Chapter 4
I love it how the lights were dancing. People having their own businesses. Four months, it's been four months pero hindi pa siya bumabalik. Labis ang lungkot ko ng sinabi niyang kailangan pa niyang magextend ng another two months.
Pero anong magagawa ko, hindi ko naman siya pwedeng bawalan. That's their family business and I don't want to be a hinder to him for reaching his own success.
I continued drinking, sitting on our sofa all alone cause all of my friends and even Margie are already on the dance floor.
Kumaway ako sa iilang kakilala na nakita ko. Some even offer a drink that didn't declined. Well, this is how it goes to a club right?
Hindi din naman nagtagal ang mga iyon kaya mag-isa na lang ulit ako table namin. I didn't mind though. It's fine with me.
Wala pa rin akong natatanggap na tawag o kahit na anong message galing kay Primo. All seven balloons on our chatbox were all from me. What's keeping him so busy to not even give a damn mesage for me?!
Frustrated and feeling a pang of pain, I closed my cellphone and put it inside my sling bag. Bahala siya! Mag-eenjoy ako dito.
Hindi ito ang unang beses na uminom ako dahil minsan na din kaming naginuman noong birthday ng isang pinsan ko pero sa bahay lang nila at hindi naman ako nalasing noon dahil nakadalawang shot lang naman ako dahil pinagbawalan din ng mas matatandang pinsan. Well, I understand dahil ayaw ko din namang malasing, ayaw kong gumising na may hang-over.
But tonight is different. My last text to him was to inform him that I went out with my friends to a club, at kahit maging doon ay wala siyang sagot.
Wala akong planong magpakalasing ng pumayag akong sumama dito pero iba na ngayon. I already lost count on my shots. I already feel tipsy but I don't mind.
I want to try dancing too. Kaya naman walang pagdadalawang isip akong naglakad papuntang dance floor. Bahagya akong nahilo pagtayo ko pero agad din namang nakabawi at nagpatuloy sa paglalakad.
I started swaying my hips, pinilit kong sabayan ang nakakaindak na tugtog. Hindi nagtagal ay nakuha ko na ang ritmo at parang awtomatiko ng gumagalaw ang katawan ko.
Hindi ko inakala na magugustuhan ko dito. Para bang ang lakas ng musika ay binibingi ang sumisigaw kong kalungkutan. Ang makukulay at nagsasayawang mga ilaw ay pinapalitan ang dilim ng aking isipan.
Unti-unti ay mas nararamdaman ko ang pagkahilo. Mas tumitindi ang epekto ng alak habang lumilipas ang mga minuto. But I continued dancing ipinikit ko lang ang mga mata ko para hindi matumba.
Hindi ko na alam kung ilang minuto o kung may oras na ba ang lumilipas, masakit na din ang paa ko pero hindi ako tumitigil. Marahil ay epekto na din ng alak. Hindi ko alam. Ang alam ko lang ay miss na miss ko na siya.
Bumalik ka na.
Hindi ko sinasabi sa kaniya iyon. Ayaw kong mainis siya sa pagiging clingy ko kaya sinasarili ko na lang.
Pero sa totoo lang ay gustung-gusto ko na siyang kulitin para bumalik na.
Bakit ba kasi kailangan na siya pa ang ipadala doon? Naisip ko tuloy na kung sana ay mas matanda na ang kapatid ni Primo na si Sec edi sana ay ito na lang ang pinapunta doon. But unfortunately Sec was just of the same age as I am.
The music then boomed louder and the people get wilder. Gusto ko pa sanang makisali pero nahihirapan na akong tumayo, pakiramdam ko ay bubuwal na ako.
Sa takot na madaganan ako ng mga nagsasayawang mga tao ay agad akong nagsumiksik papalabas. Hindi ko namalayan na malayo pala ang narating ko kanina habang nagsasayaw kung kaya naman ngayon ay nahihirapan akong lumabas sa dagat ng mga tao.

BINABASA MO ANG
Us Again (Russo Series 1)
Fiksi UmumMaria Samantha Fontanilla x Primo Alonzo Russo Young couple who made naive decisions and actions resulting into break up. Years after, they met again. Growing apart from each other, will they be able to find a way to collide again or will they just...