Chapter Eleven

1K 23 4
                                    

Anne's P.O.V

Pagkagising ko muka agad ni Vhong ang bumungad sa akin.

"Girlfriend tapos ka na bang titigan ako?"Vhong.

Pagkasabi niya nan sa hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko bigla akong nainis sa muka niya na parang gusto kong panggigilan.

"Vhongskie,may sasabihin ako sayo"Sabi ko habang hinahaplos haplos ko naman ang buhok niya.

"What was that?"Vhong.habang nakatingin lang sa mga mata ko.

"Naiinis ako sa muka mo,ang panget panget mo"pagkasabi ko nan bigla kong sinabunutan ang buhok niya at pinisil pisil ko ang pisngi niya tapos pinalo palo ko pa yung katawan niya.In all fairness naman ah may katigasan din ang katawan ni Vhong.

"Ouch Annie"Pagpigil ni Vhong sa ginagawa ko.

"Vhongskie ngayon ko lang napnsin ang tambok pala ng muka mo"pagkasabi ko nan.

Napahawak si Vhong sa pisngi niya at kinakapa kapa pa ito.

"Annie naman hindi naman ah"sabi niya habang yinakap ako.

"Vhong naligo ka ba kagabi bago pumunta dito?"Tanong ko bigla.

"Yeah,why?"Vhong.

"Iww,Boyfriend ang baho baho mo"Pagkasabi ko nan tinakpan ko pa ang ilong ko sabay inamoy amoy pa ni Vhong ang kili kili niya.

"Annie hindi naman ah,why are you acting like that?"Tanong ni Vhong.

Pero hindi ko sinagot ang tanong ni Vhong dahil nagutom ako bigla.

"Vhongskie,Can i have a favor?"Pagpapacute kong tanong.

"Sure"Vhong.

"Pagluto mo ako nang sinigang pero ayaw ko nang maasim gusto ko yung matamis"pagkasabi ko nan.Biglang nanlaki ang mata ni Vhong.Bakit ba? Yun ang gusto ko eh ewan ko ba dito sa tyan ko.

"Girlfriend,san ka ba naman makakatikim nang sinigang na matamis? Sama mo nga ako minsan dyan sa kinakainan mo"Sabi ni Vhong habang kumakamot kamot sa ulo niya.

"Vhongskie naman eh"Pag angal ko.

"Wag na yon iba na lang"Vhong.

"O sige uhm ano na lang,gawa mo na lang ako ng tinapay na ang palaman eh pancit canton tapos lagyan mo nang cheese whiz sa loob at wag mong kalilimutan lagyan nang mangga" nakangiti kong sabi sa kaniya habang siya naman ay napaupo mula sa pagkakahiga.

"Seriously?Mangga,Pancit Canton at Cheese Whiz? Hindi ka ba pagsasaktan ng tyan dyan?"Tanong ni Vhong habang nasa Cr at nagmumumog.

"Ofcourse not Vhongskie,Dami mo namang reklamo igagawa mo ba ako o hindi?"bigla akong nainis dahil ang dami niyang tanong.

"Eto na nga po boss"paalam ni Vhong habang lumalabas ng pinto at pumunta na ata sa kusina.

Pagkaalis ni Vhong sa kwato napaisip ako,Why am i acting like this? Bakit ako naiinis sa muka ni Vhong tapos magkakaron nang time panggigigilan ko ang pisingi niya tapos ang BAHO niya talaga pero muka naman siyang fresh ang pogi nga niya kanina pagkagising ko eh PAGKAGISING ko lang ah nawala nga agad dahil nainis ako sa muka niya tapos nanggigil ako sa pisngi niya.Normal pa ba sa tao ang ganito? Naiinis,nagce-crave,nanggigigil,nakaka amoy ng mabaho.?

"Annie eto na ang tinapay mo oh"Sabi ni Vhong pagkapasok na pagkapasok niya dito sa kwarto ko na may dalang dalawang tinapay?.Eh dalawa?meron din siya?.

Unofficially yours (VhongAnne Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon