Track 40: Be Your Everything

191 22 97
                                    

"Zander!" Sigaw ko sa lalaking katabi ko lang sa bleachers. "Hindi ka naman nakikinig sa akin." Tinapik ko ulit ang balikat niya.

"Aray ko naman Jannah!" Zander flinched, glaring at me. "Sa tingin mo ba makakapag-concentrate ako dito sa field na puno ng mga pogi at hot guys?"

"Tara na, Zan!" Nag-promise pa naman ako kay Lake na manonood ako ng mga games niya at ayaw ko siyang ma-disappoint.

"Bestie, tignan mo yun o. Yung moreno na malaki ang katawan. Baka naman pwede mo akong ipakilala." He shifted his weight to face me, akala ko makikinig na siya sa akin, but instead, he pointed at someone on the field.

I followed his line of vision. Hindi ako masyadong familiar sa mga ibang players dito sa bagong university namin ni Lake na Fotheringham University.

I turned back to Zander. "Tingin mo naman maipapakilala kita? Hirap nga akong makipagusap sa mga kaklase ko."

Zander pressed his lips, preventing a laugh from escaping his mouth. "Totoo naman. Pero what I mean is baka pwedeng sabihan mo si Lake na ipakilala ako."

"Zan! Jam!" Biglang may paparating na boses. Nang maramdaman ko ang kamay sa balikat ko, napasinghap ako sa gulat.

"Mason naman!" Reklamo ko habang hawak ang dibdib ko.

"Sorry, Jam." Tumatawang sambit ni Mason sabay upo sa tabi namin.

Napairap ako kina Mason and Benjamin sa tabi ko. Simula noong naging kami ni Lake, hindi na nila ako tinantanan sa panunukso nila.

Mason turned to me with a sly smile. "Napaka-supportive girlfriend mo naman."

"Swerte talaga ng tropa namin sa'yo," sabat ni Benjamin habang tinatapik ang likuran ko.

"Maswerte talaga siya. Mabait, maganda, matalino. Ano pa ang hahanapin ni Lake sa bestfriend kong 'to?" Zander suddenly answered for me.

"Jam, hindi mo naman kailangang panoorin lahat ng games niya, pati practice games," Mason reacted, chuckling.

"Nag-promise kasi ako sa kanya," sagot ko.

"Bakit? Natatakot kang iiwanan ka ni Lake pag hindi mo tinupad ang promise mo?" Mason's curiosity never failed to surprise me.

Umiling ako sabay tingin ulit sa lalaking pinaguusapan namin ngayon na nasa field. Takot ba ako?

"Jam, huwag kang mag-alala kasi patay na patay si Lake sa'yo," ani Benjamin sabay kindat pa sa akin.

"Sinabi ba niya 'yan sa inyo?" Nakataas ang kilay ni Zander sa dalawang lalaki.

Tumawa si Mason. "Hindi, pero kilala namin si Lake. At kapag na-inlove siya, siguradong all in siya hanggang umabot kayo sa altar."

Napakurap ako. "A-Altar?"

"Wow! Kasal na pala agad. Congratulations Mrs. Jannah Thompson." Zander's laugh caught my ears, but my eyes travelled towards Laken again.

Ilang metro ang layo namin mula sa field, pero nagulat ako nang makita kong nakatitig sa aming direksiyon si Lake. Hindi ko namalayan na tapos na pala ang practice nila, not until I saw him already jogging his way towards us.

"Nandito na pala ang kaibigan namin!" Benjamin exclaimed, waving at his friend.

Huminga ako nang malalim sabay tingin sa aking sling bag. Ang totoo excuse ko lang na tumingin sa ibang direksiyon para kalmahin ang sarili ko bago ko tignan ang gwapong nilalang na paparating na siyang boyfriend ko rin.

"Jannah!" That was his voice.

Pagtingin ko sa harap, nakita ko siyang papalapit na sa akin sabay halik sa aking pisngi. Bigla akong nanigas sa paglapat ng labi niya.

The Broken SoundtrackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon