L U N A - I

1.3K 59 0
                                    


D A Z A



"Hey, honey? Your friend is here!" Narinig kong pagsigaw ni Mom.

"Kay, mom!" Pasigaw ko ring sagot dito.

Nasa terrace ako ngayon, nagkakape. Masarap at malamig ang ihip ng hangin, sakto lang ang init hindi masakit sa balat. Mula dito ay tanaw na tanaw ko ang papalubog na araw.

Nakarinig ako ng bahagyang pagkatok ng pinto. "Hey, Daza? Anong ginagawa mo?" It was Elizabeth.

"Hey!" Nakipagbeso-beso ako dito nang makalapit ito. "Nothing?" Sagot ko at inilapag ang sketchpad. Kinuha naman niya iyon para tignan.

"Whoa. What is this?" Mangha at takang tiningnan niya ang bawat pahina niyon. May mga guhit akong bahay, mountains, yong aso ng kapitbahay namin, at marami pang iba.

"Wala. Napagkainteresan lang?" Sabay kibit-balikat kong ika. Simula pagkabata mahilig na talaga akong magsketch ng mga bagay-bagay.

"But, seriously? May potential ka, huh! Bakit mo itinatago?" Nanliliit ang mga mata nitong tanong.

"I didn't." Sabay bawi ko ng sketch pad dito. Sa bahay ko lang talaga ginagawa ito. Bukod sa walang istorbo ay napakapeaceful pa. Tho, we lived in the same village. Pero madalas nasa labas kaming lima, si Eli or Elizabeth, Camren, Wali and Fallon. Mahilig kasing maggala ang mga ito kaya napapasama na rin ako at kahapon nga lang ay buong maghapon kaming nakatambay sa mall.

Aksidenting dumulas naman ito sa mga kamay ko ang sketch pad kaya nahulog iyon.

"Sino naman yan?" Tukoy nito sa isang drinawing kong babae. Pinulot ko iyon at pinagmasdang maigi.

Nakaupo ito sa hood ng puting pick up habang kumakain ng chocolate. She's wearing black t-shirt at naka-skinny jean. Nakasuot ito ng puting converse shoes at nakalugay ang mahaba nitong buhok.

"She looks familiar," nasa baba ang mga kamay nitong ika.

Nagbigay tawa lang ako dito.

"Probably, you've seen her. Kahapon yan, nakita ko. We actually bumped each other," napakamot sa kilay kong sinabi. Ewan, simula nang makita ko ang mukha na iyon. Hindi na siya maalis sa isip ko. Especially, those golden eyes. Napakaganda ng mga matang yon. Tho, iniisip kong contact lense lamang iyon. Bumagay talaga iyon sa kulay pilak nitong buhok.

"And you sketch her? Wait- naalala ko na. Siya yong may kasamang gwapong lalaki na nakasuot ng leather jacket kahapon," manghang ika nito. "Bagay sila." Pagkaraa'y sinabi nito.

"What do you mean by that?" I dunno, medyo nakaramdam ako ng pagkainis sa narinig.

"Hello? Kung talagang nakita mo siya kahapon malamang na nakita mo rin yong lalaking kasama niya. Hindi mo ba napapansin kung gaano ka-sweet nung guy sa kanya? And by the way, bakit nga ba natin sila pinag-uusapan?"

"Aba- ewan ko sayo," naiiling kong ika.

"Right, pero curious lang ako. Why her? Bakit hindi yong poging guy na kasama niya ang iginuhit mo?"

"She has those beautiful piercing eyes. Ang ganda ng mga mata niya," wala sa sariling nagbalik sa alaala ko ang magandang imahe ng mukha nito.

Pumalatak ito sa harapan ko.

"Omg, Daza!? Is that you? Kapag ikaw narinig ng tatlong yon baka isipin nilang namamaligno kana!" Natatawang ika ni Elizabeth sa'kin. Inikotan ko lang ito ng mga mata saka humigop ng kape.

"Why are you even here?" Kahit kailan taong gala talaga tong babaeng to.

Bumalik ito sa loob at nagpaikot-ikot sa loob ng kuwarto ko. Well, wala siyang mapapansin bukod sa kulay peach kong mga gamit, unan, bed sheet, maging ang pintura ng kwarto ko. Sumunod ako dito dala-dala ang kape at itinago sa loob ng drawer ang sketch pad ko. Inilagay ko na rin sa ibabaw ng mesa ang tasang hawak ko.

LUNA (Girl×Girl) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon