Chapter 40
I can't get Margie's point. Anong kinalaman nila mommy or daddy sa amin ni Primo? Why is she insisting that they wouldn't like the idea of us?
"You're just making up another stories. Idadamay mo pa talaga sila mom and dad? Wala kang patawad." Matapang kong saad kahit pa napapaisip na din ako.
"Apparently, I'm not." She said in so much certitude.
"Ano bang ibig mong sabihin-" pinutol niya ako. "You know, I think my friend needs me now. Gaya ng sinabi ko, nandito ako para sa kaibigan ko at hindi para makipagkwentuhan sa iyo." She said in a fast phase. As if wanting so much to dismiss me.
May gusto pa akong malaman.
"Sagutin mo ako-"
"Look, Sam. Sinabi ko na hindi ba? Ask our parents instead. Tigilan mo na ako."
Mabilis siyang umambang didiretso na sa lobby. Bago ko pa matanong ang dahilan ay kusa na siyang lumingon pabalik sa akin.
"Muntik ko ng makalimutan my dear sister. I think you know the 'friend' I was pertaining. She's inside that room." She said pointing at Primo's office. "Visiting her fiancé. You know, her son is asking for... his father."
Her last words stunned me.
Hindi ako makapaniwalang isinaksak niya sa akin ang pilit kong itinatanggi sa isip ko. It is true then. Primo is the father of Crisan's child!
Naninikip ang dibdib ko pero wala akong magawang kahit ano. Nanatili lang akong nakatayo doon kahit ilang minuto na ang lumipas ng umalis si Margie.
Naisip ko na iyon kanina. Na ang pagmamakaawa ni Crisan para sa anak niya tunay na may kinalaman kay Primo dahil maaaring anak niya ito. Ayaw kong paniwalaan iyon lalo na't naisip ko iyon ng walang konkretong batayan.
Pero paano ko iyon itatanggi ngayon na may nagkumpirma noon sa akin? Ngayong tumutugma ang mga salitang binitiwan ni Margie sa kung ano mang narinig at nakita ko sa loob ng opisina ni Primo.
Nauna ko atang naramdaman ang pamamanhid kaysa sa sakit. Ngayon lang tumulo ang luha ko kahit pa ilang minuto na ang nagdaan ng mapagtagpi-tagpi ko ang lahat.
Hindi sa trabaho abala si Primo. Hindi siya nagpaparamdam sa akin kahapon pa. Iniwan niya ako para sa importanteng bagay, at ito ang importanteng bagay na iyon.
Na may anak sila ni Crisana at kailangan na siya nito!
At base sa nakita kong ekspresyon niya habang nagmamakaawa si Crisana ay malamang sa pinag-iisipan na niya kung paano babaliin sa akin ang balita. Kung papaanong sasaktan na naman niya akong muli.
Hindi ko maintindihan kung bakit palagi na lang ay susuyuin niya ako para lang masaktan ulit. Ano ba ang naging kasalanan ko para paulit-ulit niya iyong gawin sa akin?
Magulong-magulo ang isip ko ng pinalis ko ang luha sa aking mukha.
Wala ng dahilan para kausapin ko pa siya. Hindi na niya kailangan pang maghanap ng magandang salita bago sabihin sa akin ang katotohanan. It was slapped to me the hard and lethal way!
"Ma'am, nakausap niyo po si Mr. Russo?" habol na tanong sa akin ng receptionist ng makitang patungo na ako sa elevator.
Umiling ako. "Hindi na. Mukhang busy pa siya." tanging nasabi ko.
"Ah, opo. Nandito po kasi ulit ang fiancee niya." Ulit. Fiancee.
Alright, miss. Oo na. Alam ko na. Sobra-sobra na ang mga kumpirmasyon na sinampal sa akin. Hindi mo na kailangang ulitin pa.
BINABASA MO ANG
Us Again (Russo Series 1)
Ficción GeneralMaria Samantha Fontanilla x Primo Alonzo Russo Young couple who made naive decisions and actions resulting into break up. Years after, they met again. Growing apart from each other, will they be able to find a way to collide again or will they just...