PROLOGUE
Maingay na tugtog ng musika, malilikot at iba't ibang kulay ng ilaw, isama na din ang mga taong nagsasayawan. Ito ngayon ang natatanaw ko mula sa inuupuang mesa sa ikalawang palapag.
Ironic as it may sound but here is where I can find silence.
Tila tinatabunan ng magulong tanawin ang mas magulo kong isip. Well, that is the exact reason kung bakit club ang pinili kong inegosyo. Simula ng umalis ako sa bahay namin ay ang Font na ang bumuhay sa akin.
"Sam, what are you doing here? C'mon let's dance." Narinig ko ang makalas na boses ng kaibigan ko na si Suzy.
Mula sa pagtingin sa ibaba ay ibinaling ko ang tingin sa kaibigan na ngayon ay naglalakad na papunta sa akin. Hubog na hubog ang katawan nito mula sa suot na maiksing dress at tila hindi pa ito kuntento sa sariling tangkad kung kaya't nakasuot pa ito ng five inches heels.
Nang nakalapit na ito ay agad ako nitong hinila pababa, ni hindi hinintay ang sagot ko, hindi din naman ako nagprotesta.
Hinayaan ko ang sarili na matangay nito papunta sa mas maingay na first floor at agad kaming nagsumiksik sa mga taong nagsasayawan para makapunta sa gitna kung saan may malaking space para sa mga gustong magsayaw.
"C'mon Sam, show your moves." anyaya pa ni Suzy ng nasa gitna na kami.
Ang totoo ay mas gusto ko sana panoorin na lang ang mga nagsasayawan ngayong gabi. Pakiramdam ko ay pagod na pagod ako kahit na nasa bahay lang naman buong araw.
Nagsimula akong igalaw ang katawan, sumasabay sa mabilis na tunog ng kanta. Kahit na medyo wala sa mood ay hinayaan ko pa din ang sarili na umindak kasabay ng musika. Hindi din nagtagal ay nawala na sa paningin ko si Suzy pero nagpatuloy pa din ako sa pagsasayaw. Siguro nga ay mas mabuting isayaw na lang ang kanyang mga problema.
Naalala ko na naman ang naging usapan namin kanina ng ina sa telepono.
"Samantha, ilang beses ko bang uulitin sayo na gusto kang makilala ng anak ng kaibigan ko?" bungad ng ina ng sagutin ko ang tawag nito.
Heto na naman kami.
"Mom, ang alam ko ay napagusapan na natin ang tungkol diyan hindi ba?" tamad na sagot ko.
Sa tuwing tatawag ito ay halos iisa lang ang dahilan. Para sermonan ako sa hindi pagsipot sa mga sineset nitong blind dates.
"Oo nga, napag-usapan na natin na makikipagmeet ka kanina sa anak ng business partner ko pero hindi ka na naman sumipot. Tumawag sakin ang amiga ko para sabihin na isang oras naghintay sayo ang anak niya sa restaurant," lintanya pa nito.
"Mom, alam ko ang tungkol diyan. Pero hindi ba at sinabi kong hindi ako interesado?" pigil ang inis na sagot ko.
Sa isang buwan ay may tatlo hanggang anim na beses ata ito kung tumawag sa akin para lang sabihin na may isinet itong blind date. At ni isa doon ay wala akong sinisipot.
Hanga na nga din ako sa ina na tila hindi napapagod sa kakaset ng mga date kahit hindi ko naman pinupuntahan. I don't know as well how my mother explain all my absences to her amigas, not that I care about that at all.
"Hindi ko tinatanong kung interesado ka o hindi. Malay mo, pagnakilala mo ang mga makakadate mo ay may magustuhan ka sa kanila..." pagpapatuloy pa nito, at alam kong hindi pa ito tapos magsalita.
"Samantha, hindi basta basta ang mga taong iyon. Mga may-ari ng naglalakihang kumpanya. Kung makakatuluyan mo ang isa sa kanila ay tiyak na makakaahon tayo sa pagkalugi, magisip-isip ka nga. It's not about what you want but what you need." Gasgas na ang mga salita nito sa pandinig ko. Ilang beses ko na ito narinig. And really? What I need? I don't need it!
"Mommy!" suway ko, bahagyang tumaas ang boses ngunit kontrolado pa din naman. "Hindi magbabago ang sagot ko."
Narinig ko ang eksaheradong ngitngit nito para sa akin. Kung kaharap ako nito ay baka nasabunutan na ako ngayon.
"Ang akala mo ba ay mabubuhay ka niyang pagbabar mo? My god Samantha, imbes na iyan ang inaatupag mo ay sumunod ka na lang sa akin ng sa ganoon ay hihiga ka na lang sa pera." Alam kong hindi matatapos si mommy sa pagpupumilit nito.
"Mom, my club is doing pretty well at kahit na hindi ay hindi pa din ako papayag sa gusto mo. My answer is still no. Goodbye mom I have things to do." Hindi ko hinintay pa ang sagot nito at agad na pinatay ang tawag at sinilent ang cellphone dahil tiyak na tatawag na naman ito.
Alam kong kasunod ng mga sinabi nito ay ang panlalait na naman nito sa negosyo ko. At kahit yata ilang beses kong ipagtanggol ang sariling bar ay hindi ito papasok sa tenga ng ina. Magpapatuloy lang ito sa panlalait dito na hahantong sa pagsasabi nito kung gaano ako kawalang kwentang anak.
Paulit-ulit na lang. Nakakapagod na...
Sa lalim ng pag-iisip ay hindi ko namalayan kung ilang minuto na ang lumipas mula ng magsayaw. Kung hindi lang dahil sa presensya ng lalaking sa likod ko ay baka hindi pa agad naputol ang pag-iisip sa nangyari kanina.
Ramdam ko ang init ng katawan nito sa pagsiksik sa aking likuran. Normal lang naman ang mga ganitong eksena sa bar. Hindi na bago sa akin ang pagsulpot ng kung sinuman para makipagsayaw.
Magpapatuloy na sana ako sa pagindak kung hindi ko lang napansin ang paghawak ng mainit na mga kamay nito sa baywang ko, halos sakupin ang aking buong tiyan.
Walang ganang harapin kung sino ito, aalis na sana ako sa hawak niya kung hindi ko lang naramdaman na tila pamilyar ang hawak nito at isa pa... hindi ito gumagalaw. Nakatayo lang sa likuran ko, kaya nagpasya na akong humarap.
Pagharap ko ay halos malaglag naman ang panga ko sa nakita, bahagyang nagsisi kung bakit ba pinili ko pang humarap kaysa ang umalis na lang.
Prominent jaw, perpectly shape eyebrows, proud nose, beautiful lips, perfect set of brown eyes... sa pagpuri pa lang sa mukha nito ay baka abutin na ako ng ilang oras at kung idadagdag pa ang maskuladong katawan nito ay baka abutan na kami ng bukas.
Ramdam ko ang pagtakas ng kulay sa aking mukha ng diretsong tumitig sakin ang kanyang mga mata.
Nahigit ko ang hininga ng mapagtanto kung sino ang nakatayo ngayon sa harapan ko. Habang mariing nakatitig diretso sa akin.
"Primo..."
![](https://img.wattpad.com/cover/250432132-288-k875652.jpg)
BINABASA MO ANG
Us Again (Russo Series 1)
Ficción GeneralMaria Samantha Fontanilla x Primo Alonzo Russo Young couple who made naive decisions and actions resulting into break up. Years after, they met again. Growing apart from each other, will they be able to find a way to collide again or will they just...