L U N A - VI

724 41 0
                                    

D A Z A



Its been two weeks since that night happened. Hindi pa rin ako makakapaniwala sa nangyari, heto ako at buhay na buhay. But- why? I mean, laking pasalamat ko dahil ligtas ako. Pero- papaano? Naguguluhan ako. I saw it's eyes. Alam kong anumang oras ay kayang-kaya ako nitong saktan at lapain. But it didn't happened. Did that beast really save my life?



And now, heck? Nakita ko lang ang babaeng to ay bigla-bigla ko nalang naiisip ang mabangis na hayop na yon.


I sighed in irritation.


To be honest, nainis ako sa sinabi ni Eliz. Alam ko namang biro lang yon pero kinagat naman ng mga kaibigan ko. Tuloy, mas lalong kumabog ng malakas ang dibdib ko.


She's really beautiful. Kakaiba ang ganda niya. Alam kong hindi siya purong pinoy lalo na't sa kulay pilak nitong buhok at features ng kanyang mukha. Mestiza ito at matangos rin ang kanyang ilong. Medyo nakakapanghinayang lang dahil nakatago ang mga matang iyon. But still, mas lalo siyang nagiging hot sa ayos niya ngayon. Sa totoo lang, nagulat talaga ako kanina nung makita ko ang mga ito. Ilang linggo naba nung unang nakita ko ang mga ito sa mall? Akala ko ginogood-time lang ako ni Eliz nung banggitin niyang  nakita niya raw ang mga ito dito mismo sa village namin.


Hindi ko rin mapigilan ang mapalunok nang magbaba ang tingin ko sa mga labi nito. Ewan, ko ba. Hindi naman ako ganito dati akala ko nga niloloko ko lang ang sarili nung time na sinabi ko kay Eliz na gustong-gusto ko ang mga mata nito kaya ko siya iginuhit noon. Pero makaraan ng ilang araw- wala na. And I wasn't expect anything na makikita ko uli ito. Malaki ang mundo. Iniisip ko nga na baka turista lamang ito. And, now. Parang lalabas na naman ang puso ko sa lakas ng pagkabog nito dahil sa nakikita ko. Hindi ko maintindihan, bakit ganito ang epekto sa'kin ng babaeng to? Maybe Eliz is right. Crush ko nga siguro ang meztizang to. Siguro, hanggang doon lang yon. I can't possibly think na lalagpas pa sa ganun. Dahil sa pagkakaalam ko, straight ako since birth. Swerte niya, siya ang first girl crush ko.


But- ugh.

"Snob talaga!" Naiinis kong sabi. Mahina lamang iyon kaya imposibleng maririnig ako ng mga ito.


Naalala ko rin nung nagkabanggaan kami. Ang sungit at kung makatingin parang ako lang ang may kasalanan. Uh, well. Hindi ko naman talaga sinasadya iyon, I was busy texting Eliz and the others kung saan sila nakatambay nung time na yon. But, hey. As if, sinadya ko. And besides, nagsorry naman ako sa kanya. Instead, nakakairitang tingin lang ang ginawa nito na parang pinapalabas niyang ang tanga-tanga ko. Damn! Naiinis ako kapag naalala ko iyon.


Kulang nalang mabali tong lapis na hawak ko. Kung 'di ba naman kasi baliw tong Elizabeth na'to edi sana hindi ako maiinis ng gan'to. Parang pinamukha niya sa'kin na hindi na ako kasing-ganda at kasing charming sa mata ng lahat ng tao.




Knowing that girl? Feeling niya siya lang ang maganda sa buong mundo. Ang taas ng self-confidence niyang pagsungitan ang katulad ko. And it pissed me. Kung alam niya lang-

Nakaramdam ako ng pagsiko ni Eliz. Takang tiningnan ko ito. Ngumuso ito sa unahan sukat at napasunod ang mga mata ko. Tila ba sinadya ng pagkakataon na lumingon ito sa gawi namin kasabay ng pagtanggal niya sa suot na sunglasses ay saktong nagtama ang aming mga mata. Kumindat ito na ikinahulog yata ng puso ko.

What the-?

Maang na napasunod nalang ang mga mata ko dito. Kitang-kita ko pa kung papaano umangat ang gilid ng mga labi nito na tila ba inaasahan na niya ang magiging reaksyon ko.


"I won!" Bulalas ni Ren na ikinabalik ng huwisyo ko.

"Wow! Did you see that?" Maging si Eliz ay hindi rin makapaniwala sa namalas nito. "Wait- saan ka pupunta?"


