Sabi nila ang pag-ibig bigla na lang dumadating. Dumadating ng wala man lang pasabi. Hindi natin na mamalayan nand'yan na pala. Hindi mo na malayan napaalpas mo na pala. Paano nga ba malalaman kung dumating na nga siya? Makakasalubong mo at sasabihing ‘Ako na ang matagal mo nang hinihintay" "Nandito na ako?" Mayroon nga bang pasabi? O kusa ka na lang bubungguin ang natutulog mong puso at ipaparamdam sa iyo kung ano ang kahulugan ng salitang pag-ibig? Si Xel, maganda, matalino at mayaman. No boyfriend since birth, naniniwala kasi siya na may darating na Prince Charming sa buhay niya. Kahit walang korona at kabayo basta handang ibigay ang lahat sa kanya. 'Yung tipong handang i-give up ang lahat para sa kanya. Nang mabunggo siya ni Zeik, ang tahimik niyang buhay ay tila nawala. Pati ang paniniwala niya sa Prince Charming ay tila nagbago. Pinaniwalaan niya na ito na ang matagal niyang hinihintay na Prince Charming. Hindi nga lang 'to mukhang charming dahil sa mahabang buhok nito at nag-e-emo na itsura, but all in all guwapo pa rin naman ito. Tapos na nga kaya ang paghihintay niya o isa lang din si Zeik sa mga taong makikiraan sa puso at buhay niya?
17 parts