(Published by PSICOM Publishing Company under PSICOM App) "Kung hindi nyo ako gusto ngunit kailangan nyo ako, ay mananatili ako. Pero kung nais nyo ako ngunit hindi nyo na ako kailangan, ay aalis na ako." Sa isang university dito sa Pilipinas ay may isang section na napakaraming nilabag na mga batas ng kanilang university. Kung saan ang section ito matatagpuan? Matatagpuan lang naman sila sa FAQ U. Oops mali ang pagkakaintindi nyo. Ang FAQ U means Ford Alex Quiño University. May isang section sa Grade 10 kung saan ay maraming mga barumbado at mga loko-loko. Ito ay walang iba kundi ang last section. Marami nang dumaan sa kanilang mga Religion Teacher at Adviser na nagsurrender dahil sa katarantaduhan ng mga studyante. May 23 Religion Teacher at 21 na Adviser na ang nagsurrender. Ngunit isang araw ang kanilang Religion Teacher ay hindi na isang katekista at ang kanilang adviser ay hindi na isang teacher. Ang ipinalit ay isang madre na matanda ngunit malakas pa ang pangangatawan at may tungkod itong dala-dala palagi. Makakaya kaya ni Sister ang mga studyante ng last section? O makakaya kaya ng mga studyante ng last section si sister? Sabay-sabay nating tunghayan ang kwentong pinamagatang "The Last Section and Sister Jolina" Cover By: Graysibelle