Chapter 11
Isang mahinang tikhim ang pinakawalan ko sabay iwas ng tingin. Hindi ko alam kung narinig pa niya iyon, naging abala ang paggala ng paningin ko upang pigilan ang bigwasan na lang siya bigla.
Where the hell is his girl that look stunning as ever?! And yes, that's with a sarcasm.
Oh e ano pa ang ginagawa mo dito sa tabi ko? Go ahead and go to your stunning girl!
Mabuti na lang at napigilan ko ang sarili na sabihin nga iyon sa kaniya dahil nang napag-isipan ko ay hindi pala iyon magandang pakinggan. Baka iba pa ang isipin niya. Tss.
Palihim akong umirap bago nagsalita. "Oh, I think you should go now. Maybe she's waiting for you." And I said that with a smile even though I can taste some bitterness on my mouth. Nanghihina ang mga tuhod ko. Lasing na yata ako.
"Sam, I was looking for you nandito ka lang pala."
May sasabihin pa sana siya pero nabaling ang atensyon ko sa taong nagsalita. Binalikan ko ng tingin si Primo at nakita kong ni hindi man lang siya tumingin sa lumapit.
"Uhm, yeah David. Kanina ka pa?" Yes it's David. The same David years ago though there's also some noticeable changes on him. I can say that he's matured over the years and we're cool now.
"Ah, medyo. Akala ko ay nasa second floor ka kaya doon kita pinuntahan," sagot naman ni David bago unti-unting bumaling sa katabi kong si Primo na hanggang ngayon ay nakahawak pa din sa bewang ko.
Sinubukan kong alisin ang pagkakahawak niya pero hindi siya natinag man lang. Pakiramdam ko ay nanghihina na ang mga braso ko dahil sa epekto ng alak. Sinubukan ko din na humakbang para makalayo sa kaniya pero ipinirmis niya lang ako sa pwesto ko, hindi hinayaang makalapit kay David.
Nagpabalik-balik ang tingin ni David sa aming dalawa na bahagya pang nakanga-nga.
Oh, no. No, don't you dare think of anything else.
"Primo, I need to talk to him get off me," ako na pinipigilan pa din ang makawala sa pagkakahawak niya.
"You can talk to him even at my hold." The heck! What's your problem really?
"No, Primo. Get off me already and mind your own business," naiirita kong sabi.
Nakita ko ang bahagyang pag-iwas niya ng tingin sa akin at ang pag galaw ng kaniyang panga. Tila mas naiinis pa siya kaysa sa akin pero wala namang sinabi. Unti-unti ay naramdaman ko ang pag luwag ng pagkakahawak niya sa bewang ko hanggang sa nakapatong na lang ito. Hinintay ko na tuluyan na niya itong bitawan pero narinig na lang namin ang matinis na boses ni Suzy ay hindi pa din siya bumitaw.
"Hey there everybo-dy...oh." unti-unting bumagal ang lakad ni Suzy papalapit sa amin. Ang tingin niya ay mabilis na nagpalipat-lipat mula kay David, sa akin at nagtagal kay Primo. Itinagilid pa niya ng bahagya ang ulo niya sa akin at alam ko nang may mga tanong siya sa isipan.
"Sam?" At ang walang hiya kong kaibigan ay hindi man lang itinago ang pagiging kuryoso. Eksaherada pang itinaas ang isa niyang kilay bago dahan-dahang ibinaba ang tingin sa bewang ko kung saan nakapatong ang malaking kamay ni Primo. Shit!
Hindi ko na malaman kung sino ang una kong titignan sa tatlo. Kung sasawayin ko ba si Primo sa pagkakahawak sa akin o ang patigilin si Suzy sa eksaheradang reaksyon niya o di kaya naman ay ang balikan ang pakikipag-usap kay David.
"Sam, maybe we'll just wait for you upstairs. Mauna na muna kami," si David ang unang bumasag sa katahimikan naming apat. "Pare," tumango pa siya kay Primo bago nagmamadaling hinila ang braso ni Suzy para makalayo na sa amin at pumuntang second floor.
BINABASA MO ANG
Us Again (Russo Series 1)
Ficção GeralMaria Samantha Fontanilla x Primo Alonzo Russo Young couple who made naive decisions and actions resulting into break up. Years after, they met again. Growing apart from each other, will they be able to find a way to collide again or will they just...