier. Eleven! A total of eleven went missing yesterday at Pampanga. AGAIN! Napailing ako.

*insert detective conan theme song*

"Ate may tumatawag."

Binalingan ko si Gelo at tiningnan ang caller ko. It's bunso! Binalik ko na rin ang cellphone niya at nagpasalamat. Tumayo na ako at sinagot ang tawag.

"Hello?" bungad ko.

"Hi! Ate Blossom! I missed you already!" sabi ni Bunso sa kabilang linya.

Nailayo ko ang phone sa tenga. Sumigaw ba naman?

"Bakit ka napatawag?" tanong ko.

"Aish! Wala man lang i missed you too riyan?" tanong niya.

"... ..."

"Hello? Still there?" tanong niya ulit.

"... ..."

"Aish! Okay, b--" naputola ang dapt sana niyang sasabihin.

"Wait! Ito na. I missed you too! Happy?" sabi ko na rin.

"Duh! Ano iyon? Wala man lang ka feelings-feelings?" reklamo niya.

"Ibaba ko na i---" naputol kong sabi.

"Oo na! Oo na! I have a shocking news!" sabi naman niya.

"Alam ko!" sagot ko.

#AríyaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon