Noelle Santarin, isang mahirap at hindi nakatapos sa pag-aaral. Kinupkop siya ni Beth Santarin, hindi niya tunay na magulang. Nagtatrabaho siya sa mga part time jobs na nakikita niya para kahit papaano makabawi rito sa pagpapalaki sa kanya. Gusto rin niyang makatulong sa mga gastusin sa bahay at makaipon na rin para sa kanyang pag-aaral. Gusto niyang makatapos ngunit hindi iyon madali dahil hindi na kayang tustusan ng ina inahan niya ang martikula sa kolehiyo. Isa itong GRO sa isang club sa Subic at gusto siya nitong ibenta sa isa sa mga kliyente nito. Hindi pumayag si Noelle at pinakiusapan ang ina inahan ngunit para itong bingi na hindi pinakikinggan ang kanyang mga pakiusap. Tumakas si Noelle upang makalayo ngunit pinasundan siya ng matandang lalake na bibili sa kanya, ang kliyente ng ina inahan. Ngunit natagpuan na lamang niya ang sariling katabi ang lalakeng estrangherong walang saplot na kahit na ano sa katawan. Daver Mclarenz, isang business man. Hindi nakaranas ng paghihirap kailanman. Lahat ng gustuhin niya ay napapasakanya. Ipinanganak na may gintong kutsara sa bibig, ika nga nila. Para sa binata lahat ng bagay ay nabibili ng salapi at walang pinagkaiba doon ang isang tao. A Novel By: ITSMEJENNALYN
21 parts