The Life Trilogy #3 Matapos umalis at mailigtas si Jester sa Dark World ay isa na namang misyon ang kanilang gagampanan. Akala nila ay doon na magtatapos ang lahat ngunit isang pagbabalik ang kanilang hindi inaasahan. Hanggang saan nga ba hahantong ang lahat ng ito? Hanggang kailan nila kailangang ipagtanggol ang mga sarili. Walang kasiguraduhan kung anong nakatakda pero buo ang isip ni Xana na makukuha niya ang kapayapaan ng bawat isa at babalik sa normal ang mundong kanyang kinagisnan.