Chapter 26

1.7K 27 0
                                    

Chapter 26

Para kaming mga sundalo ng North and South Korea. Tanging tunog lang ng pagnguya, mga kutsara at tinidor ang maririnig habang sabay-sabay kaming kumakain ng magkakaharap dito sa kusina ng aking condo.

Hindi ko pa masyadong maiproseso kung papaanong lahat kami ay nagsama-sama ngayon para sa isang pananghalian.

Panay ang pag-irap sa akin ni Suzy. Pagkalabas ko pa lang ng kwarto matapos maligo ng saglit. Masyado ng kahiya-hiya ang mga pangyayari mula ng mabungaran ako ni Primo na walang ayos, hanggang sa magulong sala at pagkakatantong wala pala akong maipapakain sa kanila.

Kaya para mabawasan naman ang kahihiyan ay minabuti ko munang iwanan sila habang hinihintay ang inorder na dagdag pang pagkain para sa lahat. Tanging si Primo lang kasi ang may dala na sasapat lang para sa dalawang tao, at iyon ay para lang sa kanya at sa akin.

At ngayon nga ay wala pang umiimik mula ng magsimula kaming kumain. Matatalim na mga mata lang ni Suzy para sa akin at kay Achelous ang nasa harapang bahagi ko.

While on my left is David who looks so much like a puppy on the corner. Eating his food and trying not to be affected of Primo's dagger like stares for him.

On my right is Primo, na bukod sa pagnguya, paminsan-minsang masamang pagtingin kay David at panonood sa akin at sa pagkain ko ay wala ng ibang gimagawa. Mabuti din iyon, ano! Baka mabilaukan pa ko kung may iba pa siyang gagawin bukod sa pagtingin-tingin niya sa akin. And of course, beside him is his friend, Achelous, wala ding imik at mas lalong tila walang pakialam sa paligid maging sa umaapoy na tingin sa kanya ni Suzy.

"May gagawin ka ba mamaya?" bumaling ang lahat ng ulo sa akin, well, maliban kay Achelous ng basagin ni Primo ang katahimikan para sa isang tanong.

"Wala naman. Dito lang..." marahang sagot ko naman.

Kung sana ay maiwawala ng marahan kong boses ang maitim na ulap sa ibabaw naming lima ay baka kanina pa ako nagsalita ng nagsalita.

"You want to go somewhere?" tanong ulit niya. I don't know if he's asking to break the silence or he really just want to ask me. I chosed the first one. Kahit pa alam ko naman na kayang manahimik ni Primo kahit pa buong araw.

"Not really, pupunta din akong Font sa gabi."

"Okay, I'll drive you then," offer niya. "Hindi na. May trabaho ka pa at dadalhin ko naman ang kotse ko." Ginandahan ko ang tono ng boses ko para naman kahit tinanggihan ko siya ay hindi iyon magtunog kahiya-hiya.

"Ihahatid na lang ulit kita pauwi kung ganoon," mabilis na dugtong ni Primo.

"Ulit?" agad na natigil sa pagsasalita si Primo dahil sa mabilis na tanong ni Suzy. Ang linaw din talaga ng pandinig nito, e.

Maging ako ay natigilan at napainom na lamang ng tubig.

I eyed everyone curiously, at higit na nakakuha ng pansin ko ang ngising aso ni Suzy at takang-takang mukha ni David.

"Kahapon... ah, hinatid niya ko. Kasi, nasa Font din siya." Ako na ang sumagot kay Suzy kahit na para kay Primo naman talaga ang tanong niya.

"Nagpunta ako para maihatid ka," biglang kabig ni Primo dahilan para matigilan muli ako.

Ang ngising aso ni Suzy ay lalong lumaki at ang mapanukso niyang mata ay lalong tumusok sa akin. Gustuhin ko mang pabulaanan iyon ay wala namang silbi gayong iyon nga ang katotohanan.

Ngumuso na lang ako ipinagpatuloy ang pagkain. Tinignan ko si Primo at nakita ko ang pagtaas ng gilid ng kaniyang labi para sa sinusupil na ngiti. At dahil sa katitingin sa mukha niya ay hindi ko namalayan ang pagdagdag niya ng pagkain sa plato ko.

Us Again (Russo Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon