Chapter 3
Pagka - alis ng mga kaibigan niya ay doon na siya nagwala.
Hindi niya kasi maintindihan ang mga magulang sa nais nito para sa kanya.
Buong buhay niya kasi ay lagi siyang sumusunod sa mga ito. Hindi nga siya nagkaroon ng pagkakataong magkaroon ng interes sa babae. Dahil sa higpit ng mga magulang nya, noon puro training at aral lang ang ginagawa nya.
Kaya isang sambit lang ng kanyang mga magulang ay napapa "oo" na lamang siya.
Magmaktol man siya sa huli ay sumusunod rin siya agad. Ganoon s'ya kabuting anak.
Kaya masamang masama ang loob ngayon ni Devon sa nalaman na ipapakasal siya na walang pahintulot nya, para sa kanya hindi na sya bata para sa mga ganoong bagay tapos ngayon bigla na lamang tatawag ang mga ito at sasabihing ipapakasal siya sa hindi niya kilala at hindi man lamang niya mahal!
Maski nga ang magka nobya ay hindi niya nagawa noon. Dahil sa pagiging mafia lord niya tapos ang pagpapakasal na kahit kailan ay hindi pa niya nararanasan ay iaatang sa kanya. Mas gugustohin pa nyang ipadala sa Mindanao at makipag laban sa mga terorista, takasan ang mga alagad ng batas at magpuslit ng droga, kasya matali sya kung kanino mang Maria Clara, Eba at Camille.
Hudas na kung hudas ang tingin sa kanya, sa wala pa syang balak magpatali o magpasakal mas masaya siyang mag - isa kasama ang dalawa niyang kaibigang bano. Kasya maging sunod - sunoran sa kung sino man. Ang dami - daming lalaki sya pa napiling paglaruan.
Hindi nya malaan kasi sa kanyang mga magulang kung ano ang tipo sa buhay, para sa kanya hindi nobela ang buhay na may isang babae at lalaki na magtatagpo at magpapakasal at matutunang mahalin ang isa't isa. "Kalukuhan," sambit nito sa kawalan pero mangyayari din pala sa kanya at hindi nya ito inaasahan.
Lalo naman siyang na aborido sa isiping iyon.
Kung kaya't pinaghahagis naman niya ang kung anong mahawakan. Kung kaya't nakakapag likha ito ng malalakas na tunog ng pagkabasag.
Wala itong paki - alam kung mabasag man lahat ang mga kasangkapan niya sa kanyang mansyon.
Ang nais lamang nya ngayon ay mailabas ang galit na kanyang nararamdaman.
"Bullshit! Why should I do this? Magpakasal sa anak ng, ka business partner nyo ni Dad for what?"kausap nito sa kawalan habang tuloy parin ang pagbabasag ni Devon.
Nang magsawa sa pagbabasag ay pinagbabaril naman niya ang kanyang bintana, vase, chandelier at lahat ng babasagin. Maski ang mga ilaw niya ay pinagdiskitahan na niya rin. Matapos mawalan ng bala. Ay inis na niya itong tinigilan at inihagis kung saan ang baril.
Pagak siyang natawa tsaka nagtungo sa kanyang mini bar at doon uminom nang uminom. Naka ilang bote ng alak rin siya bago tuluyang nalasing.
Nang malasing ay kung ano - ano na ang sinasabi nito.
"Damn! Mom. Kung ipapakasal niyo pa rin sa akin yang anak ng ka business partner nyo ni Dad. Huwag kayong umasa na tatratohin ko siya bilang asawa ko."sabi nito habang ka usap ang bote ng alak at dinuro - duro pa.
"Pero kung maganda naman why not hahaha... I'll make sure she's suffer HAHAHA.."wari'y nagbago ang isipin pero tinuloy ang balak, tsaka naka naka ngiting sinundot ang boteng hawak - hawak.
Dahil rin sa kalasingan ay pa ulit - ulit na rin niyang sinasabi ang mga sinasabi niya kanina.
"Hahaha,A-alam mo ikaw b-bote ikakasal na raw ako sa anak ng ka business partner ng ama ko hahaha. Hindi ako papayag ikaw ba?"tanong nito sa bote.
"Bakit hindi ka sumasagot? Are you dumb?"inis na turan nito tsaka puno ng prostasyong sinuklay ng kanyang kaliwang kamay ang buhok nito.
Hindi pa nakuntento ang binata dahil sa inis ay tinabig nya ito kung kaya't naging dahilan ng pagkabasag nito at lumikha na naman ng malakas na ingay.
Dahil nga mag - isa kahit sino ay walang umawat sa kanyang ginagawa kaya malaya niyang sabihin ang kanyang nais sabihin.
Hindi rin naman siya marinig ng kanyang gwardya dahil maaga itong nag out. Dahil may emergency ang pamilya nito.
Mahirap din marinig ng mga kapitbhay ang pagwawala nito. Dahil masyadong tagong - tago ang mansyon ng binata.
Ginawa kasi itong ganoon dahil naging taguan ito noong panahong kasagsagan ng laban ng mga mafia.
Nang matapos kausapin ang bote ay pa suray - suray na itong naglakad palabas sa mini bar at sinabi ang katagang...
"I will make you suffer in my hands, woman, " ani nito sa galit na tono tinumba pa nito ang kanyang inuupuan sa minibar.
Tuluyan na itong umalis at pasuray - suray na naglakad kung saan.
Take Note: PLAGIARISM IS A CRIME YOU KNOW?
Ps by @adrindux16
![](https://img.wattpad.com/cover/251480627-288-k183688.jpg)
BINABASA MO ANG
"My Childish Wife and My Mafia lord Husband "
RomanceIsang babaeng isip bata,makulit at hindi mo aakalaing siya ay 18 years old na. Lumaki siya sa marangyang pamilya ngunit namatay ang ina nito kaya ang kasama na lamang nito ang kanyang ama at ang step mom nito na may isang anak na babae ito ay si ver...