Lumapit sa kanya si Paolo at mabilis na kinamkam ang kanyang mga labi. Ngunit sa halip na itulak ito ay gumanti siya ng halik at yakap dito. Gusto niyang madamang muli ang mga halik at yakap nito kahit sa huling pagkakataon. Mahal niya ito. Gusto niyang isigaw iyon. Ngunit alam niyang hindi niya makakayang gawin iyon dahil ayaw niyang magmukhang tanga at kaawa-awa. Hindi siya mahal ni Paolo. Kawangis lamang ng tunay nitong mahal. Ang kakambal niyang si Chelly...