Sa kasagsagan ng election campaign period, si Jess Hernandes na isang babaeng journalist ay naatasang mag-cover ng balita sa Quezon City. Makakaharap niya si Manuel Valiente na tatakbong mayor at isa sa mga alleged suspects sa panggagahasa at pagkamatay ng isang college student. Habang binabaybay ni Hernandes ang lungsod, unti-unti rin niyang mabubuksan ang nakabaong kasalanan ni Valiente. Sa pagtatangkang alamin ang mga impormasyon, may makikilala siya at isisiwalat sa kaniya ang buong detalye ng krimen. Hanggang sa matagpuan niya ang sarili sa kamay mismo ng pulitiko. Sa isang mapangahas na kuwento, iikot ang istorya sa ilan sa mga socio-political issues na nangyayari sa paligid lalo na ang kasalukuyang kinakaharap ng mga Filipino journalists sa bansa. Shortlist, The Wattys 2022
27 parts