Mabilis ang mga kilos na pumasok ako sa loob ng bahay. Hawak ang kaliwang dibdib na napasandal ako sa likod ng pinto.

Anong nangyayari?


Bakit ang bilis ng tibok ng puso ko?

Nang makahuma ay kaagad na kinuha ko ang susi ng sasakyan ni Mom. Nakasalubong ko pa si Eliz palabas. "Daza? What's wrong?"


"Nothing. Just give some time. Please, Eliz. I really don't know what's happening. Naguguluhan ako," tarantang ika ko dito.


"Calm down. Kung naguguluhan ka- nandito lang ako. Maybe I can help," anito saka niya hinawakan ang kamay ko. Napailing ako.

"Bigyan mo 'ko ng oras para makapag-isip. Then, I'll tell you everything," sabi ko saka nilampasan ito.



"Sa'n ka pupunta?"



"Lola's house," sagot ko saka binuksan ang garahe. Wala si Mom. Baka nasa mga amiga's na naman niya. Everytime na may gan'to ay wala akong maaasahan sa kanya. Hiwalay na sila ni Dad thirteen palang ako. Kaya hindi na'ko nangangarap na magkabalik pa sila. May bagong pamilya na si Dad. While Mom, mas nagiging workaholic ito at minsan lang nauuwi dito sa bahay. Madalas ay nasa mga kaibigan pa siya nakatambay.



"Where she going?"

Narinig ko pang naitanong ni Ren nang makalabas ako ng gate. Kaagad kinabig ko ang kambyo at pinaharurot ito ng takbo. Marahil ay nagtataka ang mga ito sa ikinikilos ko ngunit ayoko munang pagtuunan ng pansin 'yon. Kailangan ko munang mag-isip-isip. Dahil maski ako ay nalilito na rin at hindi ko alam kung bakit ba ako nagkakaganito.

Mahigit isang oras ang ginugol ko bago narating ang bahay ni Lola. Matagal na siya wala ngunit dahil nakapangalan sa'kin ang bahay at lupa nito, malaya akong bumibisita dito.

Si lola lang ang naging gabay at tagapagtanggol ko nung nabubuhay pa ito. Nung mga panahon kasi na yon ay walang araw na laging nag-aaway ang mga magulang ko. Sa pagkakaalam ko ay hiwalay rin si Lola at Lolo kaya namuhay rin itong mag-isa sa tahimik at nakakalungkot na bahay na 'to. Nung buhay pa si lola ay mas madalas akong nakatambay dito. Hindi rin ako sigurado kung buhay paba si Lolo pero hanggang ngayon ay may sama ng loob pa rin ako dito. Hindi lang si Lola ang pinabayaan niya kung 'di kami na pamilya niya dahil mas pinili niya ang trabaho niya sa ibang bansa kaysa sa'min. Nasabi rin ni lola na mahilig raw mangaso si Lolo kaya nga raw mas pinili nitong magtarik ng bahay dito mismo sa gitna ng kagubatan.



Kaagad akong pumasok sa bahay at isinara ang pinto. Kasabay ng pagbukas ng ilaw, tumambad sa'kin ang mga antique na gamit nito. May lungkot na nailibot ko ang tingin sa kabuuan ng bahay.




Kinuha ko ang isang litrato nito na nakadisplay sa ibabaw ng canopy table. Ang saya namin dito, nasa likuran niya ako at nakayakap sa kanya habang nakatingin kaming dalawa sa camera. Si Mommy ang kumuha nun, birthday ni Lola at dalawa lang kami na bumisita sa kanya. Si Dad kasi sa pagkakatanda ko, may nililigawan na siyang babae nun. Kaya bihira nalang kaming magkita-kita.


"I wish you were here, La." Sa halip, mahigpit ko nalang na niyakap ang litrato namin. "I'm so confused. Hindi ko na alam kung anong nangyayari sa'kin. Kung ano ba 'tong nararamdaman ko. Kung bakit ang bumibilis ang tibok ng puso ko kapag nakikita ko siya. I can't possibly think na gusto ko siya dahil parehas kaming babae and I'm not into girls. La, anong gagawin ko?" Sabi nila mas masarap raw na ikwento ang mga ganitong bagay sa mga magulang especially sa ina na syang nagluwal sayo. Nakakalungkot lang dahil hindi kami ganun ka-close ni Mom. Mas lalong naging masungit at strict ito nung nagkahiwalay sila ni Dad.


LUNA (Girl×Girl) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon