Chapter 1

4.7K 59 0
                                    

Chapter 1

Naglalakad ako papuntang classroom ng marinig ko ang hagikgikan ng mga kaeskwela sa aking likuran.

"Nakakainggit talaga si Sam."

"Kaya nga e. Ang swerte talaga ni Sam." Hindi ko alam kung sinasadya ba nilang iparinig sa akin na ako ang kanilang pinag-uusapan o hindi lang talaga nila mapigilan ang magkumento sa kung ano man yon.

Nilingon ko ang gawi nila pero ang dalawang babaeng nag-uusap kanina ay nag-iwas lang ng tingin.

Ipinagpatuloy ko na lang ang paglalakad papunta sa tamang classroom para sa susunod na klase. Pinilit kong huwag na lang pansinin ang manilan-ngilang mga tingin mula sa mga kaeskwela.

Bakit kaya?

Pagkaakyat ko sa tamang floor ay mas lumakas pa ang mga bulungan. Ang mga unipormadong estudyante na kanina ay nagkukumpulan sa hallway ay biglang nagsitabihan sa may gilid, nagbibigay ng daan para sa akin. Though I'm glad they did that so it won't be hard for me to proceed to my classroom, I find it weird that it was like they're waiting for my arrival.

Pagtapat ko sa may pinto ng tamang classroom ay agad ko ng napagtanto kung ano ang kanilang pinagchichismisan.

Nasa may pintuan ng classroom si David kaeskwela at isa sa mga manliligaw ko. May dala pa itong isang pumpon ng bulaklak na iniaabot sa akin.

Malaki ang ngiti ni David habang iniaabot sa akin ang boquet ng tulips. Maayos din ang pagkakasuot niya ng uniporme at kapansin-pansin ang mamahaling relo na suot.

Halos isang buwan na itong nanliligaw kahit pa sinuway na ko na ito sa simula pa lang. I remember how it isn't hard for me to turn him down that time. For a reason that I already have a boyfriend and even without one, he's not my type. It's kinda harsh but I don't have a sweet tongue to find a better words to give him a better explanation.

Marami naman ang babaeng nagkakagusto kay David at masasabing isa ito sa mga crush ng campus. With his perfect boy next door appearance, no wonder na maraming nangangarap dito. But not me.

"David." Alanganin akong ngumiti kay David. Iniisip ko pa kung tama bang huwag tanggapin ang bulaklak gaya ng gusto kong gawin. Pero ayaw ko din namang mapahiya siya sa harap ng madaming tao.

Nag-iisip pa ng dapat gawin ay nagulat ako ng biglang naout of balance si David kung kaya naman awtomatikong gumalaw ang kamay ko para umalalay pero ang bouquet bulaklak ang nahawakan ko.

Ngayon ay hawak ko na mga bulaklak at kitang kita ang paglaki ng ngiti ni David. Now I'm not sure kung talaga bang naout of balance ito sa pagkakatayo kanina o sinadya niya lang ito ng mahalatang wala akong balak na tanggapin ang binibigay.

Gusto ko sanang ibalik sa kanya ang bulaklak pero may tumapik sa balikat niya na ilang lalaking sa tingin ko ay mga kaklase niya kaya nabaling sa kanila ang kaniyang atensyon.

Wanting so much to get out of the crowd, I made my voice clearer and louder, enough for David and some students near us to hear what I'm saying.

"Salamat, pero David... sana ay huli na ito. Malinaw ang pinag-usapan natin." Mula sa pakikipagusap sa mga nakikiusyosong kaibigan ay tuluyan ko ng nakuha ang kaniyang atensyon at ng marealize kung ano ang sinabi ko ay ang agad na bumagsak ang kaniyang balikat.

"Sam, I really like you. Wala akong pakialam kung may boyfriend ka. Magbebreak din naman kayo, I can wait." Dinig ko ang pagkabigo sa kaniyang boses sa simula pero sa huling pangungusap na binigkas ay ramdam ko ang naguumapaw niyang kumpiyansa sa sarili.

Mabilis na tumaas ang kilay ko sa narinig na sinabi niya agad akong nairita.

"I'm sorry pero wala kang karapatang sabihin iyan," mabilis kong sinabi, hindi tinago ang iritasyon.

Us Again (Russo Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon