Napabalikwas ng bangon si Kalonice at tumingin sa paligid bago sa oras. Alas-singko na ng umaga.
Nakahinga siya ng maluwag. Akala niya kasi ay late na siyang nagising. Mabuti naman at maaga pa.
Hinilamos niya ang mga palad sa kaniyang mukha at tumayo. Tiningnan niya ang mga nasa kama na hanggang ngayon ay tulog pa din. Ngumiti siya bago kinuha ang kaniyang school uniform at ang kaniyang tuwalya saka naligo.
Pagkatapos niya ay nagluto na siya ng umagahan. She heard Contessa cooing kaya nilingon niya ito. Gising na pala ang bata at halatang naiirita sa posisyon. Nabibigatan sa bisig ni Midas na himbing na himbing pa din ang pagtulog.
Hininaan niya ang apoy at ito'y nilapitan bago pa lumakas ang pag-iyak nito. Maingat niyang kinuha si Contessa at binuhat. Nanggigigil siya sa bata.
"Ang cute-cute mo talaga, baby!" aniya at hinalikan ito sa pisngi. Contessa smiled at her before burying her face on her shoulder. Inaantok pa.
Hinele niya ito at nagpatuloy sa pagluluto. Ramdam niyang puno na ang diaper nito. Kaya nang siya'y natapos sa pagluluto, dala ang kaniyang wallet at si Contessa ay siya'y lumabas. Pumunta siya sa pinakamalapit na grocery. Habang pumipili ay narinig niya ang balita. Tumingin siya doon at nakita ang sarili.
It was the footage from the press conference the other day.
Siya'y natigilan at natulala sa nakitang sarili. It really was Edana. From the way she dress, the way she speak and her facial expressions, it is Edana.
Napansin niya ang pagtingin ng kaniyang katabi. Nagtinginan silang dalawa. Bumaling ito sa TV bago sa kaniya. Mabilis na dinampot ni Kalonice ang isang diaper at wipes at siya'y nilampasan. Kumuha din siya ng mga tinapay at biscuit ganun din ang dalawang Chuckie at bottled juice para sa mga kapatid. Baon ng mga ito. Hindi niya rin kinalimutan ang quintuplet at binilhan sila ng gummy worms.
Umuwi din agad siya. Nakita niyang tulog pa ang mga kapatid kaya ginising na niya ang mga ito upang maligo. Inihiga niya sa kama si Contessa at pinalitan ang kaniyang diaper. At nang ito'y kaniyang mapalitan, saka naman ito dumumi.
Naka-awang ang bibig siyang tumingin kay Contessa na nakangiti. Natawa na lang din siya. "Ikaw talaga. Kapapalit mo lang ng diaper, baby!"
Naalimpungatan si Midas sa maliit na tawa ni Contessa. Sumalubong sa kaniya si Kalonice na nakangiti habang hinaharot si Contessa. Siya'y natulala.
Napansin siya ni Kalonice at siya'y nginitian. "Good morning." Bati nito sa kaniya. Tumingin siya sa paligid at nakita ang mga kapatid. Seeing them broke his dream, or imagination. And he thought he was dreaming that he was married and that Kalonice is playing with their baby. It was just Contessa.
"Why are they here?" tanong niya at bumangon. Hiniga niya ng maayos ang mga kapatid sa kama. Iyong hindi sila nagsisiksikan para mas umayos ang kanilang tulog.
"Gisingin mo na sila. Dito ko na kayo pinatulog. Sabi ko kina Tita at Sir Larry ay ihahatid mo sila," sabi ni Kalonice at muling nilinisan si Contessa.
"Bumili ka muna ng diaper ng kapatid mo. Dalian mo." Utos niya kay Midas na hindi pa nakakagising ng tuluyan.
"Ugh, can you at least let me wake my entirety up?" he complained. Tumayo siya at nag-inat.
"Bilisan mo na lang." He rolled his eyes and went to the sink. He washed his face and gurgled water to clean his mouth at least. Tinuyo niya ang mukha gamit ang tissue at lumabas.
"Gising na kayo, mga babies. Rise and shine~" she chanted at kiniliti isa-isa ang magkakapatid. Tumawa naman ang mga ito.
"It tickles, Kally! Hahahaha!"
BINABASA MO ANG
Midas' Touch [COMPLETED]
RomanceNothing is scarier than the voices and personalities inside your mind.