Chapter 42

741 14 2
                                    



"Ave, here's my design for the garden with gazebo. What do you think? Okay lang ba o may kailangan akong baguhin sa design?" One of my teammates asked me.

"Okay na ito, ang ganda nga ng design ng gazebo. I think we have to ask our client kung anong kulay ang gusto niya para rito." I told her.

"Okay, thanks. You're the best." Nagtawanan pa kami at nagbiruan.

It's been a week since I've started to work at HL Design & Construction Corporation. Actually, I and Rhys are in the same building. Nahahati kasi sa dalawa ang building na ito. Sa left side ay office ng mga architects while on the right side ay office ng mga engineers. A close friend of Rhys's mom ang may-ari ng building na ito. I was one of the Junior Project Architect while Rhys was hired as one of the Project Engineer in HL Design & Construction Corporation. We usually work as one team here in HL Design & Construction Corporation. Kami ang inaatasan sa pagdidisenyo at pagkatapos maaprobahan ay ipapasa sa kabila. Sila naman ang nagbibigay buhay sa mga disenyo namin. Every Junior Project Architects has an assigned team. Lima kaming Junior Project Architects at bawat team ay may 5-6 na myembro. Kadalasan sa mga kliyente namin ay mga business man, nagpapatayo ng bagong building, bahay o bagong branch para sa negosyo nila.

Kapag lunch break ay sinusundo ako ni Rhys sa opisina ko at sabay kaming bababa para kumain sa cafeteria. Sabay kaming pumapasok at sabay din na uuwi. Ganun lagi ang routine namin. Maaga siyang gigising para magluto ng almusal namin. Ako naman ay naliligo muna habang nagluluto siya. Pag nagbibihis ako ay tsaka siya maliligo tapos sabay na kami bababa para kumain. Pagkatapos kumain ay pupunta na kaming pareho sa trabaho. Ihahatid niya pa ako sa tapat ng office namin bago siya dederetso sa office nila. Pag nakauwi naman kami ay siya pa rin ang nagluluto, kahit alam kong pagod kami pareho sa trabaho pero ipinagluluto niya pa rin ako. Pagkatapos namin maghapunan ay nagvo-volunteer na akong maghugas ng mga pinagkainan namin. Ayoko naman i-asa lahat ng gawain dito kay Rhys. Parehas kaming pagod sa trabaho pero dapat dito nagtutulungan pa rin kami sa mga gawain. Minsan inaagaw niya pa sakin kaso nagpupumilit ako kasi nahihiya na ako sa kanya. Siya na lang lagi ang kumikilos dito kahit pagod siya hindi ko siya narinig na nagrereklamo.

"Ako na rito. Magpahinga ka na." Sabi ni Rhys.

Kakatapos lang kasi namin maghapunan at naghuhugas ako ng mga plato. Sinusubukan niyang agawin sakin ang mga iyon.

"Ako na rito. Kaya ko na ito." I told him.

"Pero pagod ka na, galing ka pa sa trabaho."

"Ikaw din naman." I told him. I looked at him.

"Rhys, hayaan mo na akong tulungan ka sa mga gawain dito."

"Ayoko lang naman mapagod ka."

"Dahil ayaw mo lang ako mapagod kaya sarili mo na lang ang pinapagod mo, ganun ba?" He went silent.

"Rhys, kaya ko naman to eh. Hindi mo kailangan pagurin sarili mo, pwede naman kitang tulungan. Mapapadali pa ang pagtapos ng mga gawain dito kasi dalawa tayo ang gumagawa. Hayaan mo na akong tulungan ka rito."

"Okay, if that's what you want. Pero sabihan mo ako kapag napagod ka para ako na tatapos nyan." He told me.

"Parang ang asim mo. Maligo ka na, mahal." Biro ko at inamoy-amoy ko pa siya.

"Really huh? Kaya pala kanina mo pa ako inaamoy amoy mula paglabas natin ng building." He said.

Natawa ako sa sinabi niya. Naaadik kasi ako sa amoy ni Rhys, ang bango kasi. Binibiro ko lang siya para maligo siya at maiwan ako rito sa paghuhugas ng mga plato.

Tempted (Convallaria Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon