Mahirap kalabanin ang namumuong nararamdaman para sa isang tao. Hindi mo malalaman kung papaano ka makaaahon kung patuloy kang nilalamon ng nararamdamang ito. Bukod sa mahirap itong alisin sa puso't isipan, walang kasiguraduhan kung masusuklian ito sa bandang huli. You need to take a risk kung patuloy na ini-invest mo ang nararamdamang ito. Kaya mo ba itong panindigan kung maaaring umuwi ka namang luhaan? Hanggang saan lang ba ang sakop ng nararamdaman mong ito para sa kaniya? Hanggang saan lang ang posisyon mo sa pedestal? Isasantabi mo na lang ba ang lahat ng iyong nararamdaman kung wala ka namang karapatan? Mananatili ka na lang bang tahimik at walang imik? Mananatili na lang bang tago ang iyong nararamdaman dahil alam mo naman na wala ka nang pag-asa sa kaniya, kahit na alam mo ang katotohanang hindi mo siya kailanman maaabot?