L U N A - XVI

686 24 10
                                    

My bare feet start to feel numb from running. Kanina pa ako tumatakbo sa malawak na tubohan na to. Ramdam ko rin ang maliliit na mga sugat sa'king braso't mga paa batid ko rin ang pandudurugo maging ng aking mga binti. I hadn't wear shoes aside sa malaking t-shirt ni Ivan na ipinasuot sa 'kin kanina and of course my undies. Ilang araw na rin akong hindi nakapagpalit ng damit bukod sa tshirt na to at pjs ko nung nakaraan.

Ngunit hindi ko na muna dapat pagtuunan iyon ng pansin sa ngayon. Kailangan kong makaalis at makalayo sa lugar na to, malayo sa babaeng yon kung nais ko pa na mabuhay.



Ni hindi ko nga napagplanohan ang pagtakas kong ito kung hindi dahil sa mga nangyari kanina. God! She almost kill me! Kaya ganoon na lamang ang pagkasindak ko at walang pag-aalinlangan na kumaripas ng takbo palabas ng abandonadong bahaya na yon the moment she left.



Lucky enough dahil napagtagumpayan ko iyon kanina. Ngunit ayoko pa ring maging kampante sapagkat alam kong hahanapin kaagad ako ng babaeng yon oras na malaman niya ang ginawang pagtakas kong ito.





"Aw! Fuck!" Malakas kong pagdaing nang mapatid ang paa ko sa isang nakausling bato. Kaagad na napatumba ako't namimilipit sa sakit nang ma sprain ang paa ko.





Nanginginit ang mga mata. Naiiyak na ako dulot ng sakit. Subalit kinailangan kong patatagin ang sarili ko. 'Get up Daza! Mas malala pa ang magiging kahihinatnan mo kung sakaling maabutan kapa ng Sav na yon,' panunulsol ko sa'king sarili. Nag-ipon ako ng lakas ng loob at pinilit na makatayo. Subalit, muling sinalakay ng pananakit ang paa ko bago ko pa man ito maggawang maihakbang dahilan at tuluyang nawalan ako ng balanse.





Napapikit ako at hinintay ang inaasahang pagtama ng katawan ko sa lupa.




"Easy there," isang malamig na at subalit napakagandang boses ang narinig ko. Takang napamulat ako ng ang mga mata sukat at ngayon ko lang napagtanto kung ano ang ginawa nito.




"Ms. C-Cardaval?!"  Napasinghap pa ako sa sobrang gulat nang bumungad sa paningin ko ang 'di inaasahang mukha nito. 

+++







L U N A




I didn't know what to do anymore! My family are all dead! How can I live without them? Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makakapaniwala na wala na ang mga ito. My Mom, my Dad and Adam. They're all g-gone.




What should I do?




Hindi ko na alam kung ano ba ang dapat kong gawin?

Paghihinagpis.


Pangungulila.




Sakit.





Betrayal. At higit sa lahat ay labis na pagkamuhi para sa mga taong pumatay sa buong pamilya ko.





"Pinapangako ko sa inyo. I'll make them all pay! I'll kill them all. At sisiguraduhin kong mararanasan rin ng mga ito ang kung anong sakit ang nararamdaman ko ngayon." Nanggagalaiti sa galit kong singhal. Kuyom ang mga kamao, hindi ko alintana ang pananalaytay ng mga dugo ko. Ang pananakit at sugat na likha mula sa pagkakabaon ng mga kuko ko sa 'king mga kamay.






"Luna?!!"

Humahangos na pagsigaw ng binatang Hawkins matapos nitong pumasok sa lumang kamalig na ngayo'y kinatatayuan ko. Kapansin-pansin naman ang unti-unting paghilom ng mga sugat nito sa katawan. Magkagayunpama'y bakas pa rin sa anyo nito ang panghihina at pagod. Despite of what I saw, wala akong makapang na pagkaawa para dito. Marahil ay dahil punong-puno ng sakit at galit ang ngayo'y namamayani sa dibdib ko.

LUNA (Girl×Girl) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon