Chapter 16
Habang hinihintay kong dumating si Sasa, I'm surfing online and I just found out that it wasn't Fredrick that I saw last night. Namalikmata lang ako. Sobrang OA ko naman kasi kung mag-isip, but I was just looking after myself. I'm much worried about kung magiging bibig talangka si Fredrick at ipagsasabi sa mga kapatid kong nandito ako ngayon sa Japan.
Well, if Fredrick would tell them today, makakabili rin kaagad sila ng ticket kahit gaano pa kamahal 'yan. They might be here in the next few days and that's what I'm afraid of. Lumalayo na nga ako sa kanila pero kusang hinahatak pa rin ako pabalik sa masalimuot na buhay ko sa Pinas.
I've got all I need pero hindi sapat para maging masaya ako. Every material things aren't enough to make me happy—was I content of my life? At some point, yes, but never always.
There's a few reminders that Trent told me before he left for work. It was handful, hindi naman stressful. But there are also restrictions and that's what I should be more mindful.
A moment later I heard a few knocks on the main door indicating that the person I was waiting for the past hour just came. Binaba ko ang phone ko at tumungo sa main entrance. I unlocked it for her and there she goes bawling out when she saw me. Nabitawan niya ang hawak na maleta at niyakap na lamang niya ako ng mahigpit. Ang lalalim ng hikbi niya at pansin din ang mugto ng kanyang mga mata.
Nasa gano'ng posisyon kami ng ilang minuto. I let her calm down. Iginilid muna namin ang mga gamit niya para hindi sagabal sa daan at saka ko siya dinala sa living room para makapagpahinga. Pumanik ako sa kitchen to get her a glass of water and she drink it all up kaya pagbalik ko ay pitchel na ang dala-dala ko.
"Do you want to go to the balcony para makasagap ka ng hangin?" I suggested then she agreed to it.
Tumayo kaming dalawa at saka tumungo sa balcony area. I slide down the window wall so we could walk out then we sat on the lounger just to relieve from the tensions and stresses. Hinagod ko ang kamay ko sa likod niya at panay ang punas niya ng luha at ilong.
"I'm sorry na kailangan niyo pa akong patuluyin dito, Lav," she said, on the verge of crying again kaya pinisil ko ang balikat niya para hindi siya tuluyang maiyak, "Sa totoo lang, nahihiya akong magsabi sa 'yo pero nilakasan ko na lang talaga ang loob ko kaysa naman magpalaboy-laboy ako hangga't sa makarating sa embassy. Natatakot ako, Lav."
Niyakap ko na lamang si Sasa dahil iyon ang kailangan niya ngayon. "Hayaan mo, 'wag ka nang mag-alala. Nagulat din ako sa nangyari sa 'to at nagulat din ako sa ginawa ni Trent. Sa totoo lang din, hindi ako umaasa na pagbibigyan niya ang request mo kaya shocked din ako ro'n. Wala siya ngayon so pagkauwi niya later, talk to him. Hindi naman magagalit 'yon."
Tumango na lamang si Sasa. Hindi ko muna inusisa kung ano talagang nangyari sa kanya. Kinuha ko naman ang mga gamit niya na itinabi namin sa gilid ng entrance at ilang beses din akong nagpabalik-balik para mailagay ang mga kagamitan niya. Mabigat at siguro halo-halo na ang mga laman nito.
When I head back to check on Sasa, naabutan kong tulog siya sa lounger kaya dali-dali akong kumuha ng blanket para naman hindi siya lamigin do'n. While she's resting, I cook something for her dahil panigurado ay hindi pa siya kumakain. She mentioned to me that most of the times, isang beses na lang siyang nakakakain sa isang araw and if she's fortunate, nakakadalawa siya. And I don't wanna be so nosy to know what happened to her but I'm sad for her.
I informed and leave a message to Trent that Sasa's here and resting. He also wants me to take care of her as best as I can so she can get her strength back.
I couldn't be happier that Trent didn't hesitate to think about it. Gusto niyang makatulong and I think that's the great thing about his personality. I may not know him personally but slowly, with all the things he said and done, nakikilala ko siya.
![](https://img.wattpad.com/cover/247690153-288-k67587.jpg)
BINABASA MO ANG
Night Life in Tokyo
Любовные романыWorld Trip Series 3 Escaping her past, Lav flew to Tokyo to start a new life by being a nanny to an impeccable, wealthy man. What would she do when her boss figured out her intentions? Will her time in Tokyo be finally done? *** Seilaverne Mercondia...