Chapter 36

1K 19 11
                                    

"Ave, you're here. Kanina ka pa ba dumating?" Mom asked as she walks towards me.

"Hey, mom. I missed you." I told her as I hugged her.

"I missed you too, Ave." She told me as she hugged me back.

"Agnes, can you clear my schedule for tomorrow? I want to spend some time with my daughter." She told Tita Agnes.

"Sure thing, Mayor."

"By the way, this is Congressman Gheironn Jovan. Congressman, meet my daughter, Aestrea Aveleigh."

In fairness, and gwapo ng Congressman na 'to. Matikas at matipuno. Nasa 40's na pero mukhang nasa 30's pa lang ang itsura. Kung hindi lang ako in love kay Rhys baka dito na ako mai-in love.

"Nice meeting you, Ave."



"Tita, lagi ba nandito si Mom sa Capitol?" I asked Tita Agnes. Nakaupo kami dito sa office ni Mommy.

"Minsan pumupunta siya sa Capitol. Bakit mo naman na tanong?" She asked without leaving her eyes on her laptop.

"Para kasing may something sila ng Congressman na yun. I don't know, feel ko lang." I crossed my arms.

"I heard na nililigawan ng Congressman ang Mommy mo tsaka minsan nakikita ko na pinapadalhan niya ng bulaklak ang Mommy mo." Napatingin ako kay Tita Agnes matapos niya sabihin yun.

"So, there is something going on between them huh?" Nagkibit-balikat lang siya sakin.

"By the way, iha. I heard from your mom that your dad's killer is your boyfriend's father. Kumusta ka? Are you okay, iha?" She asked me.

"Honestly, I don't know how to react Tita." Napabuntong hininga ako at napasandal sa sofa. Napatingin ako kay Tita Agnes na nagta-type sa kanyang laptop napansin ko yung peklat sa balikat niya.

"Tita, ano po nangyari dyan?" I asked her. She looked at her shoulder before looking at me.

"Ah, na ambush kami dati noong kampanya tapos natamaan ako ng bala sa balikat. Pasalamat nga ako kasi kahit puro kami sugatan, buhay kaming lahat." Pag ku-kwento niya.

"Oh my gosh, Tita. Buti po at hindi kayo napuruhan."

Mahirap talaga maging politiko. Lalo na kapag sa kampanya, maraming gahaman sa posisyon at corrupt na gustong manalo.


Kaya hindi umuunlad ang bansa kasi dumarami ang mga katulad nila. Imbis na sila ang gagawa ng paraan para mapaunlad ang bansa, sila pa mismo ang gumagawa ng paraan para mapabagsak ito.


Nag-usap lang kami ni Tita Agnes sa office ni mommy. Ang dami naming napag-usapan tungkol sa politika.

"Tita, mukhang mabait naman si Congressman. Wala namang problema kung sasagutin siya ni mommy. Mabait naman siya. Huwag niya lang sasaktan si mommy."

"Just a friendly reminder, Ave. Don't trust anyone. An innocent looking lion can attack anyone in silence."

"What do you mean, Tita?" I asked her.

"Ang totoong kalaban ay nagtatago sa mala-anghel na mukha at mahinahon na salita. Kaya huwag ka magpapadala at maniniwala, baka mapaikot ka na niya sa kamay niya."

I frowned. What the hell is she trying to say?

"What do you know about the Congressman, Tita?" I asked curiously.

"Sino nga ba ang Congressman? Ano nga ba ang meron sa Congressman? What is his connection to your family? Or should I say..."

"Ano nga ba ang pakay niya sa pamilya niyo?"

Tempted (Convallaria Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon