Chapter 42
Patuloy sa pagsasalita si Margie pero wala na akong masundan. Like she's just talking gibberish even when I know she's not. Alam kong may laman ang mga pinagsasasabi niya pero talagang hindi ko na lang maintindihan.
Naiwan na ang isip ko sa sikretong hindi masabi-sabi sa akin ng nga magulang ko.
They said it's a conflict with their family. Una kong inisip na maaaring sa negosyo ngunit dahil walang basehan ay naisip ko ring baka personal na alitan iyon.
Pero hindi sumagi sa isip ko na tungkol iyon sa pakikiapid! And what's shocking is it's my mom that's involved!
Hindi maaari. Hindi pwedeng totoo iyon!
Mabuting asawa si mommy kay daddy. Hindi niya magagawa iyon!
Natulala ako.
Lumalabo ang imahe ni Margie na nakatayo sa harapan ko habang nagsasalita ng kung anu-ano.
"That's not... true..." I said languidly.
Hindi ko alam kung narinig niya ba iyon pero ng tumigil siya sa pagsasalita ay sa tingin ko'y narinig niya nga.
"Bawiin mong sinabi mo... Wala kang utang na loob. My parents treated you as their own! Paano mo nagawang magsalita ng napanira kay mommy?! You bitch!"
Mabilis ang naging pag-akyat ng dugo sa ulo ko.
Ang kapal ng babaeng ito! Pinatira't binihisan na sa pamamahay na ito'y nakuha pang gumawa ng masamang kwento! At si mommy pa ang sinisiraan! Napakawalanghiya!
Gulat ang mga mata niya ngayon. "W-what?" nanginginig ang labi niya. "Ang a-akala ko ba ay alam mo n-na? Ibig mong sabihin... Samantha..."
Oo, ang mga nalaman ko ay sa iyo lang nagmula! At puro iyon kasinungalingan!
"Ang sabi ko ay bawiin mo ang sinabi mo! Bawiin mo! Bakit mo sinisiraan ang mommy ko?!"
What she said was nonesense, I'm sure. It's just another round of her dirty tactics!
Ibinalibag ko ang nadampot kong vase sa gawi niya. Napatalon siya sa gulat sa umalingawngaw na ingay sa tahimik na mansyon.
Sa galit ko ay nagagawa ko ng maging marahas. Ang sumungaw na kasambahay galing sa taas ay agad na umatras. "Bawiin mo! Bingi ka ba?! Ang sabi ko ay bawiin mo!"
Marami kaming hindi pagkakasunduan ng mga magulang ko. Lalo na kay mommy. Pero mommy ko siya! Ang sinumang magsasalita ng hindi maganda sa kanya ay hindi ko sasantuhin!
Hindi na nakagalaw sa kanyang pwesto si Margie.
Ibinalibag ko pa ang isang mas maliit na plorerang nadampot ko sa center table at agad na ibinalibag ulit ng diretso sa kanya.
Hindi ko na inisip kung ano ang mangyayari kung sakaling tatamaan nga siya. Sigurado akong sa lakas ng pagkakapukol ko ay kaya noong basagin ang kaniyang mukha!
I don't care. I can see red and she can't stop me!
This evil!
Nakaiwas siya at agad na tumili.
"Oh my god! Samantha! Itigil mo na iyan!"
I don't remember being this violent. Bagong-bago ang pakiramdam na ito sa akin. Wala ito sa kontrol ko at hindi ko din alam kung gusto ko nga ba itong kontrolin. Ang tanging gusto ko lang ngayon ay ang bawiin niya ang mga walang kwentang pinagsasabi niya.
"Samanta! Margie!" alingawngaw ng sigaw ni daddy sa amin.
Pababa na siya ng hagdan at nakasunod sa kanya ang takot na si mommy.
![](https://img.wattpad.com/cover/250432132-288-k875652.jpg)
BINABASA MO ANG
Us Again (Russo Series 1)
Ficción GeneralMaria Samantha Fontanilla x Primo Alonzo Russo Young couple who made naive decisions and actions resulting into break up. Years after, they met again. Growing apart from each other, will they be able to find a way to collide again or will they just...