Umuwing pilay ang sikat at guwapong news and documentary reporter na si Haru Esteban galing sa assignment nito sa kaguluhan sa Afghanistan. Sanay na si Fara sa mga ganong sitwasyon ng bestfriend at kapitbahay niyang binata. Parang naging ritwal na sa kanila na sa tuwing uuwi itong sugatan dahil sa trabaho nito ay siya ang nag-aasikaso rito. Besides the fact that haru always looked for her everytime he got home, even without a scratch on him that she could tend to. Harmonious. Iyon ang matatawag niya sa relasyon nilang magkaibigan. Nagulo lang ang lahat ng iyon nang mag-umpisang magparamdam si Haru ng mga senyales na hindi lang ito basta kaibigan niya. At ang puso naman niya, mabilis maka-pick up. Pero nang magtapat siya rito, iba ang naging tugon nito. "Thanks for the feelings, Fara." Ganon lang ba iyon? Paano na ang puso niyang binulabog nito?