Ipaglaban
Parang nakangiti pa ako habang sinasabi yun,shit medyo marupok ata ako. HINDI PWEDE,Pero tama si Daddy, Kung mahal mo.Ipaglaban mo
Naguguluhan pa din ako sapagkat baka wala ding mapuntahan ang pagmamahal ko a kanya. Tsaka komplikado na din ang lahat,baka mahirapan lang ako. Yan ang sigaw ng utak ko pero parang iba ang isinisigaw ng aking puso.
Nag-aayos na ako dahil ngayon na gaganapin ang pageant na iyon.
Medyo kinakabahan pa din ako.
B-baka magkamali ako?H-hindi kaya ko toh. Pero para saan paang pagpapractice ko kung hindi din naman ako ganoong confidence.
"Wag kang gumalaw ma'am!" Nagulat ako ng magsalita ang isang make up artist sa akin. Masyado ba akong malikot?Baka? Napatingin ako sa repleksyon ko sa salamin. Bakit parang iba ang itsura ko ngayon. Tss ewan.
"H-ha, sorry po" ngiti ko.Parang ilang taon na nila ako inaayusan. Naglalagay na sila ng mga make up sa mukha ko,ang isa naman ay abala sa pag-kulot ng buhok ko. Huminga na lamang ako ng malalim at iniisip kung anong gagawin ko mamaya sa pageant. Basta nagpractice na ako
Kailangan ba talaga ng maayos na maayos? Gusto ko na lang sanang matulg kesa sumali sa mga ganitong patimpalak eh, grrrrrr
"Ayan ma'am, ayos na po kayo" ngiti ng babae sa akin. Syempre ngumiti na din ako pabalik at tumayo na.
Nagulat naman ako ng makita uli ang repleksyon ko sa salamin. Parang hindi ako toh gagi. Napahawak ako sa pisngi ko at sinampal ang nuo ko jeez. Hinawakan ko pa ang salamin na parang gulat. Sa totoo lang Lia baliw ka na ba?
Nakangiting umalis na ako sa kuwarto ko. Kinakabahan ako syempre. Habang naglalakad pababa ay nakita ko ang sulat ni Daddy
"Hindi makakapunta ang daddy mo, madaming appointment ngayon sa kompanya. Alam ko namang kaya mo yan, anak kita eh. Love you from Daddy ni Lia na Gwapo" napatawa ako sa mga huling nakasulat . Daddy talaga.
Kaya ko naman diba? Habang naglalakad ay may nakita na agad akong katauhan sa labas ng pinto. Napakaliwanag ng buksan ang pinto kaya di ko masyadong makita ang mukha.
Anghel ba toh? Lord kinukuha nyo na po ba ako? Napahawak ako sa dibdib ko. Hindi , hindi ako pwede mamatay. Anghel nga ata itong nasa harap ko eh. Niloloko nyo ba ako ha?
Napaka pogi nya sa suot nyang tuxedo. Ang buhok nya na kulay itim na at ang mapupulang labi nya at ang-
"Tapos ka na bang tingnan ang kagwapuhan ko" Bumalik ako sa realidad ng marinig kung sino iyon. Napatingin ako kay Harry na parang tanga na nag iismirk. Tse feeling naman nya nabulag ata ako mga 5 seconds.
Bat pa kase kailangan ng pageant eh college na kami ah~!!
"Asa ka naman noh?! Tss" agad na sabi ko sabay inunahan na sya sa may kotse nya.
"Hoy hintayin mo ako, lagi mo na lang ako iniiwan AHHH!" pasigaw na sabi nya kase nalayuan ko na nga talaga sya. Bala sya dyan. Nang makapasok na ako ay nakita ko syang hingal na hingal na pumasok sa sasakyan .
"Sira ka talaga" tumawa lang ako at hinintay na umalis na kami. Kinakabahan na talaga ako. Kase sino naman hindi noh? Andami kayang tao doon. Buti na lang talaga at nagpractice kami ng maayos.
"Handa ka na ba?" tanong sa akin ni Harry. Aba syempre handa na ako. I was born to be ready kaya!
"S-syempre naman" nangingig na sabi ko. Habang nagd-drive sya. Diba pag nanginig ready? hehe
"Sure ka ah" sabi nya pa sa akin habang nagmamaneho. Ang kulit "I was born to be ready nga eh" hmph talaga.
"Oo 2ll sure na sure" I heard him chuckle . Inikot ko na lang ang mga mata ko at diretsong tumingin sa daan namin.
BINABASA MO ANG
Mapapansin Kaya(CRUSHSERIES#1)
RomantizmIto ay tungkol Kay Lia na may gusto Kay Ken noon pa....Mapapansin kaya siya nang taong gusto Niya???? "Alam ko naman impossible Yun" -Lia Crush Series#1 Status: On-Going