Deib Lohr Enrile, Juanito Alfonso, Possessive men, Zeke, Jeydon, Elton and 99 others.
Isa ka rin ba sa inlove sa kanila? HAHAHA ako rin eh! Yung tipong ang laki na ng eyebags dahil babad sa cellphone para lang matapos ang story.
Yung tipong sila lang sapat na bilang boyfriend at ASAWA ,kahit walang jowa sa reality.
Yung tipong sege ng sege pa rin kahit sumakit na ang ulo ,lumabo na ang mata, at pinagalitan na ni Mama.
Yung tipong sinira ang iyong ka-inosentehan dahil pinalitan ng kamanyakan.
Yung tipong gumaling na sa English,natuto ng magmura at nagkaroon ng standard na sobrang taas.
Ika nga ng Wattpad, 'Know your worth!' Diba?
At higit sa lahat... ang escape ng karamihan dahil sa masaklap na reality.
Saan ka nga ba aabutin ng iyong ka-adikan?
-JERELEE ZIN VAILOCES BERNALDEZ
ADIK ako sa WATTPAD pero BITTER ako REALITY.
At ito ang aking kuwento...
Kung may Deib Lohr Enrile lang sana sa totoong mundo,kung may Juanito Alfonso lang sana ako,kung may possessive men lang sana tayo,kung meron lang sana tayong leading man na kagaya nila edi sana maraming babae ang masaya at magdidiwang sa araw-araw na kilig at marami tayong magsasabi na "Wala na akong mahihiling pa!"
Si Deib Lohr Enrile na mas sweet pa sayo,na hinahabol daw ng maraming puso kaya nagmimistulang bading pero cute pa rin,siya na tanggap ka kahit ano pa ang iyong hitsura,siya na ilang ulit mo pang saktan pero ikaw pa rin.Diba? Sino ang taong hihindi sa taong katulad niya? Wala! Kasi siya ang halos dream guy ng lahat. Tanga lang ang hihindi sa kagwapohan niya kaya nga lang may pagka-bully pero nagbago naman noong ikay dumating kaya Sino? Sino ang hihindi?
Si Juanito Alfonso na sobrang charming at gentleman na kahit siguro akitin mo pa at maghubad ka sa harapan niya, hindi ka niya papatulan dahil mataas ang ang respeto niya sayo at pag-antayin man ng walang kasiguraduhan ay mag-aantay pa rin.May ganito pa ba? May nabubuhay pa bang ganitong lalaki sa reality?
Ang mga Possessive men na sobrang possessive pero sweet pa rin na akala mo sex lang ang habol pero hindi pala dahil talagang Mahal ka nila.Seloso nga pero kung ano man ang pangarap mo ay nandiyan lang para sumuporta,kung may mananakit man sayo ay nandiyan lang para ipagtanggol ka.
Si Zeke na isang mafia pero kung magmahal ay sobra.
Ang JBoys na ginagawa ang lahat para mapantayan ang estado mo sa buhay para maipagmalaki mo siya,may mataas ang pasensya kahit ikaw naman talaga ang problema.
Si Sevi na makulit,madaldal pero matalino at marunong dumiskarte sa buhay.
And 99 others na hinihiling ko na sana ay totoo para lahat tayong mga babae ay sumaya.
________________________________________________________________________________________________
Hello! Another story na naman po..
Please don't forget to comment,vote and share!
BINABASA MO ANG
WATTPAD VS. REALITY
RandomDeib Lohr Enrile, Juanito Alfonso, Possessive men, Zeke, Jeydon, Elton and 99 others. Isa ka rin ba sa inlove sa kanila? HAHAHA ako rin eh! Yung tipong ang laki na ng eyebags dahil babad sa cellphone para lang matapos ang story. Yung tipong sila lan...